Chapter 23

23 2 0
                                    

~|23|~

*Pierre's POV*


Sabi niya, alam niya lahat mula pa nung simula.


Alam niya yung nangyari kay Rainne.


Alam niyang inisip kong kasalanan niya yun.


Alam niya yung plano kong saktan siya.


Hindi daw maganda ang simula namin.


Mas malala pa ang mga nangyayari ngayon.


Kaya mabuti pa, tapusin na lang rin.


Sinubukan kong magpaliwanag pero ayaw na niya makinig.


Hindi niya alam kung dapat pa ba siyang magtiwala sa mga salita ko.


Ang gusto lang niya, itigil na namin lahat ng 'to.


Ayoko.


Pero anong magagawa ko kung ayaw na niya?


I spent the night drinking. Nagising na lang ako nang mataas na ang sikat ng araw at may matinding hangover.


"Gising ka na pala. Nagluto ako ng sopas." Nagulat ako nang madatnan si Mommy.

"Ma, bakit ka nandito? Wala kang pasok?" Umupo ako sa may dining table namin. Hawak ko pa ang ulo ko dahil sa iniindang sakit nito.

"Paano ba naman ako papasok sa trabaho na ganito ka? Gusto nga kitang sermonan pero tsaka na lang. Mabuti na lang at inihatid ka nila Elvin dito. Hindi ka man lang nagtext kaya sobrang nag-alala ako."

"Uy si Mommy, sumisimpleng sermon," biro ko naman.

"Sige na, higupin mo na yang sabaw at nang guminhawa ang pakiramdam mo. Pasalamat ka at patikim na sermon lang inabot mo sa'kin ngayon." Ginawa ko naman ang sinabi niya.

Pinanood lang niya ako habang kumakain. "Anak, naiintindihan kong brokenhearted ka. Alam ko kung gaano kasakit yan. Pinagdaanan ko na yan, higit pa nga eh." G*go kasi tatay ko eh. Nagmana pa ata ako sa kanya. Teka, namamana ba ang pagka-g*go? Hahaha.

"Ma naman, wag ka na magbanggit ng ganyan. Baka mamaya nag-iiyakan na tayo dito."


Niyakap ako ni Mommy. Napakasarap sa pakiramdam na may taong nag-aalala sa'yo, na may taong nakakaintindi sa'yo.


Dalawang araw na ang lumipas at hindi ko pa rin nakakausap si Elle.


Sa totoo lang, magulo ngayon. Magulo lahat, lalo na ang barkada. Galit pa rin si Ria dahil hindi siya sinabihan ng nobyo niya kahit na alam naman ni Elvin lahat mula pa nung una. Pati kay Elle nagtatampo siya. Higit sa lahat, galit siya sa'kin. "I trusted you with Elle, pero sinayang mo!" sigaw niya at pinagmumura ako. Ayos lang, tinanggap ko lahat ng galit niya. Kung nasasaktan siya para kay Elle, sigurado akong mas nasasaktan si Elle. Kasalanan ko 'to.

Mean Girl meets Bad BoyWhere stories live. Discover now