Chapter 26-Riant

41 2 0
                                    

Chapter 26-Riant
Saint Endessa


Main Building Rooftop
June 19, 2016
12:12 P.M.

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa kasiya-siyang pangyayari na nasisilayan ngayon ng nag-iisang Saint Endessa.

Nanatiling nakakagat si T. sa kapa ni C-Y-pher.

Hmm. Kanina pa nga gusto ni T. na lapain nang tuluyan si C-Y-pher pero buti na lang at may rule na 'di dapat patayin ang SSG president.

Sumandal ako nang nakatalikod sa safety railings nitong rooftop at nakangising pinanood ang bawat isa sa kanila.

Biglaang may nakita akong anino ng ibong lumilipad kaya tumingin ako sa taas habang inaaninag ang ibon na nasa ilalim ng sikat ng araw.

Isang uwak? Maaari kayang—? Hahaha. Tama. Pinadala iyan ni Nonce. May nakita kasi akong surveillance camera na 0.5 inch ang laki. Nakakabit ito sa dibdib ng uwak.

Napakainteresante. Pinadala ni Nonce ang uwak para mag-espiya sa amin o baka naman ay para siguraduhing buhay pa ang pinakamamahal niyang apprentice na si B.Y.

Humagikhik ako at binalik ang tingin sa mga kasama ko rito sa rooftop, lalo na kay I.L. na tila galit na galit na nakatingin sa malayo habang nakatungtong sa railings at para ring handa nang tumalon papunta sa mga walang kwentang estudyanteng naglalakad sa school grounds.

Oo. Hmm. Nakatayo talaga si I.L. sa railings na dalawang inch lang ang lapad. Base sa mga mata niya, hindi niya namamalayan ang ginagawa niya.

Nag-ha-hallucinate na. Hahaha.

Mabagal akong naglakad patungo sa kinaroroonan niya habang tinatanya kung may mabuting madudulot ang pagkamatay ni I.L.

Meron. Marami pero hindi ko siya pwedeng hayaang mamatay. Kaibigan ko siya. Isa siya sa kaunting taong naging kaibigan ng isang Saint Endessa.

"Hmm. Huwag mong sabihing tatalon ka mula rito sa rooftop, I.L.?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

Saglit siyang tumingin sa akin bago tumingin sa baba at mamutla. Pagkatapos ay mabilis siyang tumalon paatras bago prenteng tumapak sa sahig ng rooftop.

Naglakad naman siya papunta sa kinaroroonan ko at tinapik ako sa balikat gamit ang kanan niyang kamay. Titig na titig din siya sa akin.

Aba. Nagiging bakla na ba si I.L.?

"Salamat," walang emosyong aniya.

Ngumiti lamang ako at nagsalita.

"Ganyan talaga I.L. Hindi ka pwedeng mamatay. Mababawasan ang mga gwapong rapist sa mundo. Haha—aray. Rhyming," nakangisi kong sabi at hindi na lamang pinansin ang libro at lalagyan ng espada na biglang nanakit sa ulo ko kanina.

"Saint... Iago..."

Ano ba naman 'tong si B.Y.? Bigla-bigla na lamang sumusulpot.

"Oh?" tanong ko.

"Pinapatawag kayo ni Minus," nakangiting ani B.Y. bago naglakad pabalik sa kinaroroonan nina M.R., P.C., T., at Nonce.

Nagkatinginan muna kami ni I.L. bago sinundan si B.Y.

Hoshini Yuukini~

Nakangisi kong sinapok ang ulo ko gamit ang aking bolpen.

Ba't ba may kantang umiikot sa utak ko? Ngayon ko lamang ito narinig. Hmm. Pero biro lamang. Narinig ko na ito noon, ilang beses na. Ako pa?

Recrudescence High (Volume I)-CompletedWhere stories live. Discover now