Chapter 16

75 3 0
                                    

~|16|~

*Elle's POV*

It's the 18th of December! Mag-oovernight kami ngayon sa bahay nila Faye. Well, kaming tatlo lang. Bihira na rin naman kasi yung ganito mula nung naghalo na ang barkada namin ni Pierre.

"Sobrang namiss ko yung ganito, yung tayong tatlo lang. OMG! Group hug!" At niyakap naman kami ni Faye.

Katatapos lang ng Christmas party namin sa Everest kanina. In short, Christmas break naaa!

"Ria, hindi ka ba magtatampo, binigyan ng boyfriend mo ng teddy bear si Elle oh." Sabi ni Faye habang tinitignan yung mga regalo ko.

"Ang issue mo. May tiwala ako sa boyfriend ko no. Pero bakit nga ba teddy bear ang binigay niya sa'yo, ha Elle?"

"Um-hmm, kita mo yan! Curious din naman siya. Aminin!!!" Kulit talaga nitong si Faye, haha!

"He gave me a teddy bear 'coz I asked for it."

"OMG, Ria, pinagpapalit ka na talaga!" At tumawa naman si Faye.

"Di nga? Grabe! Ano ba talagang meron? Konti na lang magseselos na talaga 'ko." Biro naman ni Ria.

Kinuha ko naman yung gift sa'kin ni Darren. "Ito naman, galing kay Darren. Nirequest ko rin 'to."

"Dapat pala nag-request na rin ako. Haaay."

"Bakit mo nga nirequest? Nambibitin pa 'to. Sabihin mo naaaaa."

"Selos ka lang eh!" Tumawa kaming dalawa ni Faye. "Don't worry, di ko naman aagawin si Elvin sa'yo no! I just asked them for teddy bears para madagdag sa collection ko."

"At kailan ka pa nagsimulang mangolekta ng teddy bears?" Tinaasan ako ng kilay ni Faye. Para talagang sira 'to.

"Since I received one from my dad?"

"Weh! Nagsimula ka nung binigyan ka ni Pierre ng teddy bear nung foundation day no? Yieee, aminin!"

"Ang kalog mo ngayong gabi, teh. Hinay hinay lang." Nagtawanan kaming tatlo. "Speaking of Pierre, kamusta naman kayo?"

"Uyy, si Ria nililipat yung topic kay Pierre. Ayaw pa kasing aminin na nagseselos siya dahil binigyan ng boyfie niya si Elle ng teddy bear."

"Di pa tayo nagsisimulang mag-inuman, parang may tama ka na, Faye. Kasama naman ako ni Elvin nung binili niya yan. Di ko lang natanong kung bakit ganyan ang ibibigay niya kay Elle. Bleh!"

"K." Bumaling naman siya sa'kin. "Oh, Elle, sagutin mo na yung tanong ni Ria. Di na 'ko kokontra. Hihi. Kamusta na kayo ni Pierre?"

"Hmmm." Humiga naman ako sa kama ni Faye. "Paanong kamusta? LOL. Okay lang naman."

"Eh bakit parang ang tagal mong pinag-isipan?" Humiga na sila sa magkabilang gilid ko.

"Wala lang. Feel ko eh."

"Loka ka talaga!" Nagtawanan naman kami.

"Sa totoo lang, naiinggit ako sa inyo." Lumipat si Ria sa tabi ni Faye kaya si Faye na ang nasa gitna namin.

"Bakit naman?" We both hugged her. Ria still asked kahit na alam na namin kung bakit. Alam naman naming noon pa 'to dinadamdam ni Faye eh.

"Alam niyo naman, ako, hanggang fling fling lang. Hindi ako pwede magkaroon ng seryosong relationship kasi kahit anong mangyari, yung ididikta pa rin ng mga magulang ko ang masusunod." Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. "Kapag pakiramdam ko, nahuhulog na 'ko, puputulin ko na. Lalayo na 'ko. Buti pa kayo, lalo na si Ria, stable ang lovelife. Awwiiieeee."

Mean Girl meets Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon