Chapter 24

16 2 0
                                    

*Elle's POV*

"G*GO!" I heard a familiar voice.


Iminulat ko ang aking mga mata at nagulat nang mahulog si Phillip sa kinauupuan niya. Mabilis ang mga pangyayari. Napapikit lang ako sandali ay nasa labas na ako ng bar.


"Ano ka ba naman, Elle? Hindi mo ba nakita? Sobrang lapit na nung g*gong yun sa'yo! He's about to kiss you pero wala kang ginagawa! What the fck?!"

"Now you even have the nerve to say that to me?! Ha! Bakit? Ano bang pakialam mo? Di ba ito naman ang gusto mo, ang gawing miserable ang buhay ko? Ito na! Hindi mo pa ba nakikita? You won, Pierre. Talo na ko. I am miserable kaya pwede ka nang maging masaya!" Gusto kong bawiin yung sinabi ko pero wala akong lakas. Did I really tell him that he won?


Hinila niya 'ko papasok ng sasakyan niya.

"You stole my first kisses, ano pa nga bang halaga ng halik?" Bungad ko sa kanya pag-upo niya sa driver's seat. "Nakakatawa ka talaga, Pierre. You know what? I hate you! I hate you, Pierre! I hate you!" Pinagpapalo ko siya sa braso niya.

Hindi siya sumagot. Umiikot ang paningin ko kaya hindi ko makita ang ekspresiyon ng mukha niya.

"You know what? Galit ako sa'yo. Galit na galit ako sa'yo! From the start, I knew what you were doing! Alam ko lahat, Pierre. I knew from the start what happened to Rainne. I knew that all you're doing were just for the sake of getting revenge. I knew that I shouldn't fall. I knew that everything was just a lie," tuloy-tuloy na sabi ko. "And you know what? Napakatanga ko dahil nahulog pa rin ako. I can't believe I actually hoped that things will change, that the feeling will be mutual,... that you'll eventually learn to love me... for real. I hate you but I hate myself more! Napakatanga ko!" I mumbled a few curse words. "Sana... sana hindi na lang ikaw ang napagtripan namin nung araw na yun. Sana hindi na lang kita nakilala."

Tumulo rin ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Dala ng bugso ng damdamin. At least, I was able to say my peace. Lumunok ako at pinunasan ang mga luha ko. I leaned my head to the window and closed my eyes.


Mabilis ang patakbo ni Pierre kaya kinabahan ako.

"Are you trying to kill us both?!?" Pasigaw kong tanong sa kanya. With that, he gradually slowed the car. Nanahimik ako kahit hindi ko alam kung saan niya 'ko dadalhin.


"Let's get you sobered up," sabi niya at bumaba.

Pagbalik niya ay may dala siyang burger at fries, tubig, at kape. Pinanood lang niya ako habang kumakain at umiinom.

"We'll talk when you're done," sabi niya nang nilingon ko siya.

"Actually, nawala na yung epekto ng alak dahil sa bilis mo magdrive."

Natawa siya nang bahagya. Nangingiti ako pero pinigilan ko.

O ano, Elle, wala na agad galit? Yun na yun? Taob ka na sa tawa lang niya? Unbelievable! You must have lost your mind! @#$%^&*!!!


"Sorry," panimula niya. Akala ko ba pag tapos na 'ko? Di ko pa ubos yung kape? Teka, bigla akong kinabahan. Nawala na kasi ang epekto ng alak, nawala na yung lakas ng loob ko. Ang dami kong nasabi kanina tapos pakiramdam ko ngayon nawalan ako ng dila.

"Can we not talk here? Masyadong masikip, pakiramdam ko masusuffocate ako," pag-iinarte ko, trying to buy myself some time. Teka lang kasi. Di ko alam kung ready na ba ako makipag-usap sa kanya.

Mean Girl meets Bad BoyWhere stories live. Discover now