(JB's POV)
Mop dito, mop doon. Umagang umaga mop agad! Tag-ulan kasi. Umiiyak na naman ang langit.
"Goodmorning Jazz!" Medyo late siya pumasok ngayon pero di naman yan mapapagalitan, pamangkin ng principal eh. Pagkatapos ko siyang igreet, ngumiti siya agad sa akin sabay deretso na siya sa classroom niya. "Anak." Oh! Si dad pala. "Why?". Tanong ko. Nagsimula na ang malalim na usapan habang naglalakad kaming dalawa sa corridor papunta sa office niya. "Kamusta ang lessons?" Nakangiti pa, ngayon lang ngumiti si dad ng ganito siguro dahil kay Jazz na rin. "Dad, medyo mahirap kasi..."
"Mute siya?" Pinatungan agad ako di pa ako tapos eh. -_-
"Hindi po, ang hirap iexplain kung ano ang situation ni Jazz about sa pagtugtog." Sagot ko.
"Ano yon?" Ang hirap nga iexplain T_T.
"You'll see Dad. Punta ka na lang po mamaya sa office ko. May lesson ulit kami." Seryosong pagkakasabi ko.
Tinapik niya ang balikat ko at umalis na siya. Hay! Mahirap talaga to. Kayanin ko kayang turuan tong si Jazz? Di ko alam kung saan magtatapos tong lesson na to.
"JBBBBBBBBB!" Hay! Isa pa tong si ate na nasa cafeteria. "Eto na po!" Sigaw ko. Pumunta na ako sa cafeteria dala-dala tong mop ko, alam ko na kasing magpapalinis to eh.
"Paki mop naman nito oh..." See? Sige pagbigyan ko na tong si ate.
"Hoy! Alam mo ba, may nagtanan daw na studyante galing dito sa school na to?" Mga chismosa talaga tuwing umaga. Tsk...
"San mo narinig yan? Kailan?" Isa pa tong si ateng dish washer. Pero totoo nga ba?
"Sa mga babaeng studyante na dumayo pa talaga dito at pinag usapan! Unahan na kita... Narinig ko yung pangalan noong lalaki, Jazz daw?" The heck!??
"Ah yung pamangkin ni Mr. Young? Hala!" Sagot ni ateng dish washer.
Dali-dali akong pumunta sa room ni Jazz at inexcuse ko siya. "Sir! Excuse ho kay Jazzper, pinatatawag po siya ng principal" Paalam ko. Pinayagan naman ako at pagkalabas niya sa classroom eh hinila ko agad siya papunta sa part ng mga lockers. Seryoso ang tingin ko sa kanya...
•••
(Fletch's POV)
"Girls! Andyan kaya si Jazz ngayon?" Tanong ko kanila Marrian, Reym at Mitchie. "Tara tingnan!" Anyaya ni Reym. Alam na this! "Cher! May I go to the CR?" Nauna na si Reym, sumunod si Mitchie, tapos si Marrian at ako. Oh diba? Effective. Sabay sabay kami papunta sa Room nila Jazz.
"Sir Ron, excuse po kay Jazz" Paalam ni Reym. Napatingin kaming apat sa upuan ni Jazz. O__O okay! Di na normal to. Umalis na kami agad at di na nakapag salita si Sir. Pupunta na ulit kami sa Cafeteria.
"Hoy! Totoo ba?" Sino yung sumigaw? Napalakad na lamang kami, may nakita kaming dalawang lalaki sa may part ng mga lockers. Di pa namin sila mamukaan, malayo kasi eh.
Sa paglakad namin, siyempre, malamang sa alamang, namumukaan ko na sila. Mga isang minuto na akong nakatitig sa dalawa. Wait nagaloloading ang utak ko...
O__O si Jazz!??!?!
"Jazzper Young!" Sigaw ko. Napabitaw naman yung Janitor sa balikat niya at tumingin sa amin.
YOU ARE READING
When My Strings Sing
Teen FictionI'm mute. Hopeless, pero nabago ito dahil sa isang gitara, isang pangarap at isang babae.
