Chapter 3-Revile

130 7 0
                                    

Chapter 3-Revile
Blaise Yuan


Recrudescence High Gym
June 7, 2016
3:54 P.M.

Naamoy ko siya. Malapit na siya rito sa kinaroroonan ko. Parang kakaiba ang amoy niya. Mixed detergents? Hindi. Sa kanya ang damit? Oo. Pero ang mga amoy? Kanino?

Inalala ko ang iba't ibang amoy ng mga taong nalanghap ko na.

Tatlong amoy ang nangingibabaw. Ang isa ay sa kanya. Ang natitirang dalawa, parang imposibleng humalo sa kanyang amoy.

Nilapitan niya sina Chro Condell at Azarel Amaranto? Alam kong magkaklase sila pero nagkalapit ba sila nang sobrang lapit dahil nagkahalo-halo ang kanilang amoy?

"Hey Blaise! Una na kami."

Tinanguan ko lang ang mga kasama ko sa Basketball team.

Tumingin ako sa bandang entrance ng gym at nakita ko ang pinanggalingan ng amoy.

Sinamaan siya ng tingin ng mga teammates ko pero nginisihan niya lang sila at nagsalita.

"Hmm. Puro hangin na lang nga ang laman ng ulo niyo, ang babaho niyo pa. Hindi na kayo nahiya kay B.Y. at sa isang Saint Endessa."

Susugurin na sana siya ng mga ito pero di man lang siya umatras kaya natigilan sila at napatingin sa akin.

Umalis na kayo.

Sinenyasan ko silang umalis na at nagmamadali naman silang umalis sa gym.

Mahirap kalabanin si Saint kaya dapat iwasan nila ang hamon niya.

"Saint...anong kailangan mo?"

Tumakbo siya papunta sa akin at nakangisi pa rin. Init-itsa niya rin ang nilalaro niyang bolpen sa harapan ko.

Ano bang sadya niya?

"B.Y.!"

"Huwag kang sumigaw. Nasa harapan lang kita."

Nagbuntong-hininga siya at ginulo ang buhok ko.

Ano bang problema niya?

"B.Y., naniniwala ka ba sa akin?" aniya at malungkot na ngumiti. "Iyong tungkol sa nangyari noon, alam kong kasalan—."

"Tumahimik ka."

Kaagad niya namang tinakpan ang bibig niya pero agad din naman siyang nakabawi at nakangising umupo sa sahig.

Nilalaro-laro pa rin niya ang bolpen niya. Naging alerto ako nang makita iyon kanina nang siya'y pumasok. Delikadong kasama si Saint, delikadong-delikado.

Nilabas ko ang kutsilyong laging nasa ilalim ng damit ko at tinutok sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita iyon.

"B.Y.! Hindi pa handa ang mundo na mawala ako!"

"Huwag mo akong pinagloloko. Amoy na amoy ko ang amoy nina Chro at Azarel. Anong ginawa mo sa kanila?"

Natawa siya at inipit ang bolpen sa bulsa ng pang-itaas niyang uniform.

"Kelan ba ako magiging mabait sa paningin niyo?" aniya habang natatawa pa rin. "Anyway, may surprise si M.R."

Nagkasalubong ang kilay ko.

"Di ko naiimagine si Minus na nagpaplano ng isang surpresa. Pagpaplano niya ng assassination sa presidente ng Pilipinas, 'yon paniniwalaan ko."

Natawa ulit siya.

"B.Y. dude, there's good surprise and bad surprise. Di mo na kailangang hulaan kung anong uri ang surpresa ng M.R. na 'yon." aniya.

Kinuha niya ang kutsilyo sa kamay ko at nilaro-laro ito gaya ng bolpen niya kanina. Initsa-itsa niya ito at pinaikot-ikot.

Recrudescence High (Volume I)-CompletedWhere stories live. Discover now