Chapter 19-Reelection

34 2 0
                                    

Chapter 19-Reelection
Iago Lamento


Unknown place
Unknown date
Unknown time

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.


×××


Saint Endessa


RM 101, Dorm 4-Male
June 15, 2016
4:30 P.M.

"Guys! Guys! May result na!" nagmamadali at hinihingal na sabi ni Y.S.(Yueh Singh), ang bagong alila ng Six Perfections. Kakabukas pa niya ng pinto at hindi pa siya nakakapasok sa monochrome naming dorm pero nagbabalita na siya.

Agarang lumapit si P.C. kay Y.S. at iritable itong niyugyog bago pinilit na magsalita ito.

"Putangina! Magsalita ka! Sinong nanalo?!" naiinis na tanong ni P.C. at dahil likas si Y.S. na natanga dahil sa walang kwentang romantic love, tumunganga lang ito sa harap ni P.C. na parang batang kinikilig. "Magsalita ka! Takte!"

"I love you." mabilis na ani Y.S. na halatang hindi na nakapag-iisip nang matino dahil ang lapit-lapit ni P.C. sa kanya.

"Bwisit ka!" huling sigaw ni P.C. bago malakas na tinulak si Y.S. papunta sa isang sulok at kinorner ito. "Ano na?! Sinong nanalo?! Sumagot ka ngang babae ka! Sino ang magiging bagong Student Council President?!"

Tlak.

Tunog iyon ng pagbuo ulit ni M.R. sa kanyang baril kaya napatingin ako sa kanya at ngumisi.

"So, who won?" seryosong tanong ni M.R. habang kinakasa ang baril niya.

"C-Y-P-H-E-R."

Mabilis pa sa alas kwatro akong napatingin kay Y.S.

Kailangan pa ba niyang i-spell? Kahit hindi niya gagawin 'yon, alam ko na rin naman kung sino ang nanalo. Ay. Hindi nga pala ako nag-iisa rito. Ako lang pala ang psychic ng grupo. Hahaha. Isang Saint Endessa.

"What the hell?! Putangina! Pa'no nangyari 'yon?!"

Si P.C. lang ang may O.A. na reaksyon kaya nakisabay na lamang ako at tumingin pa kay M.R. na hanggang ngayon ay tila seryosong nag-iisip.

"Dude. Halos magkasingsama lang sina C-I-pher at C-Y-pher, hindi ba?"

Tumitig nang napakasama si M.R. sa akin at nagsalita.

"Actually Santo, that's a common knowledge among us. You don't need to fucking say it. Don't be stupid."

Aray.

Tumikhim naman si A.A. na kanina pa walang imik at nagbabasa ng 'Anonymous' bago umariba sa kanyang linya na tinapon niya nang walang lingunan.

Teka. Pasingit lang. Tulog pa ba hanggang ngayong gabi si I.L.?

"Ibig sabihin nito ay isa na namang baliw na unggoy ang magiging Student Council President ng Recrudescence High. Isa pa, hindi na rin natin kontrolado ang batas." walang emosyon niyang sabi at napatango-tango naman ako.

Tama. Hmm. Mahirap nang maglabas-masok(manghimasok) sa iba't ibang isyu ng paaralan dahil wala na si M.R. sa Student Council at sa Retrograde.

"Argh! Hindi ako makapaniwalang napunta sa wala ang pinaghirapan ko! Takte!" inis na sigaw ni P.C. habang padabog na pumupunta sa kwarto niya.

Natawa na lamang ako dahil sa inasal niya.

Di ko naman siya masisisi. Siya kasi ang ginawa naming pain para may bumotong mga babae kay I.L. Yeah. Si I.L. ang pinatakbo namin dahil siya lang ang may maliit na tsansang manalo.

Recrudescence High (Volume I)-CompletedWhere stories live. Discover now