Chapter 15

66 3 0
                                    

~|15|~

*Pierre’s POV*

Fast forward. Second week of December.

“Good luck, Kazelle. I know you’ll do great.”

“Thanks. Good luck rin sa inyo.”

“Too bad  I won’t be able to watch you.” Phillip pouted. Pacute pa talaga. Tss.

“Ayos lang yun. Ikaw talaga. Don’t worry, I’ll still be watching your game pag tapos na yung amin.” Pinat naman niya yung ulo ni Elle. Aso lang? Tss. He smiled and left.

“Kailan pa kayo naging close?”

“Bakit na naman, Pierre? Mula nung nadagdagan yung members ng varsity dahil sa SC.”

“Sus. Eh matagal nang may gusto sa’yo yun eh. Tsaka kahit naman hindi kami madagdagan ng members mananalo kami. Andito kaya ako.”

“Asus. Tanong mo sa buzzer-beater ni Arthur!”

 Sumimangot ako. “Nakakawalang gana kaya kasi maglaro kapag yung kalaban mo yung chini-cheer ng vice president ng SC ng school niyo.” I smirked.

“Asus, ako pa ang sinisi.”

“Elle, 15 minutes!”

“Coming!”

“Malapit na kaming mag-start. Good luck sa inyo. Nangch-chix na naman si Darren, di ko tuloy nasabihan ng good luck. Hahaha. Sige na.”

“Good luck.” I quickly kissed her on her forehead and sped away. Pagtingin niya sa’kin, nag-wink pa ‘ko. Hahaha.

I texted her.

You’re blushing. Hahaha. Good luck! Kayang kaya mo yan, ikaw pa! :)

Nanalo kami sa lahat ng laban namin for the first four days. Friday na at ngayon ang final game. This is for Championship, and we better win. Amazon ang kalaban namin. Katulad ng Everest, wala ring talo ang Amazon. This is gonna be a great game.

Malakas ang hiyawan ng mga tao habang tinatawag ang first five ng Everest.

Isa-isa ring pinakilala ang first five ng Amazon. Nakita ko na agad si Harrison. Pakikitaan ko ‘to ngayon eh. Hahaha!

If I hear or see Elle cheering for me, gaganahan talaga ‘ko. She better cheer for us. Kapag hindi, sasama na naman ang laro ko. Tch.

Lamang ang Everest nang matapos ang 1st quarter. By the end of the 2nd quarter, lamang na ng anim ang Amazon. Napababa namin sa apat ang lamang sa pagtatapos ng 3rd quarter.

Maganda naman ang laro ng mga bagong members ng team, pero siyempre hindi naman sila gaanong ipapasok ni Coach dahil nga hindi pa sila ganun ka-praktisado sa mga play ng team.

“LAST TWO MINUTES!”

“Pierre!” Ipinasa naman ni Phillip ang bola sa’kin. Konting dribble lang ay ipinasa ko na rin ng mabilis kay Andrew ang bola. Ibinalik niya rin agad ito sa’kin. Annnnnnd... wait for it...

“Ramirez for a three!”

Less than two minutes remaining. Hindi na dapat naming hayaang maka-score ang Amazon.

“Foul! Number 13, Velasco.”

“Yes.” Sabi ko sa sarili ko. Pinapunta ako sa free throw line. Huminga ako ng malalim bago ipasa sa’kin ng referee yung bola.

Nakita kong masama ang tingin sa’kin ni Harrison kaya naman nginisihan ko.

Dribble, dribble, aaaand shoot.

Mean Girl meets Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon