(Chloe's POV)
Waaaaah! Ang sakit na sa ulo tong pinag-aaral ko. Wala kasi si Ate, siya lang naman ang tumutulong sa akin kapag nahihirapan ako mga ganito. Gusto ko na din umuwi, namimiss ko na kasi sina Fletch. Di ko din masagot ang tawag nila dahil kay papa. Ayaw niyang may katawagan ako na hindi namin kamag-anak. Pero patago kong sinasagot yung random no. At tinext ako ni Ate na si Jazz pala yon. Grabe! Sobra ko na siyang namimiss. Sana pala sinabi ko na, crush ko siya. Pero nakakahiya iih!
"Oh ano pa ang hinihintay mo dyan? Late ka na!" Araw-araw, ganito ang sinasabi ni papa.
Ayaw ko na pumasok dito. Nakaboboring ang klase, strict ang mga teachers, at ang higit sa lahat? Binubully pa ako dito.
Ganito ba ang pagdidisiplina? Ni ang school, classmates ko dito eh walang disiplina. Kainis naman kasi si papa.
Kaya minsan eh nagbabalak ako na tumakas, baka lang may mangyari sa akin na masama...
Marahil madaming nagtatanong kung nasaan ba talaga ako. Yes, naandito ako sa West City. Halos malapit lang ang bahay namin sa Hospital. Bali nangungupahan lang kami ni Papa. Tapos, yung School naman na pinapasukan ko eh walking distance lang pero nakakatamad maglakad. Kailangan ko pa din si Fletch. Service ko yun eh :3.
Isa pa, mababaliw na talaga ako dito. Wala kasing gitara T_T. Namimiss ko nang tumugtog sa Cafe, West Village. Pano, laging nanonood si Jazz. Tapos yung mga sabog kong kaibigan, namimiss ko ang panloloko nila sa akin.
Oh ano? Ano na naman ba iniisip niyo? Yung panloloko nila sa akin about kay Jazz? Tsk tsk. Hahaha.
Then, may sinabi pa pala si Ate tungkol kay Jazz... Nakapunta na pala siya sa bahay namin sa Hill Top. Tapos tapos tapos, nakita niya yung Galaxy Paint ko. Nakakahiya sa una, pero narealize ko na naexpress ko yung feelings ko kahit konti kay Jazz. Sana naman naramdaman niya yun. Pati noong tinawagan ko siya. Nagtago pa ako para lang di ako mahuli na may tinatawagan ako na hindi namin kamag-anak.
Awshuuu! Oo na bad girl talaga ako. Hihi. Pero di ganon sobrang bad.
Alam niyo ba na nasa klase na ako? Haha! Tulala lang ako. At ganito lagi ako sa klase. Laging tameme. Boring nga diba? Tapos ang ingay ingay pa ng katabi ko nakaka irita -_-. Reyna ng kadaldalan.
Kriiiiiiiing!
*fletch calling* oh! Tutal wala naman si Papa dito...
"Teacher, may I go out?" Pumayag naman si Teacher.
Agad akong pumunta sa C.R. sabay sagot ko sa tawag ni Fletch.
"OMG! Sinagot mo ang tawag namin!" Nag iiritan na sila haha. Kahit kailan, sabog pa rin sila.
"Bilisan niyo, nasa klase ako. Bakit kayo napatawag?" Tanong ko. Nagmamadali din kasi ako at baka mabungangaan ako ng teacher namin.
"Ah, madidisband na yung banda natin girl. Papalitan na ng bago." O___O
*call ended*
Bakit naman ganon? Nakakalungkot naman :(
(Mitchie's POV)
Hay! Sabi na nga ba mangyayari to eh. Pano naman kasi, walang Chloe na kumakanta kapag nagpeperform kami sa Cafe ngayon. Siya lang din naman ang bumubuhay sa performance kasi ang ganda at cute ng boses niya. :(
BINABASA MO ANG
When My Strings Sing
Teen FictionI'm mute. Hopeless, pero nabago ito dahil sa isang gitara, isang pangarap at isang babae.
