Chapter 22

25 2 0
                                    


~|22|~

*Pierre's POV*

Nag-init kaagad ang ulo ko nang makita si Elle kasama yung bestfriend ng ex niya. So he's finally making his moves? Tss.

Ito ang hirap kapag walang label eh.

Usually, it's the girl who wants the label. Maybe because men cheat more often? I don't know. Basta ako, gusto ko ng label para angkinin si Elle. Ayokong may ibang lumalapit sa kanya. Lalo na yung mga taong ewan ko ba, parang nanliliit ako pag ikinukumpara ko ang sarili ko sa kanila. Yung mga taong katulad ni Ran, na hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang nalilimutan ni Elle.

"So pinauna mo ako para magpahatid sa kanya?" I hissed. Halatang nagulat siya nang makita niya ako.

"Nagkataon na nagkasabay kami sa parking lot. He offered me a ride and I said yes. What are you doing here?"

I just nodded, trying to calm my f*cking self down. Iniwan ko siyang nakatayo sa may gate nila at sumakay na sa sasakyan ko.

Agad siyang lumapit. "Hindi mo sinagot ang tanong ko. Why are you here?"

"Wala. Uuwi na ako."

"Pierre, are you mad? Don't drive if you're mad. Baka mapaano ka."

And just like that, my walls came crumbling down. She just had to show me she cares and everything will be alright. Just like now.

Mabilis mang nawala ang galit ko, hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko. Okay, di na 'ko galit. Should I go then?

"Anong oras na oh. Kumain ka na ba?" Umiling ako. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan ko at hinila ako. "Wag ka na magalit, okay? Babawi ako. I'll cook your dinner," she said with a wide smile. God knows how happy I am when she smiles at me.

Pumasok kami at dumiretso sa kusina. Agad niyang binuksan ang ref nila.

"I'll be fine with beef patty. Pwede rin naman hotdog or fried egg. Puro prito lang alam mo?" I teased her as soon as I sent my mom a message saying I'll be home late.

"Ang judgmental naman po." Tumingin pa siya saglit sa ref bago nagsalita, "Sa bagay, medyo tama naman yung judgment mo. Tawagin ko si Manang. Saglit."

Natawa na lang ako. In the end, si Manang ang nagprepare ng pagkain para sa akin.

"Babawi talaga ako, pramis. May next time pa naman." Sabi niya nang makitang patapos na ako kumain.

"You think I'll trust your cooking?" Ngumisi ako at uminom ng juice na itinimpla niya. Sinimangutan niya naman ako. "This tastes good. At least, marunong ka magtimpla ng juice." Lalong lumapad ang ngisi ko, hindi ko mapigilan. Namumula na siya.

"Meron pa ngang next time, I'm telling you." She hissed.

"Next time, there will be no next time, I apologize even though I know it's lies, I'm tired of the games," I rapped. Natawa naman siya.

Nagkwentuhan pa kami saglit at napagpasyahan naming dapat na ako umuwi.

"Pierre," she stopped me. Huminga siya nang malalim at nagsalita, "I hope this doesn't happen again. I mean... it hurts me na nagkakaganito tayo. It makes me wonder, do I not assure you enough? Or wala ka lang tiwala sa akin? Pierre, you know how I feel. All I'm asking is a little more time." She hugged me.

I hugged her back even tighter. "You don't have to feel bad about it. I'm in the wrong. Sorry."

Masyado lang akong natatakot na mawala ka sa akin.

Mean Girl meets Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon