Chapter 25

18 2 0
                                    

*Pierre's POV*

"Kamusta na po si Rainne?" Pambungad na tanong ko pagdating sa ospital. Nagising na siya!

"She still can't speak. Hirap pa rin siyang gumalaw," maluha-luhang sinabi ni Tita. Hinawakan ko siya sa balikat. "The doctor said she'll need therapy... Nako, pasensya ka na, hijo. Sobrang saya ko lang talaga ngayon na nagising na siya at hindi ko mapigilan ang luha ko."

"Ayos lang ho, Tita." Nginitian ko siya at ngumiti rin siya sa'kin.

"O siya, halika na't malamang ay gustong gusto ka na niyang makita."


Pumasok kami sa kwarto ni Rainne at nakita ko siyang nakatulala. Hindi siya lumingon nang pumasok kami ni Tita.

"Don't worry, Ma'am. Normal po ang ganito," panimula ng doktor nang makitang nagiging emosyonal na naman si Tita. I know she's happy Rainne is awake, but she's not in the best state kaya hindi rin mapigilan ni Tita na mag-alala. Ganun rin naman ang nararamdaman ko sa ngayon. "She may not be able to focus her eyes yet. Minimal movements pa lang rin ang kaya niyang magawa. But that's normal. She's been in a coma for a long time. Kailangan ng katawan niya ng mahabang panahon para mag-adjust."


Marami pang sinabi ang doktor pero hindi ko na yun napakinggan. Hindi ko maialis ang atensiyon ko kay Rainne. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko.

"Hijo, maraming salamat at nakapunta ka kaagad. Hindi pa man nakakapagsalita uli ang anak ko ay alam kong ikatutuwa niyang nandito ka." Ngumiti ako kay Tito Marcel. "Ayos lang bang maiwan ka muna dito? Ihahatid ko lang itong mama ni Rainne sa bahay para makapagpahinga na."

"Sure, Tito."

"Salamat," tinapik niya ang balikat ko at ngumiti bago tuluyang umalis.


Hinawakan ko ang kamay ni Rainne at pinisil yun. "Pagaling ka kaagad. Can't wait to hear your voice again," ngumiti ako at hinalikan siya sa noo.


Masaya ako dahil matapos ang mahigit isang taon ay nagising din siya. May mga pagkakataong gusto na siyang sukuan ng mga magulang niya. Naiintindihan ko yun dahil talaga namang masakit sa puso na makita si Rainne sa ganitong estado. Napakaraming tubo ang nakakonekta sa kanyang katawan. Pero kung talagang hindi na siya nagising ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. I'm happy with Elle, yes. Pero ang guilt sa nangyari kay Rainne ay hindi mawawala.

While I was blaming myself for what happened, palagi akong pinaaalalahanan nila Elvin na hindi ko kasalanan ang nangyari. At hindi rin kasalanan yun ni Elle. It was simply a tragic event. It was later found out that the driver was overspeeding, during a red light at that!

Even with all these explanations, I couldn't help but blame myself. Later on, I blamed Elle. In the process of getting revenge, I fell for her. Is it a sin to fall for Elle while waiting for Rainne? Paano na si Rainne ngayong kami na ni Elle? Pinasadahan ko ng mga kamay ang aking mukha. My life is a mess. Seryoso ako kay Elle pero ganun ganun na lang ba ang sa amin ni Rainne? How do I tell her even? Surely I couldn't tell her at her current state. She might not understand it yet as well.


Pagbalik ni Tito Marcel ay nagpaalam na ako. Nagpasalamat siyang muli at nangako naman akong babalik para bisitahin uli si Rainne.

Wala akong natanggap na kahit text mula kay Elle, so I guess she's still at home waiting for me. I And so, I texted her.

Still there? Pabalik na ko. Sorry for making you wait. :(

Mean Girl meets Bad BoyWhere stories live. Discover now