Chapter 7 - Flaming

41 6 1
                                        



(Jazz' POV)

Yes! Natapos din ang First week ng School. Kalalabas ko lang sa building at nag aantay sa may gate. Ayos naman, lalo na at lagi kong kasama si Chloe everytime. We are best friends na. Every night akong pumupunta sa Cafe, hindi nakakasawa ang performance nila.

"Jazz! Una na kami :D." Sigaw ni Fletch, nakasakay na sa scooter at nakaangkas naman si Chloe don. Kumaway naman ako, ganon din si Chloe.


Ang ganda niya talaga everytime na ngumingiti siya :) I feel something.... AH! BASTA haha.


"Peep!" Andito na pala si Kuya Axl. "Bro bilisan mo! Pupunta pa tayo sa City." Ah oo, magpeperform ako :D. Dali dali akong sumakay sa kotse ni Kuya Axl and nagdrive na siya papunta sa bahay ko.


"Kunin ko lang guitar at tabs ko." Sulat ko kay Kuya Axl. Sumaludo naman siya. Pumasok na ako sa bahay at pagkatapos nagpalit ako ng damit. Inalagay ko na din yung tabs ko sa bag ng gitara ko para hindi mawala.


"Peep!!!!" Excited naman tong lalaking to -_-. Hindi marunong maghintay! Mga Ilang minuto ang natapos ay sumakay na ulit ako sa kotse ni kuya Axl.


"Handa ka na ba bro?" Tanong nya. Malamang kaya nga nakasakay na eh. Siyempre ngumisi ako at ayun, pinindot na niya ang radio kasabay nito ay nagsimula nang magdrive si kuya Axl. Kita ko sa kanya ang pagkatuwa at excitement. Nakakaloko pa eh, yung pagtugtog ko ba ang aabangan niyan kaya ganyan yan? Siguro, ewan, tingnan na lang pag nakapunta na don.


>_< sabay takip sa tainga ko. Nakakarindi banaman ang patugtog ni Kuya Axl! Hindi ba napapaos yung singer ng kanta? Distort na distort pa ang electric guitar at ang drums? Parang lumilindol na. Di ko na matiis kaya pinindot ko ang radio sa ibang station. HAAY! Acoustic songs mas ayos na to kaysa sa Rock. Napasandal naman ako at nakahinga ng maluwag. >_< Anak ng Alimango! Binalik ni kuya Axl sa Rock tapos napapasabay pa siya sa pagkanta. Inilipat ko ulit pero ibinabalik niya. Hay! Ayoko na.


Nag tiis akong pakinggan yung mga kanta ni Kuya Axl sa loob ng isang oras na byahe. Sumakit tuloy ang ulo ko. "Hey, baba na tayo." Napatingin naman ako. Sobrang liwanag ng neonlights sa bar na to. Eto na ata yung tinutukoy niya. Oo eto nga, kaya pumasok na siya at ako din habang buhat buhat ko yung gitara ko.


"YEAH!" Waah! Lakas ng pagkakasigaw ng rakista sa may stage. Di ko na ata kakayanin dito, nakakasakit sa ulo. "Bro, iwan muna kita dito, sasabihin naman nung host kung kelan ka magpeperform. Kaya mo yan :D" Sabi ni kuya Axl, pagkatapos ay tinapik niya ako at umalis na siya. Huuh! Lalo akong nakaramdam ng kaba. Kaya ko to, madali lang to. Tulad nga nung nangyari noong nakaraan nakayanan ko, eh ngayon pa kaya? Tsk. Ngumiti na lang ako.


"Dude!" Oh si Clavis? Ba't naandito to? "Gulat ka no? Haha may new band kasi dito kaya ang daming tao ngayon. Mas maganda to kaysa yung performer noon." Paliwanag niya. Ah okay. "Inom ka Dude" binibigyan niya ako ng beer pero tumanggi ako. Parang may nagmamasid sa akin. Wala nararamdaman ko eh, siguro dahil lang sa madaming tao. Ewan ko din. "Guys! Let us listen to our guest, guitarist, Jazzper Young?" Tinatawag na ako. "Special guest ka pala, goodluck dude!" Sabi ni Clavis at habang papunta ako sa may stage dala dala ko pa din tong gitara ko.


Teka... Ngayon lang ako nakakita ng stage na walang hagdan -_-. Napatingin ako sa host kasi di ko alam ang gagawin kung paano ba makakaakyat sa stage na yan. Tumitingin lang naman yung host sa akin... ARAY! may tumulak sa akin pataas ng stage, napatawa naman lahat ng tao sa bar.


When My Strings SingWhere stories live. Discover now