(Jazz' POV)
Natapos na ang huling isang linggo ng bakasyon. Di naman ako masyadong excited. Yung nakaraang mga gabi na pagpunta ko sa Cafe, sobrang busy nila Chloe kaya hindi na ako napapansin. O hindi lang talaga ako pinapansin ni Chloe? Ah basta, papasok na ako sa school.
"Jazz!!!" Si Axl na yun. Ihahatid niya ako papuntang school. Ngayon ko lang siya ulit nakita huh? Ang ikli na ng buhok niya at upgraded na ang sasakyan niya :D. "Hoy Jazz! Baka malate ka!" Sumigaw ulit. May pasok din ata siya kaya inayos ko na ang bag ko at lumabas na.
"Bro! Long time no see, madami pa kasi akong inasikaso sa enrollment ko kaya di ako nakapunta sa bahay mo." Himala! Matino siyang magsalita ngayon haha. Di na ako nagsulat. Sumakay na ako sa kotse niya at hinatid na ako papuntang West High, ang school ko.
"Dito na lang bro, ingat ka. Makinig ka sa teacher mo :)." Himala na talaga to. Ano kayang nakain nito? Ano kaya ang nangyari sa lalaking to noong nakaraang linggo? Tss. Malelate ako nito eh. Ngumiti na lamang ako sabay pinaandar niya ulit ang kotse niya.
Sinundan ko ng tingin ang pagalis niya...
"Hi!!!" Napalingon ako sa likuran ko... Tatlong babae pala. Sabay sabay pa sa pag hi.
"New??" Tanong nung isa.
Wait...
Nasaan yung notepad ko?? Lingon ako ng lingon kung saan saan. Chineck ko na din ang bag ko pero wala pa din. Lumingon ulit ako sa kausap ko pero naglakad na sila paalis. "Ang weird. Sayang pogi pa naman" Narinig ko yung sabi nung isang girl. Hindi ko na lang pinansin dahil kailangan ko talagang mahanap ang notepad ko. Mahirap to, first day of school pa lang :/.
Pumasok na ako sa loob ng building. Woah! Talaga namang napakalawak, maganda at mataas ang quality ng school na to. But since home school lang ako, hindi ako sanay at first time ko lang to. Lalo akong kinakabahan dito.
"Ayun yung weird oh!" Yung tatlong babae tapos may kasamang lalaki, papalapit sa akin.
"Dude! Kamusta ang buhay?" Tinanong ako nung lalaking kasama nung mga babae. >_< ano ang gagawin ko!?!
"Hoy! Dude! Tinatanong kita" dagdag niya. Ilang minuto na kasi akong hindi nagsasalita kasi nga wala akong boses.
"Pipi ka ba dude?" Buti at natanong niya. Kaya ngumiti ako, maiintindihan na nila :).
"Pipi? Tsk haha! Dude di ka pwede dito." Nagkunot ako ng noo.
Sinisimulan na nila akong lokohin. "Pipi! Pipi! Pipi! Pipi!" Tinutulak ako nung lalaking kasama ng mga babae.
"Weird na nga pipi pa!" Sigaw nung isang babae. Unti unting dumadami ang sumisigaw ng "pipi" kaya napapaatras na lang ako. Ano ba ang problema nila sa akin?
"Paano ka tinanggap dito huh!?! Dapat doon ka pumasok sa school ng mga pipi!" Sigaw nung isa.
"O kaya sa school ng mga special childs kasi weird" dagdag pa nung iba kaya nagtawanan.
Napaupo ako nong tinulak ako nung lalaki. Hindi na ako makatayo dahil pinalibutan at sobrang lapit na nila sa akin. Umubob na lang ako at tinakpan ang tainga.
•••
Sabi na nga ba eh... Eto yung kinatatakutan kong ipagtatabuyan ako ng mga tao kasi pipi ako, at napagkamalan pa na weird dahil sa mga kinikilos ko kanina kasi nga nawawala yung notepad ko. Patuloy pa din ang pagsigaw nila ng "pipi". Dinig ko pa din dahil sa lakas ng sigaw nila...
BINABASA MO ANG
When My Strings Sing
Teen FictionI'm mute. Hopeless, pero nabago ito dahil sa isang gitara, isang pangarap at isang babae.
