(Axl's POV)
Ang tagal naman ng dismissal ng klase nila Jazz eh madami pa akong sasabihin sa kanya. Hindi ko kasi nasabi nung nakaraang linggo kasi nasa city ako, binisita ko yung girl friend ko. Haha siyempre di ko muna ipapaalam kay Jazz kung bakit ako nawala, secret lang kaya yung enrollment yung palusot ko. Pero inasikaso ko din yung enrollment ko, hindi lang ganon katagal :D .
"Hi kuya Axl!" Ay! Akala ko kung sino, si Chloe pala... Kasama niya si Jazz.
"Oh ba't ganyan itsura mo Jazz? May problema ka ba?" Parang gulat na gulat kasi tong si Jazz kaya natanong ko.
"Kuya Axl may nangyari kanina, nabully siya don pero nung nag meeting, nagbago na ang lahat :D." Si Chloe na ang sumagot. Napa "ahhh" na lang ako, wala akong masabi eh baka maabala ko yung pagsasama nilang dalawa haha. Kanina pa sila mag ka holding hands. Teka sila ba?? Itanong ko kaya dito haha.
"Am, ehem. Kayo na ba ni Chloe?" Tanong ko. Si Jazz napakunot ang noo niya tapos nahalata na niya na magkaholding hands sila. Napansin na din ni Chloe kaya binitiwan na nila haha laughtrip to haha. Si Chloe namumula na habang si Jazz, namumutla.
"Hey Chloe, uuwi na kami ni Jazz sabay ka na samin :)" Sabi ko para naman hindi magkahiyaan yung dalawa. "Sige kuya Axl una na kayo, si Fletch ang maghahatid sa akin pauwi may scooter siya." Ngumiti na lang ako tapos kinuha ko na yung gamit ni Jazz at inilagay sa kotse ko. Nagpaalam na kami kay Chloe at nagdrive na ako.
•••
Hay! Salamat! Nakarating na din sa bahay ni Jazz.
"Hey Jazz, may sasabihin ako about sa school." Sabi ko. Nagsusulat na siya.
"Pasok ka muna sa bahay." Pinakita niya sa akin ang sulat niya kaya pumasok na ako sa bahay.
Wow! Ang linis ng bahay huh!? Mukang nasasanay na siya na mag isa dito sa bahay. HAAY NAGUGUTOM NA AKO. Deretso ako sa kusina kung anong pagkain haha kapalan ko na ang muka ko...
Yun lang -_- hot dog nga! Favorite ko pero sunog T_T. Magluluto na ako para sa lalaking to, kawawa naman kumakain ng sunog hahaha.
•••
(Jazz' POV)
Still hindi pa din ako maka move on sa nangyari kanina after ng meeting. Nagpapicture sa akin yung tatlong babae, nilibre ako sa cafeteria nung lalaki, tapos exempted ako sa first quiz kay Sir Ron. Ganon na lang ba ako kataas sa kanila? Di ko din alam na may relative ako dito sa West tapos principal pa ng school na pinapasukan ko ngayon. First day of school pa lang pero gusto ko nang umuwi sa South para ikwento kay Lolo Fred ang lahat lahat ng nangyari sa akin. Ganito pala kasaya dito sa West! Lahat ng kaba at takot ko sa lugar na to, nawala dahil sa mga naging mga kaibigan ko kabilang na sila Axl, Chloe, sina Fletch at yung iba pang mga estudyante sa West High :D.
*Flash back*
"Jazz, ikaw? Pamangkin ni Mr. Johann Young?!?" Nagkibit balikat na lang ako.
Pinapunta ako ni Mr. Young sa harapan at saka pinakilala ako sa lahat ng mga studyante dito sa meeting room.
Nagbow ako. After non eh natapos na ang meeting.
"Mr. Jazzper young, kakausapin kita sa office ngayon bago ka bumalik sa klase mo." Sumunod ako sa kanya dahil papunta na siya sa office.
"Umupo ka." Umupo ako harap na harap sa kanya.
