Chapter 8

78 4 0
                                    

~|8|~

*Pierre's POV*

Hindi pa rin ako kinakausap ni Elle hanggang ngayon. May nagawa ba 'ko?

Sa paglalakad ko papasok ng campus...

"Ano ba?! Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?! Ha?!"

"Wag mo 'kong sigawan. Wala ako sa mood." Sabi ko at tinuloy ko ang paglakad ko.

"Eh ang angas mo pala eh!"

Biglang hinila niya ang braso ko at akmang susuntukin ako. Hinawakan ko siya sa braso at pinilipit ito. "Sinabi ko nang wala ako sa mood di ba?" Sinipa niya naman ako kaya sinuntok ko siya. At ayun, nag-aaway na nga kami.

"Akala mo ba magpapatalo ako sa'yo?" sabi niya kahit nagsisimula nang dumugo ang gilid ng labi niya. "Bago ka pa lang ditto akala mo kung sino ka na!" Sumuntok siya pero nakaiwas ako. Sinapak ko naman siya at ibinalibag dun sa may puno.

"Don't mess with me, stupid!" sigaw ko sa kanya. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad ko, pero hindi pa 'ko gaano nakakalayo eh may humampas ng matigas na bagay sa may likod ko. Napaluhod naman ako. "Talagang binibwisit mo 'ko ano?!"

Nagsapakan na kaming dalawa. Masyado pang maaga kaya wala pang gaanong tao. Walang pumipigil o umaawat sa'min. Hindi ako titigil dito hanggat hindi ako nawawalan ng lakas. Sinabi nang wala ako sa mood eh.

I was about to give the damn guy another punch kahit na nakaluhod na siya when Elle came. Humarang naman siya para pigilan ako. "Tama na!" W-why is she crying? "A-ano ba? Hindi ka man lang ba naaawa?" I was taken aback. Ngayon lang uli nangyari 'to. I mean, oo napapaaway ako madalas pero ngayon lang umabot ng ganito. Badtrip nga kasi ako eh. Bakit? Hindi ko alam. Maybe because kagabi pa 'ko hindi pinapansin ni Elle? Ugh, imposible! That's just a lame reason.

"Brent, kaya mo pa ba? You're bleeding. G-gusto mo d-dalhin na kita sa ospital?" nag-aalalang sabi niya habang tinutulungan tumayo yung maangas na mokong na yun. Patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha niya. This is not the first time na inawat ako ni Elle. Why is she so affected? Ganun ba sila ka-close niyang Brent na yan? O dahil ganun na talaga kagrabe ang nagawa ko sa kanya?

"No need, Elle." Nanlalambot na sagot niya. "This is why I never doubted why my brother loved you." Ano daw?

Malayo na sila at dumarami na rin ang estudyante dito. Hindi na lang siguro ako papasok sa klase ngayong araw.

Pumunta naman ako sa field. Good thing walang gaanong nags-stay dito.

"Tara na."

Lumingon naman ako. Si Elle pala. "Hindi na 'ko papasok."

Tumabi naman siya sa'kin. "Tss. Ano naman ang naisipan mo't nandito ka?"

"Tinatanong pa b---. A-aray! Ano ba yan?" sigaw ko. I know how rude I am.

"Ginagamot ko lang naman yang mga sugat mo. Aaray-aray ka ngayon. Akala mo naman hindi ka napuruhan kanina. Tss. Bakit kasi ang angas angas mo?" sabi niya habang pinapahiran ng kung ano ang mga sugat ko.

"Mas maangas siya no! Tapos siya pa'ng tinulungan mo. Tss."

"Nagseselos ka ba?"

"Tss. Bakit naman ako magseselos? Nagbibiro ka ba?"

"Kung ikaw siguro ang nakita kong namimilipit na sa sakit eh di ikaw ang tinulungan ko. Sakit siya sa ulo ng pamilya niya, but he's nice."

"So you're telling me that I'm not nice? Siya kaya ang nagsimula." She did not respond kaya tumuloy na 'ko sa pagsasalita. Tss. "Nga pala, bakit ka naman umiyak kanina? Masyado ka naman ata apektad---. Aray! Ano ba? Dahan-dahan lang naman. Masakit eh."

Mean Girl meets Bad BoyWhere stories live. Discover now