Chapter 1 - The Last

67 10 0
                                        


(Jazz' POV)


"Good Morning!" Narinig ko ang boses ni Lolo. Hindi siya ngumingiti ngayon. Nasa loob na pala siya ng kwarto ko habang ibinabalik niya sa Book Shelf yung mga librong binasa ko kagabi. Nalimutan ko ng ibalik sa sobrang antok. "Kumain ka na." Pilit ang pagngiti sakin at lumabas na siya sa kwarto ko. Nakakahiya na talaga kay Lolo, lagi na lang may breakfast in bed. Kumpletong kumpleto. Hindi man lang ako nakapagsulat ng "thank you" para ipakita sa kanya pero nakaalis na siya eh. Ang sarap talaga ng luto niya.



Pagkatapos kong kumain, naligo na ko at nagsuot ng long sleeves and black pants. Pupunta na maya maya yung teacher ko. Home school nga right? Nilinis ko muna ulit ang kwarto ko then bumaba na ko at dumuretso sa living room para hintayin ang teacher ko.



Hindi pa din dumadating yung teacher ko kaya pumunta muna ako sa Kitchen, nandon kasi si Lolo, may katawagan pa habang naghahanda ng pagkain. Tutulungan ko lang gumawa ng mga sandwich para miryenda ng teacher ko. Nagtimpla ako ng juice at pagkatapos ay hinanda na namin to sa mesa. Narinig ko na may kumakatok na sa pintuan, yun na yung teacher ko kaya ako na mismo ang sasalubong sa kanya. Habang naglalakad papunta sa may pinto, nagsusulat na agad ako sa note pad ko...


"Good Morning Ms. Grace" ipinakita ko sa kanya.

"Good Morning Jazz" she replied then ngumiti siya sa akin.



Umupo na siya sa may sofa. Inilabas na nya yung 2 books. Music and Math ang pagaaralan namin ngayon. Math talaga ang pinakaayaw ko, pero sabi nga ni lolo, importante daw tong mga pinagaaralan ko. Siyempre para kay lolo, pag aaralan at pagaaralan ko to hanggang sa magimprove ako sa subject na to. Ilang Oras na akong tinuturan mi Ms. Grace. Oo nga pala, si Ms. Grace, teacher ko. 21 years old at mabait siyang teacher. Patient, matalino at mapag alaga pa. Magaling pumili si Lolo ng teacher para sa akin. Yung una kong teacher, mabait din.




Sulat lang ako ng sulat kapag nageexplain si Ms. Grace hanggang sa natapos na ang pagtuturo niya, inayos na niya din ang mga gamit niya at kumain kami ng hinanda namin ni lolo. After non, ay tumayo siya. Tumayo lang siya pero hindi lumabas. Tumingin siya sa akin at sinabi niyang "Last na to." Anong last? Wala nakong naiintindihan. Si lolo kanina parang iba din.



"Last na to Apo. Sana lahat ng tinuro ni Ms. Grace eh naintindihan mo. Sapat na siguro yang kaalaman mo."


"Bakit po?" Sinulat ko.


Hinawakan ako sa braso ni Ms. Grace at lumabas na din siya sa bahay. Bumalik ang tingin ko kay Lolo, nagtataka na ako.



"Jazz, apo ko. I want you to experience a life without me. Papasok ka sa School, at makikipagsocialize ka." He said habang nakapatong ang left hand niya sa kanang balikat ko.



Nagsulat naman ako... "But why? Ano po ang gagawin ko? How?" Ipinakita ko sa kanya.




"I cant tell ngayon Jazz, may nabili akong bungalow house sa may West Village. Don ka titira. You can handle this my Grand Son. Madami kang magiging kaibigan don. Hindi kasi pedeng dito ka lang at maghihintay ng kung ano ang mangyayari sayo. Mamuhay ka ng tulad ng normal na tao. Pagkatapos mong magaral , maghanap ka ng trabaho." Paliwanag niya.




"Ibig sabihin po hindi ako normal? Pano po yung mga tabs na ginawa mo po akala ko po ba ipeperform natin ng sabay yun sa theatre." Sinulat ko at ipinakita sa kanya.



"No, thats not what i meant apo. Yung pamumuhay mo lang. Masyadong tago, kailangan mong maexpose at mamuhay ng wala ako. Kailangan mo nang maging independent, malapit ka ng mag Seventeen. Dont worry ibibigay ko sayo ang tabs na ginawa ko. You can play it with your guitar." Tama nga si Lolo. Hindi na ako nagtanong pa kasi naliwanagan na ko.


Ang hirap lang kasi... Makikipagsocialize, mag aaral, magtatrabaho, wala akong boses na maririnig ng ibang tao. Matatanggap ba nila ako? Ang hirap talaga. Di ko lam ang mangyayari sakin pag lumipat ako sa West Village. Baka pagtabuyan nila ako. Grrr! Natatakot ako. Kita ni Lolo sa muka ko ang reaction ko pero ngumiti siya sakin. Tumingin lang ako sa kanya, dumeretso na ako sa kwarto ko at umupo sa kama ko.


Naiiyak ako sa mga gustong plano ni Lolo. Hindi ko na siya maintindahan ngayon. Para sa akin ba talaga tong ginagawa niya? O baka gusto niya lang akong palayasin para wala na siyang aalalahanin sa buhay niya?.


Biglang pumasok si Lolo. Umupo din siya sa kama. Pinunasan niya ang malapit ng tumulong luha sa dalawa kong mata at sinabing...

"Dont worry apo, lagi akong nasa tabi mo."

Niyakap niya ako ng mahigpit. Kinabahan ako sa sinabi niyang yon dahil iba't ibang meaning ang iniisip ko.

"C'mon Apo." Huh? San kami pupunta? Kita ko ang paghahanap niya ng damit sa Cabinet ko. Nag match na siya ng damit. Black Tuxedo? Okay parang alam ko na kung san kami pupunta ni Lolo. :) "Bring your guitar" yes! I know kung san nga kami pupunta. After 15 minutes, bihis na siya at inihanda nya yung Tabs and yung guitar niya.




Sumakay na ako sa sasakyan and nagdrive na si Lolo papuntang Music Theatre. Pangalawang beses ko nang nakapunta dito, first time ko, I think mga Seven ako non dahil nagperform ng Piano Prelude si Lolo Fred. Ang laki ng pinagbago ng lugar na to. Nagexpand ang Chandelier at lumawak ang stage. Umupo na ako at Si Lolo ay pumunta sa backstage dala dala yung guitar ko at guitar niya. Magpeperform talaga kami? Di na ako makapaghintay. :D

Three Musicians ang nakapagperform na. Yung isa, Nag Violin, yung isa naman, tumugtog ng Cello, at yung isa ay Organ. "Frederick Young" si Lolo yun ah! Tinawag din ang pangalan ko. This will be my first performance. Puro practice lang kami ni Lolo sa bahay eh.


Sa sobrang tahimik ng mga tao, dinig ko ang pag yapak ko sa stage. Halatang handa na silang makinig sa tutugtugin namin ni Lolo. "This is your first performance Apo, do your best" bulong sakin ni Lolo.



Nagsimula siyang mag pluck. At nakisabay na din ako. Medyo kinakabahan ako sa mangyayari samin ni Lolo, pero biglang napapikit ako. Si Lolo tumutugtog ng Cello Suite habang nakikinig ako. Ang sarap pakinggan ng tugtog niya. Nakisabay ako sa pagtugtog niya.


Pagkatapos ng ilang minuto ay napamulat na ako, nakita ko sila na nakatayo habang pumapalakpak. "Nice Jazz" bulong ni lolo. Parang gusto ko pang tumugtog. Pakiramdam ko nasasabi ko lahat lahat.




Umuwi na kami ni Lolo sa bahay, ngiting ngiti ako. Ewan ko ba masyado kong na feel yung pagtugtog ko kanina. Haha kakaiba kasi pag ikaw na yung tumututog kesa sa nakikinig lang.




Bumalik ang lungkot ko nong matutulog nako. Hays aalis na ako bukas.

When My Strings SingWhere stories live. Discover now