"Jazzper Young... Jazz na lang. Nabigla ka ata sa meeting? Pasensiya na :)." Akala ko strict talaga. Kaugaling kaugali niya siya si Lolo Fred :D. "Panganay ako ni Papa Fred at kapatid ko ang papa mo na si Hoven Young malamang. Di ko akalain na lumaki ka ng ganyan! Ang laki laki mo na, buhat buhat pa kita noon. Ehem. Deretsuhin na kita. Tinawagan ako ni Papa na lilipat ka dito kaya pinaghandaan ko talaga to. I thought na wala na dahil sa namatay ang parents mo sorry again. Pero you are a treasure sa pamilyang Young kahit mute ka. Naikwento na din sakin to ni Lolo Fred mo kaya ngayon, study hard Jazz dahil wala na si... Ehem mmm. Dahil para ito sa amin. I know may kakayahan kayong dalawa ng anak ko/pinsan mo. Unti unti na akong nalulugi. Sana matulungan natin ang isa't isa." Napaluha na siya. Paanong nalulugi? Di ko na maintindihan.
Lumabas na ako sa office at dumeretso na sa Classroom ko. "Oh Mr. Jazz, katatapos lang namin mag quiz. Pinatawag ka ni Mr. Young right? Exempted ka na." Kagulat naman si Mr. Ron, di ko ineexpect. Nagpatuloy na ang klase namin.
Himala, nilibre ako nung lalaking tumulak sakin kanina sa Cafeteria. Tapos nagpapicture yung tatlong babae. Weird.
After ng lahat ng Klase, inayos ko na ang mga gamit ko lalo na yung note pad ko.
O__O "tara na!!" Hinila ni Chloe ang kamay ko at dumeretso kami sa may labas ng Campus gate. Ano ba gagawin nito? :/ . "hintayin natin sina Fletch. Ipapakilala kita sa kanila." Sabi niya. Mga ilang minuto ang nakapalipas ay nandito na ang mga kaibigan ni Chloe at nagpakilala kami sa isa't isa kahit shake hands lang -_-. Di na masyadong humaba ang usapan ng mga kaibigan ni Chloe, kasi nakita ko na si Kuya Axl naghihintay sakin yon eh.
O__O hinila nanaman ako papunta kay kuya Axl.
"Ehem. Kayo na ba ni Chloe?" Tanong ni kuya Axl. Anak ng Hipon! Hawak ni Chloe ang kamay ko kaya napabitaw ako sabay namutla. Nakakahiya. Namumula naman si Chloe.
*End of Flashback*
"Hey Axl!" Anak ng Pusit! Nanggulat nanaman si kuya Axl. "Ang lalim ata ng iniisip mo?" Oo nagtanong ka pa kuya Axl halata naman -_-.
Woah pinagluto ako ng seafoods. Ayos ah! Ilang linggo na kasi akong kumakain ng sunog, hindi naman kasi ako marunong magluto.
Napangiti na lang ako sabay kain.
"Oo nga pala Jazz, yung Principal ng schjkfd.." Pinigilan ko siyang magsalita, nagsulat naman ako. "Yes I know it, nasabi na sa akin ni Uncle kanina sa office" Ipinakita ko sa kanya ang sinulat ko. Kaya yun, kumain na lang kami ng kumain.
"Oo nga pala," ano nanaman ba? -_-... "Baka gusto mong sumama sa akin next week sa City, sa bar para magperform? Ang galing mo kasi nung narinig kitang tumugtog. Sinabi ko na sa manager don na magpeperform ka kaya di ka na makakatanggi :P" Talaga?? Makakapagperform ulit ako? Di na ako makapaghintay! Nag apir kami at pagkatapos kumain...
"Bro uwi na ako, kaya mo na yung mga ligpitin dyan, ikaw pa!" Bwusit nakikain lang, di ako tutulungan dito sa mga pinggan -_-. Hay hayaan na nga.
Tinapos ko na ang lahat ng gawain ko at pagkatapos humiga na ako sa kama ko...
Ano nga kaya yung problema ni Tito ngayon? Di ko siya maintindihan eh. *pinikit ang mata*.
YOU ARE READING
When My Strings Sing
Teen FictionI'm mute. Hopeless, pero nabago ito dahil sa isang gitara, isang pangarap at isang babae.
