Chapter 11-Repository

72 2 0
                                    

Chapter 11-Repository
Saint Endessa


RM 123, Dorm 1-Male
June 10, 2016
8:00 A.M.

Click.

Tumunog ang nakalock na pintong mabilisang binuksan ni I.L. gamit ang mga hairpin niya.

Tinapon kasi talaga ni M.R. ang susi na binigay ni Nil. Aniya sa Ingles, at least daw kahit papaano napapakita niya na wala siyang tiwala sa mga blonde na katulad nina Nil at Zero.

Hmm. Ang Nil at Zero pa naman ay mga salitang nagrerepresenta ng kawalan. In English mga bobo, nothing.

Pumasok nang sabay sina M.R., I.L., at P.C. kaya para sila ngayong maiingay na bibeng nagsisiksikan sa doorway.

"Mauuna ako." seryosong sabi ni M.R. "I'm always the first."

"Meow." iritadong sabi ni I.L.

Hmm.

"Takte! Ako ang mauuna mga gago!" sigaw ni P.C. at nagpupumiglas. "Argh! Punyeta kayo!"

Nagpupumiglas silang tatlo at kanya-kanya ng sigaw.

Hmm. Mga baliw.

Napangisi na lang ako at nilaro-laro ang aking bolpen nang makita si A.A. na walang emosyong pinagtatadyakan ang tatlo kaya bumagsak silang tatlo habang una ang mukha sa loob ng unit.

Tsk. Kung di lang naman kayo mga atat. Dapat tularan niyo ang isang Saint Endessa. Chill lang.

"Dugo..." bulong ni B.Y. na nasa tabi ko lang. Ginulo ko ang buhok niya at agaran siyang nawala sa tila nahipnotismo niyang estado kanina. "Saint...salamat."

Tumawa lang ako at tiningnan sina M.R. na nasa loob na at kanya-kanya ng kunot ng noo dahil sa duguan nilang itim at puting uniporme.

May dugo sa sahig kaya nagkamantsa ang mga suot nila. Pati nga ang mga pagmumukha nila.

Hahaha.

"The fuck, Amaranto! Tingnan mo ang ginawa mo sa uniporme ko! Putangina!" galit na galit na sigaw ni P.C.

Di nakatakas sa mga mata ko ang sandaling pagngiwi ni P.C. habang nakatingin sa bandang tiyan niya.

Hmm. Siguradong sumasakit ang sugat niyang hindi pa naghihilom dahil sa pagkabagsak. Kawawang prinsipe.

Hmm. Tatanga-tanga kasi si P.C. Hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang sumaksak sa kanya dahil wala raw siyang paki.

"This is bullshit." sabi ni M.R. at umiling-iling na lang habang pinapanood sina A.A. at I.L. na nagsasapakan na.

Sapak dito! Sapak doon! Whooh! Sinong manok niyo?

"S-3 now!" seryosong sigaw ni M.R.

Opo. Tsk.

Sight. Smell. Sound. Hmm.

Pumasok ako at inilibot ang tingin sa buong unit. Naglakad-lakad din ako at sumilip-silip sa iba pang mga silid sa loob.

And weirdo ng kung sino mang Zilch na 'yon.

Nakita kong 'yon din ang ginawa nina B.Y. at P.C.

Matapos ang 'scanning' naming tatlo, nagreport agad kami kay M.R.

Trabaho, trabaho, trabaho. Buti at bored ako.

"Sight report, M.R. There are blood stains or trails all over the unit, specifically, from the bloody bathroom to the entrance slash exit door of the unit. Blood stains are also on the medicine cabinet, bathroom sink, bed sheet, closet. There are missing things like a school bag or phone. There's also untouched food on the kitchen. I found a note in the bedroom that says 'Au Revoir' with a smily face and there's a P.S. that says 'For it never dies, mind ennui.'." mahaba kong pag-iingles.

Recrudescence High (Volume I)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon