Chapter 1

157 4 0
                                    

~|1|~

*Elle's POV*

"Gwapo ba?" - Ria

"Malay mo, siya pala ang destined para sa'yo." - Faye

"Tigilan niyo nga ako." Loka-loka talaga ang mga kaibigan ko.Baka nga mapatay pa ko nung lalaking yun pag nakita niya 'ko eh.

Nagk-kwentuhan lang kami nila Ria at Faye nang biglang...

May lumapit na lalaki. Ang lapit lapit ng mukha niya sa'kin.

"I knew it." he said with a grin.

I was shocked. Can anyone please tell me what's happening?

"Wh-what?" tanong ko naman sa kanya.

Bigla na lang niya hinablot yung kamay ko. Gahd, ang sakit!

Nilingon ko sina Ria at Faye. Wala ba silang gagawin?!

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako! Ano ba?!"

Kinaladkad naman ako nung lalaki hanggang sa rooftop. Nung nandun na kami, ibinalibag na lang niya 'ko basta dun.

"Ano bang problema mo?! Ang sakit ah!" sigaw ko sa kanya. "Sino ka ba? At ano bang ginawa ko sa'yo? Ha?"

"Wow! Tinatanong mo talaga sa'kin yan?" he smirked.

"Eh sa hindi nga kita kil-..." Oh my! S-siya y-yung...

"Remember me?" I just nodded.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Baka kung anong gawin niya sa'kin.

Don't tell me he's gonna push me mula dito sa rooftop.

"Now tell me, why did you snatch my wallet?! Teka nga, paano ka ba nakapasok sa institute na 'to? Don't tell me idinagdag mo yung nasa wallet ko sa pang-enroll mo?"

"Don't yell at me, okay? At wag mo 'kong akusahan ng kung anu-ano. It was all just a deal! Napagtripan lang naming magkakaibigan." I know it's my fault pero ako pa 'tong mataray. Oh well.

"Woah! Deal? Huh, is that so?"

"Hindi ko naman kailangan ng pera mo no. Kung gusto mo nga, I can give you triple the money inside your wallet."

"Tingin mo maaayos lahat pag binayaran mo 'ko?" Lumapit siya sa'kin. "Here's the point, miss thief..."

"And don't call me "Miss thief"! You get that?!"

"Ikaw pa may ganang manigaw ah? Well then, tell me Miss Snatcher..."

"Wait, what? Miss snatcher? I'm telling you, hindi ko nga kailangan yung pera dun s---."

"That doesn't change the fact that you stole my wallet!"

"I said stop yelling at me! Kilala mo ba kung sinong sinisigawan mo?! Ha?!"

"Of course. Kilalang kilala kita, Miss Snatcher."

"Gahd! How many times do I have to repe---..."

He kissed me...

sa lips...

I slapped him. "How dare you?!"

He smirked, habang hinihimas yung pisngi niya. "Masakit na masyado sa tenga yang ingay mo eh."

"Who do you think you are para nakawin ang first kiss ko?" I said, trying not to let my tears fall.

"Yung lalaking ninakawan mo ng wallet."

"Damn you! Ang kapa---."

Damn, he did it again!

Sinampal ko uli siya, sa left cheek naman.

"Woah, Miss. I just realized, ang cute mo pala pag naaasar."

O///O

"Shut up!" Pinunasan ko naman yung labi ko as if nandidiri ako.

Nagdire-diretso naman ako ng lakad.

"Woah there, Miss. You're not going anywhere." sabi niya habang nakaharang sa may hagdan.

"Ano bang kailangan mo?!"

"Wala naman. I just want you to know, the kisses felt good." He grinned.

For the third time, I slapped him. Nakita kong napahawak siya sa pisngi niya, tapos tumakbo na 'ko pababa.

This time, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

He stole my first kiss. Ang kapal ng mukha niya. Grrr.

"Oh Elle, bakit umiiyak ka?" - Ria

"That stupid guy... he... he..." my tears fell.

"Wag ka na umiyak, Elle." - Faye

"Hindi niyo man lang ako tinulungan. Ano ba?" nagtatampong sumbat ko sa kanila.

"S-sabi kasi nila Elvin at Darren, kakausapin ka lang daw ng kaibigan nila. They're nice so ---." - Faye

"Kakausapin lang?! Naniwala naman kayo?!" sigaw ko, sabay walk-out.

"Ano ba, Faye? Napaka-lame naman ng dahilan na yun." narinig kong sabi ni Ria bago pa 'ko makalayo.

"Elle, sorry na. Ano ba kasi talaga ang nangyari?" sabi ni Ria habang sumasabay sila sa paglakad ko.

"Oo nga, Elle. Sorry na. Hindi naman namin alam eh." - Faye

I heaved a sigh. Kinwento ko rin naman sa kanila yung nangyari.

Makikita niya.

Nagkamali siya ng kinalaban.

Mean Girl meets Bad BoyWhere stories live. Discover now