Chapter 4

99 4 0
                                    

~|4|~

*Elle's POV*

Another stressful day. Hindi na talaga nagsawa yung Pierre na yun sa pambibwisit sa'kin. Pagkauwing-pagkauwi ko, nahiga agad ako sa kama ko. Gaganti uli ako sa kanya bukas! Haha! Akala niya magpapatalo ako sa kanya? Pwes, nagkakamali siya!

Kailangan ko umisip kung paano ako gaganti sa kanya bukas.

Hmmm. Isip, isip, isip. Kailangan makaisip ako ng bagay na ikasisira ng araw niya.

Hmmmmmmmmmm...

Alam ko na!

Kinuha ko naman ang wallet niya na nasa akin pa rin.

Hmm, makalikot nga 'to.

Naalala ko nung isang beses, sabi ko sa kanya, "Bwisitin mo pa 'ko, hindi ko na talaga ibabalik ang wallet mo!"

Tumawa lang siya nun at sinabi na hindi naman daw niya kailangan yun.

Oh well, let's see kung anong meron siya dito.

Ibinalandra ko na lang 'to dito sa drawer ko nung kinuha ko 'to. As if naman interesado talaga 'ko sa laman nito 'di ba?

Didn't know na mapapakinabangan ko pa pala 'to. Hahaha!

Besides the more than three thousand pesos na meron siya dito,

nandito rin ang I.D. pictures niya nung elementary siya. Haha! Grabe lang, mukhang totoy talaga siya dito! Oh my, I can't even... Hahaha!

Who would've thought that this little innocent guy here would be a bad boy someday? OMG! Nakakatawa talaga.

More pics...

Oh, ano 'to? Hmm, let's read!

Woah, this letter's interesting! Haha! For sure, maaasar siya sa gagawin ko bukas. *evil grin*

*****

Bago umupo, chineck ko muna ang upuan ko. Baka kasi may sinulid pala tapos bigla na lang hilahin at mapaupo ako sa sahig, o kaya naman eh may kung anong nakadikit at baka maupuan ko.

Okay, clear! Kaya naman, umupo na ako. I still need to browse my books. Basa basa rin kahit papaano.

"Hi Elle!" bati naman ng mokong. Aba! Ngiting aso pa siya. As if hindi ko alam na may pinaplano na naman siyang kalokohan.

Hindi naman ako nag-respond sa bati niya. Asa pa siya!

"Tignan mo 'to oh." sabay pakita sa'kin ng picture ko.

Picture ko lang naman pala eh.

Wait, what?! Picture ko?! OMG!

"Saan mo nakuha yan?" tanong ko naman sa kanya. "Give it to me!"

Sinubukan kong hablutin sa kamay niya yung picture pero hindi ko nakuha. Damn!

"Bakit ko naman gagawin yun? Ako pa kaya nagpaprint nito!" sabay dila pa niya sa'kin.

"Argghhh! Akin na sabi eh!" pinilit ko namang kunin sa kanya yung litrato.

Nakakahiya pag may mga makakita eh. Bata pa 'ko dun sa picture. Ang dumi dumi ko pa nga eh. Errr, masisira ang reputasyon ko pag nakita ng mga tao yan. No!!!

"Ano pa bang inaalala mo? Nakakalat na sa school ang mga kopya niyan." he said, not looking to me.

Nung nakita niyang nag-iba na ang mukha ko, bigla naman siyang tumawa ng pagkalakas-lakas. Bwiset!

Wala na 'kong magagawa. I guess this is the time to spill something I just learned last night. "Dear Rainne, Happy monthsary sa'tin! Nakakatuwang isipin na umabot tayo ng six months. Ahm, sorry nga pala kung may mga nasa---."

Mean Girl meets Bad BoyWhere stories live. Discover now