Chapter 30-Role

121 2 0
                                    

Chapter 30-Role
3rd Person


Mga Tauhan:

•Six Perfections

*Minus Rokua- isang binatang nag-aaral sa Recrudescence High na tinitingala at kinatatakutan ng nakararami dahil siya'y malapit na sa pagiging perpekto. Siya ang Supreme Student Government President at Editor-in-Chief ng kanilang official school paper na tinatawag na Retrograde. Dahil sa isang pangyayari, mabibigyan siya ng bagong tungkuling makapagbabago sa kanyang buhay.

Pisikal na Deskripsyon- may nakakalaway na kagwapuhan, matangkad at may matikas na tindig, may mahabang itim na buhok at nakasuot ng ear piercings

*Saint Endessa- binatang may kakaibang personalidad na siyang kinaiinisan ng nakararami. Madalas siyang may dalang bolpen na nilalaro-laro niya gamit ang alin sa kanyang kamay. Madalas din siyang makitang nakangisi, nakangiti, at nakatawa.

Pisikal na Deskripsyon- gwapo at may kakaibang kislap ng kasamaan sa kanyang mata, matangkad, madalas nakasuot ng mga ear piercings, at may medyo mahaba't magulong kulay dilaw na buhok na tumatakip sa kanyang kaliwang mata

*Chro Condell- binatang Rank 1 ng Class 4-A ng Recrudescence High. Naiinis siya nang husto sa binatang si Saint Endessa. Galing siya sa mayamang pamilya kaya hindi na kataka-taka ang mala-prinsipe niyang mga kilos at masamang pag-uugali sa mahihirap.

Pisikal na Deskripsyon- may mukhang nakakaakit ng kababaihan, matangkad, may mahabang buhok na kulay navy blue na madalas niyang tinatalian para di siya mapagkamalang si Minus Rokua

*Azarel Amaranto- ang Rank 2 ng Class 4-A ng Recrudescence High. Malamig siya kung makitungo sa iba at labis na nahuhumaling sa pagbabasa ng libro.

Pisikal na Deskripsyon- gwapo, matangkad pero medyo may pagkapayat, madalas na may band-aid sa nosebridge ng kanyang ilong, at mayroon siyang kulay pulang buhok na maikli at medyo magulo

*Blaise Yuan- ang Recrudescence High Basketball team star player. Siya ay nasa Class 4-B at kahit siya'y mukhang inosente, isang buong angkan na kalaban ng kanyang pamilya ang tinodas niya.

Pisikal na Deskripsyon- napagkakamalang babae dahil sa kanyang maamong mukha, hindi masyadong matangkad, inosente kung tingnan, at may mahabang puting buhok na tinatalian niya pero mayroong kaunting natitirang buhok para medyo matabunan ang kanyang mukha

*Iago Lamento- isang binatang nasa Class 4-B at isang weirdong estudyante na mahilig sa pusa. Pinangingilagan siya ng ilan at tipid lamang siyang magsalita dahil kung siya'y magsalita, madalas na "Meow" ang lumalabas sa bibig niya.

Pisikal na Deskripsyon- matangkad, may magulong puting buhok na nilalagyan niya ng hairpin na nagpormang ekis, may mga matang tila matulis na kutsilyo kung tumingin, at laging nakasuot ng mga pabilog na metal earrings at itim na face mask na tumatakip sa kanyang ilong at mga labi

•Retrograde(RH Official School Paper)

*Cipher Hades- isa siya sa tinatawag na "Twins of Hades"(na mga suki sa kaguluhan) at siya ay dating matalik na kaibigan ni Minus Rokua. Siya rin ang naging bagong Editor-in-chief ng Retrograde matapos si Minus. Mahilig siyang magsulat pero mas nahuhumaling siya sa pagpantay niya sa estado ni Minus Rokua pagdating ng panahon. Matalino siya kaya hindi imposible iyon.

Pisikal na Deskripsyon- matangkad, gwapo, may kulay mais na buhok, may mga matang parang kumikilatis ng kaharap at kaunti lamang ang ekspresyon nito, magkamukhang-magkamukha rin sila ni Cypher Hades kaya napagkakamalan bilang ang huli

Recrudescence High (Volume I)-CompletedWhere stories live. Discover now