(Mitchie's POV)
"Omg! Di nga? Inupload mo sa youtube?" Tanong ko. Kausap ko si Chloe ngayon sa Video Call. Ipinakita ko nga noong isang gabi yung video ng performance namin then nagustuhan niya kaya inupload sa Youtube.
"Oo, dali! Baka dumating na si Papa. Bye bye na!" Inend na ni Chloe yung tawag.
"Uy, uy, uy! Ayun yung isa sa kumanta oh!" Agad na naglapitan yung magkakaibigan. Kasing age ko lang siguro. Gulat ako, kasi... Nakipag selfie sila sa akin. Anong ganap?
Walang pasok ngayon kaya nag gagala ako. Pero nakakatakot yung mga tingin ng mga tao sa akin kapag nakakasalubong ko sila.
Oh, tumatawag si Fletch? Sagutin ko nga...
"Bakit Fletch?" Tanong ko, sabay tap ang loudspeak.
"Pumunta ka sa tambayan natin daliiiii!" Inened call agad? Tumakbo nako. Dalian ko daw kasi eh baka mabungangaan na naman ako haha.
Pagpunta ko doon, nakita ko yung tatlo kasama si Jazz. Anong ganap nga kasi?? Di naman ako iniinform kainis!
"Viral na yung video natin. Ikaw ba yung nag upload?" OMG! Tiningnan ko ang video sa youtube. Nanlaki ang mata ko dahil umabot na sa 1.5 million views. Tapos madaming compliments at nagustuhan talaga nila. Nako! Lalong sisikat ang Cafe ni Manager.
"Si Chloe ang nagupload. Sinend ko sa kanya para makita niya na kasama natin si Jazz. Nagulat nga din siya kasi marunong tumugtog yang lalaking yan." Paliwanag ko.
"Sisikat na ba tayo?" Parang walang alam sa mundo tong si Marrian. Pero sana, sumikat kami.
"Yaaaaay!" Nag-iritan kaming tatlo tapos si Jazz, ngumingiti lang sa aming tatlo. Kundi dahil kay Jazz stay pa din kami sa Cafe.
"I feel hungry." Ipinakita ni Jazzper ang tinype niya sa phone niya. Ako nga rin nakakaramdam na ng gutom.
"Mitch samahan mo muna sa restaurant tong si Jazz. Promise di ka magsisisi. Busog kaming tatlo eh at alam naming ikaw lagi ang gutom." Sabi sa akin ni Reym. Anong hindi magsisisi? Basta gusto ko na din kumain. Pumayag naman kami ni Jazz na samahan ko siya kumain sa restaurant malapit lang dito.
Sabay kaming naglakad tutal walking distance lang naman yung restaurant mula sa tambayan namin. Ang hirap pala naman talagang magstart ng conversation dito pipi kasi tong kasama ko pero okay lang pogi naman siya eh.
"What do you want?" Sulat ni Jazz. Bibili siya ng pagkain eh. Narealize ko ngang hindi ako magsisisi. Tama si Reym! Haha ililibre ako ni Jazzper. OMG ang sweet naman ng ganon. Ililibre ng kaibigan. Hindi ko ata naranasan yon kayna Fletch ah haha.
Naghanap na ako ng table para hindi na kami mahirapan kapag nakapag order dito. Pero mayroon nga bang "kahit ano" na pagkain? Pano yun lang lagi sinasabi ko kapag may manlilibre sa akin ng pagkain. Ano kaya ang binili ni Jazz?
Oh! Ayan na pala siya. Ibinaba niya ang tray. Burger pala ang binili niya with matching soda. Ngiting ngiti pa siya ngayon habang ibinibigay yung burger.
Dug... Dug... Dug... Dug...
Ano ba tong nararamdam ko! Kainis wag ngayon. Hindi pwede, Hindi pwede at hindi pwede! Mitch! Focus sa pagkain. Nag iinit ang mukha ko bakit ganon?
"Di ka kakain?" Natauhan ako, nakatapat na pala sa akin ang sinulat niya. Sinubo ko kaagad ang burger ko at napatawa naman siya. Ako, ngumiti lang. Bwisit naman oh! Bakit ba ang pogi at super bait nitong kaharap ko?
YOU ARE READING
When My Strings Sing
Teen FictionI'm mute. Hopeless, pero nabago ito dahil sa isang gitara, isang pangarap at isang babae.
