Chapter 11

83 4 0
                                    

~|11|~

*Elle's POV*

"Uhm, excuse me, Miss. I just have something to ask, kung okay lang sa'yo." Sabi ng isang mestisa sa'kin. Matangkad siya, sopistikada at mahinhin. She's pretty.

"Uh, sure." I smiled.

"May kilala ka bang Pierre Ramirez na nag-aaral dito?" Oh my gosh! Don't tell me si Rainne 'tong babaeng 'to?

"Yeah. Classmate ko siya."

"R-really? Can you bring me to him?"

Sinamahan ko naman siya hanggang makarating kami sa tambayan. Maaga pa naman at malamang eh nandito pa rin sila.

"P-paanong?" Nakita ko ang gulat sa mukha nila Pierre, Elvin at Darren. "Rainne..." kinilabutan ako pagkasabi ni Pierre nun. Langya, si Rainne nga 'to? "K-kelan ka pa dumating?" He pulled her away tapos nawala na silang dalawa.

"She's Rainne?" I asked to confirm.

"Oo. Paano kayo---?"

Pinutol ko naman agad yung sinasabi ni Darren. "She just approached me, tapos itinanong niya kung kilala ko daw si Pierre. So I brought her here."

"Babe, nakakunot na naman yang noo mo." Sabi ni Elvin kay Ria habang hinahaplos-haplos pa ang pisngi nito.

"Sabi ko naman sa inyo wala akong tiwala diyan sa lalaking yan eh. Yang kaibigan niyo, pagsabihan niyo ah!"

"Are you getting mad at him for me?" She did not respond. Magkasalubong pa rin ang mga kilay niya.  "Ano ka ba, Ria? He's not even courting me. Besides, I don't like him."

"Asus." Singit naman ng loka-lokang si Faye. "Malay mo naman, bigla mo marealize ang feelings mo pag nagkabalikan na yung dalawa."

"Stop it, Faye. Napaka-kunsintidora mo talaga." Inis na sabi ni Ria. Oh well.

Nagsimula at natapos ang klase na hindi dumating si Pierre. Umabsent na siya? He better be sure na aattend pa rin siya ng practices para sa varsity.

My mom sent a package last week. Sabi niya, iabot ko na lang daw kay Arthur yung para sa kanya. Pupuntahan ko na lang siya sa school niya. And if you're wondering who he is, he's my half-brother. He's two years older than me. Pag nakita niyo kami, hindi niyo iisipin na magkapatid kami. He looks a lot like his American dad, ako naman kamukha ni mom pero mas kamukha ni daddy. Basta, napakakumplikado kung paano nangyari lahat and I'd rather not talk about it. Hindi kami ganun ka-close, okay? Don't expect.

"Oh." Inabot ko naman sa kanya yung isang box na may card pa sa taas na may pangalan niya.

"Thanks."

Ayun lang, uuwi na 'ko. Oh di ba di kami close? What a brother! Wala man lang "How's your studies?" o kaya naman "Let's have dinner, my treat." Bakit kasi ganun ang mga kuya sa mga palabas? Super sweet and caring. Yung akin naman hindi ganun. Or maybe because half-siblings lang kami kaya siya ganun? Aahh. Whatever!

"Give me another chance, alright? I promise, hindi na 'ko gagawa ng kung anumang hindi mo gusto." I heard a familiar voice. Sinundan ko naman.

"You're still here? Nag-cutting ka ganun? Hanggang ngayon ba naman napaka-iresponsable mo pa rin, Pierre?"

"Rainne, I just... I just can't leave na hindi ako sigurado kung may pag-asa pa bang maibalik natin yung dati. I just want to clear things out. So, please..." Huminga siya ng napakalalim as if sobrang hirap sabihin yung susunod niyang sasabihin. "... Please give me another chance."

I saw her hug him.

Bigla atang nanikip ang dibdib ko? Nagseselos ba 'ko?

Nah. Pagod lang siguro 'to. Bakit ba kasi ako nakikinig sa usapan ng may usapan? Haay.

Mean Girl meets Bad BoyWhere stories live. Discover now