(Jazz' POV)
After almost 2 weeks, okay na si kuya Axl but still nasa hospital pa din siya dahil hindi pa siya ganong makarecover. 2 months na akong dumadalaw sa kanya and naikwento niya din ang buong pangyayari. Di ko naman ineexpect yon. Lalo na at wala pa ding action para dito. Hindi pa nakukulong yung may kasalanan. Siya na ang nagsasabing pabayaan na lamang.
Napaka emotional na ngayon ni kuya Axl. Ang sakit nga naman na Girlfriend? Tinaksil ka. Pero di ko ba alam kung matatawa ako o iiyak, paano banaman paulit-ulit ang paghagulhol sa pag iyak...
Anyways...
Halos 4 months na din ako sa West Village and naghihintay kung kailan ko magagawa ang "Finger style". Thanks to JB kasi hindi siya sumusuko hanggang ngayon. Actually araw-araw na kaming nag lelesson dahil nauubos na ang mga guitar shops ni Tito.
At ang higit sa lahat? 2 and a half months ko nang hinihintay ang pagbalik ni Chloe. I need to confess na gusto ko siya. Dapat kasi sinulat ko na to noon pa. Buwisit na Jazzper naman oh! Tapos isang beses, tumawag ako sa kanya. Busy daw siya kaya simula ngayon di ko siya tinetext lalo na sa pagtawag, nakakahiya kasi. Pero sana mas maaga ang pag uwi niya.
Ngayon? Nakasakay ako sa Mercedes Benz ni Tito kasama si JB because doon kami mag aaral sa bahay nila.
"Dati, may sarili pa akong sasakyan..." Bulong sa akin ni JB. Unti-unti nang nauubusan ng ari-arian ang tito ko. Si Tito na lang kasi ang natitirang active ngayon sa buong Young family sabi ni JB. Si Lolo din naman ah! Active pa din siya hanggang ngayon at alam ko yon. Panigurado ngayon, tumutugtog pa din siya sa music theatre. Eh bakit nalulugi ng ganito si Tito? Medyo naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Panibagong paghihintay na naman.
"Baba na tayo." Anyaya ni JB. Woah! Mas malaki pa sa Mansion ni Lolo! Lumilibot na naman ang mga mata ko kung saan saan. Lalo kong namiss si Lolo nito. :/
Music ang theme ng mansion nila, hindi katulad ng kay lolo na medyo makaluma na. Back to reality... Pinapasok na ako sa kwarto ni JB and hindi na ako nagtaka. Mukang studio ang kwarto dahil complete set na, may Drums, electric guitar, acoustic and bass guitar. Sa left side naman eh ang bed niya. Hangang hanga ako kay JB dahil kahit ganito siya kayaman eh ang trabaho niya ay Janitor. Nararanasan niya ang tunay na hirap. Ayon nga sa interview ko sa kanya last last week, habang nasa office niya kami, kasing age niya si Kuya Axl. Independent na sila. Habang ako, ito, kung wala si Lolo, wala akong bahay ngayon sa West Village. Kaya ako ngayon naandito, para bumawi sa paghihirap nila lalo na kay Lolo.
"Hey, okay ka lang?" Tanong ni JB. Hay! Nag iisip nanaman ako.
"Let's start" sulat ko. Kaya naghanda na kaming dalawa.
Tinuruan ako ni JB kung paano maglagay ng strings sa guitar sabay kung paano na din mag tune nito. Iba ang nararamdaman ko sa lesson ngayon ah. Sige pagpatuloy lang namin ito. After ng pagtuturo niya eh nag simula na kami sa pagtugtog.
"Jazz, ito na ang last :)" kinuha ko ang tabs na isinulat noon ni JB at sinimulan ko ang pagtugtog.
Nakalimutan ko pala, congrats para sa akin dahil mabilis na ang aking mga kamay. :) dahil din sa nasanay ako na tumitingin sa tabs, practice na lang ako ng practice.
"Sige lang, ipag patuloy mo yan" sabi niya habang tinutugtog ko ang nasa tabs.
"May kulang pa din eh." Dagdag niya ngunit deretso pa din ako sa pagtugtog.
"Jazz! May kulang pa din!" Nagagalit na siya at mas lalong dumidiin ang mga kamay sa strings ng gitara habang nakatingin ako sa tabs.
"Jazz! Tandaan mo yung sinabi ko sayo!" Nagiging seryoso na ako sa pagtugtog at unti unti nakong naiinis.
"Jazz! Don't worry apo, music can be your voice..." Lolo?
"Isa-puso mo Jazz!" Napatigil ako... Inalis ko ang tabs sa harap ko. Nagpatuloy ako sa pagtugtog kahit walang tabs o nota sa harapan ko.
Alam ko na ngayon kung ano ginagawa ko noon, kaya ko na talaga ang fingerstyle! Hanggang sa pumasok na din si Tito pero patuloy ako sa pagtugtog. Ipinapakita ko ang emotion ko sa pamamagitan ng pagkalabit ko ng gitara. Kaya pala! Ganoon ang sinabi sa akin ni Lolo noon, pati ang mga paalala niya! Ngayon alam ko na talaga!
After ng pagtugtog ko...
"We are so proud of you Jazz" Tuwang-tuwa si Tito. Ganoon din si JB.
"Ngayon, may kasama na ako :)" tama ka JB, Tayong dalawa ang babalik para sa Young Family.
"Oh paano ba yan, kumain na tayo!" Anyaya ni Tito then tumatawa pa siya.
•••
Nasa dining room kami and sabay kaming tatlo na kumakain. Since unang lipat ko lang dito sa West puro gulay ako at talagang nakakasawa, ngayon lang ulit ako nakatikim ng meat. Napag isip isip ko lang, natapos na pala ang paghihintay ko about dito sa aking pagtugtog. After ng mga pangyayari kanina, parang gusto kong tumugtog lagi. Hindi tulad noong dati medyo tinatamad ako sa pag attend ng klase ni JB.
Hindi ko na napansin, napatayo ako sa kinauupuan ko... Kahiya hiya naman.
"Chill Jazz!" Natatawa si JB. Napatawa na din kami ni tito. Ang saya naman talaga lalo na siguro kapag naandito si Lolo.
Pina-upo na ako ni JB at nagpatuloy na ako sa pagkain ko.
*Chloe calling* O___O
"Sige, sagutin mo na yan. Baka mahalaga eh." Sabi ni Tito.
Lumabas ako sa Dining room and naandito ako ngayon sa living room bg mansion.
"Hello? Kilala ko na kung sino ito. Si ate Claire kasi eh! Alam mo I miss you na, namimiss ko na din yung bonding nating dalawa sa school haha. Don't worry, malapit na ang Sem break. Makakauwi na ako sa Village. Hay! Kailan kaya ako makakakita ng tunay na Milky way Galaxy. Posible naman yon diba? Hihihi. Sige may gagawin pa ako. Bye bye Jazzper Young."
*call ended*
YOU ARE READING
When My Strings Sing
Teen FictionI'm mute. Hopeless, pero nabago ito dahil sa isang gitara, isang pangarap at isang babae.
