Chapter 5

88 4 0
                                    

~|5|~

*Pierre's POV* 

Maaga akong pumasok ngayon, hindi dahil sinipag ako, pero dahil makikipagkopyahan ako ng sagot sa assignment. Ang galing ko no? Hahaha.

Anyway, lunes ngayon at may flag ceremony na naman pagdating ng 6:45. Balita ko, ngayon daw magpapakilala yung mga tatakbo para sa student council. Nakakatamad 'di ba? As if naman interesado ako sa mga ganitong bagay. Tch.

"Oh, Elle, okay ka lang ba?" bungad ni Ria nung pumasok si Elle at nagdire-diretso papunta sa upuan niya.

"Yes, I am. Don't worry." she said and displayed a weak smile. Umub-ob naman siya sa desk niya.

"Sure ka? You don't look okay to me." worried na sabi ni Ria.

"Believe me, okay lang talaga 'ko." she said, still not looking to Ria.

"Dahil ba 'to sa nangyari last friday?"

Nung narinig ko yun, naisip ko...

Ano bang nangyari nung friday?

Dahil ba hinarang ko siya? May hindi rin ba siya inabutan tulad ko nung kinuha niya yung wallet ko?

Eh di dapat nagalit siya at sinaktan niya ko nung hinarang ko uli siya 'di ba?

Naguguluhan na 'ko. -__-

Nagulat na lang ako nang makita ko na nasa harap ko na pala siya.

"Oh, wallet mo. Sorry, and thank you." she smiled tapos umalis na siya.

Lumapit naman sa'kin si Faye. "Teka, may hindi ba 'ko nalalaman?"

"H-ha? Anong sinasabi mo?"

"Uyy, nags-stammer! May hindi kayo sinasabi no?" sabi niya habang tinutusok-tusok ang left arm ko.

"Kung sa tingin mo meron, dun mo itanong sa best friend mo wag sa'kin." sabi ko na lang sabay labas ng room dahil malapit na magsimula ang flag ceremony.

"Ang sama ng ugali nito!" narinig kong sigaw niya bago pa 'ko tuluyang makalayo.

Pagdating ko sa covered court, marami nang tao. Sabagay, halos 6:45 na rin naman.

Sandali lang at natapos na rin ang flag ceremony.

Nakita kong umakyat ang ilang studyante sa stage kasama na yung AJ.

"Good morning everyone! I'd like to introduce to you the members of our party." sabi nung isang lalaki na mukhang nerd.

Inabot naman niya kay AJ yung mic. "Good morning, fellow future engineers! I'm Arvin Jace Marquez, running for President of the Student COuncil. Sana iboto niyo ako." Blah blah blah.

"Hey, everybody! It's me, Kazelle Cristobal, the former vice president of the student council. Sana suportahan niyo uli ako ngayon."

Oo nga pala, nabanggit na niya sa'kin na tatakbo silang dalawa nung AJ para sa student council.

*****

Monday na naman, another day to make a prank on Elle.

Hindi siya nagrerespond o gumaganti sa mga pranks ko lately. Hindi ko alam kung bakit.

Ngayon nga pala magbobotohan para sa student council. Malamang busy na naman yun.

Ohhhhhhhhhhhhhhh. Parang alam ko na...

She's not responding to my pranks para sa reputasyon niya! Maybe she's thinking na makakaapekto sa botohan kapag gumanti siya sa'kin.

That's it! Now I get it.

Mean Girl meets Bad BoyWhere stories live. Discover now