(Chloe's POV)
"Thank you Sir!" Sabay sabay pa kami. Finally, after our one and a half hour performance, naka sweldo din :D. 2 nights na pagpeperform ang kailangan bago pa namin makuha sweldo namin. Kahit nakakapagod, we're happy basta buo ang magkakaibigan :D.
•••
I'm Chloe Jane Grace, 16. Ang pinaka bata sa aming magkakaibigan. Nakatira ako malapit sa Hill Top dito sa West Village. Parents ko? Mama ko eh nagtatrabaho sa bank at ang papa ko naman ay may farm halos katabi lang bahay namin. May ate ako, nagtatrabaho siya as teacher sa South. I have these four friends-- Mitchie, Marrian, Fletcher, and Reym. Elementary pa lang, magkakaibigan na kami and nagsimula kami magbuo ng band since first year high kami. Nag apply kami sa iba't ibang bars pero mas nagustohan namin na dito sa Cafe mag perform to earn money. Sa mall ginagamit ng friends ko ang sweldo nila at ako naman, iniipon ko lang :) para may pang college naman ako since hindi naman ganon kayaman ang pamilya namin.
I forgot. I love music! I like any kinds of genre specially the country one. Papa ko kasi mahilig tumugtog ng Banjo kapag nasa farm na siya at tumatambay. At ako? Nakikinig sa kanya. Noong nagkaroon ako ng friends, Rock na ang tinutugtog ko but I still love Country musics.
•••
"Hey!" Tinawag ako ni Mitchie. "Yung guy kanina na nandito, nakapwesto sa table na malapit sa bintana, magkakilala ba kayo?" Hinila ako at pinaupo sa upuan tapos umupo na din sila. "Ang pogi nung guy huh!" Lokang Marrian -_-. "Oo nga! Tapos napansin ko, tingin ng tingin sa tin kanina." Hay nako Reym. "Nakausap mo yun kanina diba? Diba? Diba?" Ang damin tanong at mga sinasabi tong mga to! Nakakarindi. Ano to? Hot seat?
"Bakit ba kayo tanong ng tanong?" Sabi ko. Kasi naman ang kulit iiih :/ .
"Pano kasi, kita ng dalawang mata namin na hinawakan niya ang kamay mo! Ayiiie <3". Kainis naman oh! Yun lang ih, anong masama don? Tsk tsk kaibigan nga naman.
"Accidentally natapunan ko siya ng Hot Choco sa damit nya. Pumunta ako sa counter at kumuha ng tissue para punasan yung damit niya. Pero pinigilan niya ako, hinawakan niya yung kamay ko and then siya na yung nagpunas sa damit niya. Okay! Naliwanagan na kayo? O__o" Paliwanag ko. Edi ayon tumahimik na sila. Salamat! Nakahinga din ng maluwag. Kung ano ano ba naman kasi mga iniisip ng mga to.
"Pero ang gwapo niya huh!" What in a world!?! May pahabol pa si Fletch -_-.
Ayan sunod-sunod na nagsalita ulit sila. Juice ko! Di ba sila titigil? :/
"Anong name niya???" Natigilan kami sa pagtatanong ni Mitch. Geeze! Ano nga ba ang name niya? Axl? No! Yun yung name nong friend niya. Ano nga ba??? Nakalimutan ko! T_T . Jazzer? Jaze? Ewan!
"Huy! Tinatanong ka ni Mitch!" Medyo nagulat ako habang nakatitig sa mga to.
"Okay! Nagpakilala kami sa isa't isa kanina. Pero nakalimutan ko yung pangalan niya. Basta nagsisimula yung name niya sa letter J" sabi ko nga.
"Aww, Eh kung hindi mo matandaan, edi J lang muna haha" As if naman na makita namin ulit siya. Ano ba naman?!! Tinitigan nila ako. Nakakaloko pa eeeh! Alam ko na tanong ng mga to -_-.
"No, hindi." Sagot ko. Ang hirap kasi non. Hindi ko nga alam kung kelan kami ulit magmimeet? Ni hindi man lang kami nagkausap ni J, Crush ko na agad? Kakaiba talaga tong mga kaibigan ko.
Pero kung tatanungin ako kung pwede? Pwede ko siyang maging crush. Ang bait niya, ang cute pa lalo na pag tiningnan sa mata. But ang problema eh, mute siya :( . Its his problem. At siyempre kapag nakakakita ako ng ganong tao, naaawa ako.
CZYTASZ
When My Strings Sing
Dla nastolatkówI'm mute. Hopeless, pero nabago ito dahil sa isang gitara, isang pangarap at isang babae.
