Chapter 13-Recall

60 2 1
                                    

Chapter 13-Recall
3rd Person


RM 123, Dorm 1-Male
June 9, 2016
8:00 P.M.

Isang lalaking may kulay mais na buhok ang nasa loob. Dati siyang tinatawag sa pangalang Reethe Duram pero ngayo'y Zilch na ang kanyang pangalan. Katulad ng kanyang mga kasamahan, wala na siyang apilyedo.

Kasalukuyan niyang iniinit ang kanyang pagkain. Nang tuluyan itong mainit, pumasok siya sa kanyang kwarto at nakangiting umupo sa kanyang kama.

"Nakakabagot naman." bulong niya sa sarili at napatingin sa salamin. "Well anyways, bagay pala sa akin ang blonde hair."

Humagikhik siya at sandaling napasip.

"I wonder kung bagay sa akin ang color ng dugo." aniya.

Isang ideya ang pumasok sa utak ng masokista, isang weirdong ideya.

Pumasok siya sa banyo at nagsimulang punuin ng tubig ang bathtub. Habang patuloy sa pag-agos ang tubig mula sa gripo, sinipat niya ang suot sa salamin.

Nakaitim siya kaya siguradong walang makakapansin kung mababahiran ito ng kulay pula.

Sinara niya ang gripo at nagsimulang gamiting parang kutsilyo ang mahahaba niyang kuko para masugatan ang kanyang palapulsuhan.

Unti-unting tumulo ang dugo mula sa kanyang pulso at nilagay ito sa bathtub.

"Ang sarap." bulong ng binatang si Zilch.

Naalala niyang may mga pakete pa pala siya ng sariling dugo sa isang sikretong lugar sa banyo. Agaran niya itong kinuha at isinalin sa bathtub kasama ang tubig.

Pulang-pula na ang tubig nang maisipan niya na maglagay ng kulay pulang colourant o dye at kaunting perfume.

Baliw na nga siya kung iisipin.

Nilublob niya ang magulong kulay mais na buhok sa pulahang bathtub.


×××

Blaise Yuan


RM 101, Dorm 4-Male
June 11, 2016
6:17 A.M.

Saglit akong nasilaw sa kintab ng aking kutsilyo na itinapat ko sa sinag ng araw na lumulusot sa bintana.

Nakaupo ako sa couch dito sa sala at inoobserbahan ang amoy ng paligid.

Bakit kaya hindi pa gising ang maski isa sa kanila? Kahit Sabado, kakaiba pa ring walang maingay ngayon.

Tumayo ako at binuksan ang bintana.

Nilanghap ko ang sariwang hangin.

Napakaganda ng amoy, pinaghalong hamog at sariwang bulaklak.

Napansin ko ang mga ibong nagliliparan sa labas.

Mga uwak?

May naalala akong mga pangyayari sa nakaraan dahil sa ibong 'yon.

Bahagya akong napangiti nang lumapit ang isang uwak at pinadapo ko ito sa aking mga daliri.

Nawala ang ngiti ko nang makitang may kulay pulang nakalukot na papel sa paa ng uwak.

Sa 'kanya' ba galing ito?

Dahan-dahan kong kinuha ang pulang papel at bago ko ito nabasa, lumipad ang uwak.

Napatingin ako rito at napangiti nang may palasong tumama sa uwak.

Binasa ko ang sulat na isinulat gamit ang dugo.

Recrudescence High (Volume I)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon