Chapter 12

85 4 0
                                    

~|12|~

*Elle’s POV*

It’s Faye’s birthday! At dahil siya ang party girl sa barkada...

Good evening everyone! Hope you’re enjoying your stay here in Moonlight Bar. Kami nga pala ang Red Panther Band. To our very gorgeous birthday girl, Faye, happy birthday! Aaaand enjoy!” sabi nung vocalist ng banda sa bar bago nagsimulang kumanta. Pina-reserve kasi ni Faye ang buong Moonlight kaya naman bonggang party party ‘to!

I had a few shots. Hindi naman ako talagang naglalasing eh. Ayokong magpaka-depress dahil kay Ran o sa kahit ano pa mang bagay. Sumayaw rin ako kanina pero sandali lang. Hindi naman ako ganun ka-party girl eh.

“Hey, Elle. Nakakailan ka na? Hinay hinay lang.” – Ria

“Oo nga. Gayahin mo ang babe ko, three shots lang. Pinagbabawalan ko eh.” Sabi ni Elvin sabay kindat.

“Wala pa rin si Pierre ah.” Sabi ni Darren. Tinext ko naman siya na batiin man lang si Faye kung sakaling wala na siyang planong pumunta. Loko talaga yun kahit kailan.

“Tss. Hayaan niyo na nga yun. Palaging yung mestisang bangus ang inaatupag nun eh.” Sabi ni Ria sabay taas ng kilay.

“Bawal badtrip ngayon, mga teh! It’s my birthday, let’s have more fun!” sabi ni Faye na halatang marami-rami na ring nainom.

“Spin the bottle, girls?” sabi ni Darren sabay taas ng isang bote ng beer.

“Sure.”

Unang tumapat kay Faye.  Ang lumabas sa random dare app ng phone niya ay “dance with a random stranger”. At dahil medyo high na rin naman si Faye ay dire-diretso siyang lumapit sa gitarista nung banda at sumayaw. She was sort of dirty dancing at nagtatawanan lang kami. Kawawa naman yung gitarista. Parang naaw-awkwardan siya. Hahaha!

When it was Darren’s turn, he had to kiss the first girl to look him in the eyes. Pumunta agad siya sa dance floor at mukhang nakahanap na ng hahalikan. Grabe naman ang ginawa niya dahil parang French kiss pa yun. Bumalik siya sa table namin at hanggang tenga ang ngiti niya. Freshman pa talaga ha? Tsk, Darren talaga.

“Kapag kay Ria o sa akin natapat ang ganyang tipong dare, papalitan ah. Possessive ako eh.” Sabi ni Elvin at napansin kong namula naman si Ria kahit madilim dito. Elvin really knows how to make Ria blush, haha! 

A few more rounds at sa akin na tumapat. “Dare.” Sabi ko, at napalunok naman ako. Napahamak nga pala ako sa huling dare na ginawa ko.

“Call the first person in your inbox and talk to him/her as if he/she was your gf/bf.” Sabi ni Faye sabay pakita sa’kin nung phone niya. Napaisip tuloy ako. Si Arthur yata ang huling nagtext sa’kin. Mawi-weirdohan yun kapag ginawa ko na sa kanya yung dare.

“So, sino ang unang tao sa inbox mo?” tanong ni Elvin.

Kinuha ko naman ang phone ko sa bulsa ko. And to my surprise, nag-reply pala si Pierre sa text ko kanina! OMG! Sa kanya ko gagawin ang dare? O.o

“Uyyyy, si Pierre pa talaga ah!” Nagtawanan naman sila Elvin at Darren.

Pag minamalas ka nga naman.

“C’mon, do it na!” sabi ni Faye na parang atat na atat na.

I dialled Pierre’s number. Geez, ang tagal naman sagutin! “Hindi sinasagot eh.” Sabi ko. Next person na lang, please?

“Tawagan mo ulit, baka sagutin na.” Sabi ng nakangising si Elvin.

Lumunok ako. Really! Sana hindi ko ikapahamak ‘to! Sabi pa ni Darren, “Sabihin mo ‘Hey, honey. I miss you.’ Basta something like that.”

Mean Girl meets Bad BoyWhere stories live. Discover now