Chapter 3

104 4 0
                                    

~|3|~

*Elle's POV*

"Hi, Elle!" bati ng mga classmate ko pagpasok ko ng classroom.

Ngumiti lang ako sa kanila at dumiretso na sa upuan ko.

"What the?!" yun na lang ang nasabi ko. Bakit basa ang upuan ko?!

"HAHAHAHAHAHAHA." biglang tawa naman nung tatlong transferee. Ha! Talagang gusto niya ng away ah?

"Hey you!" dinuro-duro ko naman siya. "Bakit niyo ginawa yun?"

"Paano ka naman nakasiguro na kami nga ang gumawa nun? Malay mo, nakalimutan lang nung nag-paint na lagyan ng wet paint sign." at nagtawanan uli sila.

Pininturahan ng puti yung upuan ko, eh puti rin yung mga upuan namin sa classroom kaya hindi ko nahalata. Bwisit!

Akala nila ganun ganun lang yun? Makikita niya talaga!

"Oh, saan ka pupunta?" Hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso lang. "Uy, saan ka nga pupunta?" he said while poking my right arm.

"Damn! Wag na wag mo 'kong didikitan!" inis na sabi ko sa kanya.

"Ang taray naman nito." he said, still following me.

Dumating na kami sa locker ko at kinuha ko naman yung extra uniform na meron ako dun.

"Uy, sino 'to?" sabay turo naman niya dun sa picture ni Ran sa locker ko.

"Pake mo ba? Wag mo na nga akong kulitin. You're ruining my day!" sigaw ko naman sa kanya.

"Ang mean naman nun. Sinamahan na nga kita, sinisira ko pa araw mo." sumimangot naman siya pagkasabi niya nun.

"To begin with, ikaw naman 'tong dahilan kung bakit nagka-pintura 'tong uniform ko eh! Stop pretending that you care. I know for sure, nag-eenjoy ka sa ginagawa mo. This is just the tenth day of the school year and you've played a lot of pranks on me already! Wag kang magtaka kung masungit ako sa'yo, okay? Kasalanan mo yan!" sabay walk out ko naman.

"Teka, saan ka nga pupunta?" pangungulit pa niya. Hindi ko naman sinagot yung tanong niya at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "Magpapalit ka no? Samahan na kita."

Tumigil ako sa paglalakad pagkasabi niya nun. "And you'll make that stupid joke again? Hindi yun nakakatawa, just so you know."

"Hindi nakakatawa?" he pouted. "Gusto mo seryosohin ko?" and he smiled a devilish smile again.

Inirapan ko naman siya at dumiretso na sa CR.

Ganito na lang palagi mula nung first day ng classes.

*****

"Elle, may nag-aaway sa lobby!" nagmamadaling sabi sa'kin ng secretary ng student council.

Sabay naman kaming tumakbo papunta sa lobby.

"Stop that!" sigaw ko naman sa Ramirez na yun.

Lumapit pa ako sa kanya para pigilan siya. Hawak niya sa kwelyo si AJ at ibinalibag naman niya 'to nung sumigaw ako.

"Ang angas angas kasi!" sabi niya habang nagpapagpag ng damit. "Wala naman pala kayo eh!"

"Ano ba?! Kilala mo ba kung sinong kinakalaban mo?"

"Wala akong pakialam. Hindi mo dapat ako pinigilan. Aangas-angas kasi tapos wala naman palang laban! Pwe!"

Tinulungan ko naman tumayo sina AJ at yung isa pang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, fourth year na 'tong isang 'to.

Mean Girl meets Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon