*humikab*
Lumingon lingon pa ako sa paligid ko nang biglang... Aray! Bakit ba ako binatukan nitong kapatid ko? Kahapon pa to ha! Magsusulat lang ako...
"Si Lolo Fred?"
"Ano ka ba kuya! Di mo ba natatandaan bumalik na tayo dito sa West noong isang araw pa kasi wala si Lolo don sa pinuntahan natin? Anhfhjkcbj" bakit ganoon... Di ko na masyadong marinig ang boses ni Jezzie. At si Lolo? Oo nga pala, wala kaming Lolo na nadatnan sa South at sobra akong nasaktan at nalungkot. Parang araw-araw na lang ba akong may hang over sa nangyari.
Masyado nang gumugulo ang buhay ko. Nagtext kagabi si Chloe, sinundan niya pala ako sa South pero nakabalik na kami dito. Ang masaklap pa eh wala na siyang pera para makabalik pa dito. Isa pa ay hinahanap siya nila ate Claire dahil nagreport ang papa niya na tumakas nga tong si Chloe pero ayaw niyang ipalaalam sa kanila na naandoon siya sa South ngayon. Kailangan ko talagang mag-alala dahil mag isa siya doon. Saan siya titira? Pano siya mabubuhay don? Tutal doon naman din siya mag tuturo as student teacher, kaya niya na yon pero nagaalala pa din ako. Di naman ako makakabalik doon kasi, may shows at performances pa ako dito. Isa pa, yung issue na kumalat about sa amin ni Mitchie. Di ko na alam ang gagawin ko.
Aray! Binatukan na naman ako ng isang to.
"tok-tok" pumasok na agad sa bahay si kuya Axl. Medyo pilay pa din ang lakad niya pero mas maayos na siya tingnan.
"Kamusta na? Oh dito na pala ang kapatid mo? Teka... Si Chloe nga pala...." patuloy lang ang pagsasalita niya at wala akong maintindihan. Wala akong mapakinggan. Bakit ganoon?
"..... At ayon." natapos na siya sa pagsasalita.
"Ha?" Sulat ko. Naconfused naman si kuya Axl.
"Okay ka lang ba" nakakunot ang noo ni Kuya Axl at Jezzie.
Biglang may pumasok sa isip ko...
"Maswerte ang apo mo. Karamihan kasi sa mga mute, bingi din."
Ito na ba yun? Pano na ngayon? Paano na lang ako ngayon? Nag-aalala na sila kuya Axl at Jezzie at halata sa mukha nila na nagpapanic sila. Salita sila ng salita pero hindi ko sila maintindihan. Tuluyan na ba talaga akong magiging ganito? Napakamalas ko! Nakikita nilang tumutulo ang luha ko kaya mas lalo silang kinabahan.
Agad nila ako dinala sa hospital para tingnan kung ano ang nangyayari.
Sa ayaw ko at sa hindi, tuluyan na nga akong nabingi. Napakatahimik at wala talaga akong marinig na kahit anong tunog. Nalaman ng lahat na ganito ang nangyari sa akin at dahil doon, sunod-sunod na ang mga kamalasan sa mga sumunod na weeks...
Di na ako tinanggap ng manager ko...
Bugbog na bugbog na ako sa mga masasamang salita galing sa ibang tao...
YOU ARE READING
When My Strings Sing
Teen FictionI'm mute. Hopeless, pero nabago ito dahil sa isang gitara, isang pangarap at isang babae.
