Chapter 4: Savior

Magsimula sa umpisa
                                    

Napailing na  lang ako.

Naglalakad sila papunta saamin. Naka shades pa sila tapos nakapamulsa. ang gulo ng buhok parang bagong gising tapos naka unbotton yung Polo nila.tapos naka V-neck silang T-shirt. Nagpapacute din sila sa mga babaeng nagtitilian. Yung totoo papasok ba sila o magpophotoshoot?.  Kaloka tong mga toh .buti nalang wala si korina dito umalis kasi sila kanina ni Jeremy dahil may meeting sila, kung andito lang si Korina pinaghahampas niya natoh .ang sungit pa naman nun pagdating sa rules ng school.

Pumasok nalang ako sa room.sumunod naman si Nicky na bored na bored yung mukha siguro nagsasawa na siya sa mukha ng pinsan niya. Gusto ko sanang tanungin si Nicky kung anong kailangam niya saakin kaso bumalik na siya sa upuan niya.

Mayamaya pa pumasok na rin sila Zayne at umupo na sa pwesto nila. Hindi ko na lang sila pinansin baka pagtripan na naman nila ako. Simula kasi nung Deal namin ni Zach hindi  ko  na sila pinansin. Dumating na din si Mr. Dela Cruz ang Science teacher namin kaya nakinig na lang ako sa mga pinagsasabi niya.

--------------------------



"SLAVEEEEEEEEE!!!!!!!!!!! "

Bakit ba puro sigawan ang nangyayari ngayung araw?. Halos mabingi na ako sa sigaw nila Athena at Troy ng ikwento ko sa kanila ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Section B kasi silang dalawa kaya minsan lang kami magkaroon ng time para magbonding.

Andito kami ngayun sa canteen. Nakaupo si Athena sa tabi ni Troy ako naman sa tapat nila.

"Pwede bang wag kayong sumigaw" sabi ko sa kanila na hanggang ngayun gulat na gulat parin.

"Ikaw naman kasi eh, binigla mo kami " sabi ni Athena. Natawa n lang ako. Ang Ang OA niya talaga

"So, wala pang sinasabi si Zach kung kailan umpisa ng Dare" Troy asked. Tumango na lang ako. Kailan nga ba?.

"Ang sama talaga ng Zach na yan" sabi ni Athena. Oo nga kainis siya.

Magsasalita pa sana si Troy ng may biglang dumating na maganda at sexy na Babae. Lumapit siya Kay Troy sabay haplos sa pisngi ni Troy.

" Hi babe" wika nung magandang babae. Teka lang.... Familiar siya saakin.... Saan ko ba siya nakita?.
Isip. Isip. Isip. At Ting! Oo tama siya nga yun. si SARAH LICUDAN classmate ko nung 2nd year .siya din ang President ng Art club.

"Hello babe" sabi ni Troy. Sabay kindat. Tsk .playboy talaga tong loko na toh. Biglang tumayo si Troy tapos tumingin saamin na kanina pa masama ang tingin sa kaniya.

"Guys, sama lang ako sa kaniya ha" paalam ni Troy. Tumango na lang kami tapos inirapan siya. Umalis na silang dalawa. Hayy!  Hindi ko lubos maisip kung bakit namin siya naging bestfriend. Napaka playboy niya kainis lang.

"Order na tayo Coleen" sabi ni athena. Oo nga pala kanina pa kami andito pero hindi pa kami nakaka order. Sinabi ko Kay athena na ako na ang o-order. Tumayo na ako tapos pumunta na sa counter.

"Excuse me po " sabi ko. Ang dami kasing estudyanteng nagkakagulo sa canteen. Yung iba nagtutulakan pa yung iba naman nagsisikuhan. Akala ko ba mayayaman sila bakit gutom na gutom yata tung mga toh?. Well, I can't blame them 30 minutes lang ang breaktime kaya wala ng time para lumabas ng school.

"Aray! " sigaw ko. May tumapak kasi sa paa ko. Ughh ang sakit kaya tapos Pawis na pawis na ako ang init kasi .pinaypayan ko na lang yung sarili ko gamit yung kamay ko.

"Arayyy!! " sigaw ko ulit ng may umapak ulit sa paa ko. Grabe yung heels ni ate ang sakeeet.

" TABI!!! " rinig kung sigaw

Biglang nanahimik yung canteen na nagmistulang palengke kanina dahil sa ingay ng mga estudyante. Nakakalanghap na rin ako ng hangin dahil pumunta lahat ng estudyante sa gilid. Whooooo nakahinga ako ng maayos. Tiningnan ko ang paligid lahat sila nakatingin saakin ngayun ko lang napagtanto na ako na lang pala mag-isa sa gitna. Tapos tumingin ako sa harap ko nakita ko sila.... MY GOODNESS...

Zach

Zayne

At

Tristan

Nakatingin sila saakin

Huhuhu nakakatakot .

Kaya pala biglang tumahimik yung canteen....... Andito pala ang tatlong hari.

Nakatingin parin ako sa kanila ng maramdaman kung may humawak sa braso ko. Tiningnan ko kung sino yun......  Si Jeremy .hihilain niya na sana ako ng biglang nagsalita si Zach.

"Don't touch her " sabi niya. Pero hindi parin ako binibitawan ni Jeremy. Naramdaman kung may humawak sa kabilang braso ko at hinigit ako kaya nabitawan ako ni Jeremy.

Anong Problema ni Zach? Bakit galit na galit na naman.

"I said Don't touch her !" sabi ni Zach .mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya saakin

"I'm sorry " sabi ni Jeremy ng na kayuko.bakas sa kaniya ang takot. Ikaw b naman sitahin ng apo ng may ari ng academy hindi ka matatakot.

Bakit siya nag so -sorry eh wala man siyang ginawa?.

"Wag ka saakin mag sorry sa kaniya " sabi ni zach sabay turo saakin.

Wala namang ginawa si Jeremy ah. Problema ba nito ni Zach?.

"I'm sorry  Coleen" sabi ni Jeremy. Sinabi niya din saakin na ginawa niya lang yun dahil nakaharang ako sa daan ng 3kings .naalala ko na naman yung First day.

"It's o----" hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng biglang sumigaw si Korina. Oh-oh..... Lagot! 

"What's happening here!!!! " she exclaimed. Naku po!!!  Nagiging dragon na naman si Ms. President.baka mamaya masunog na kami dito. Dahil kapag ginalit mo siya isa lang ang lalabas sa bibig mo 'Lagot'. Agad na nagsitakbuhan yung mga estudyante .see? at okay kami na lang anim ang natira. Zayne, Zach, Tristan, ako, Jeremy, and korina.

" korina" sabi ni Zach na nakahawak padin sa braso ko.

" Yes, Mr. Scott" sagot ni korina. Nakataas pa yung kilay nito grabe nakakatakot siyang magalit. Katakot. Magsasalita sana si Zayne na nakatayo sa tabi ko habang nasa tabi naman ni Zach si Tristan ng lapitan na ni Jeremy si korina para ipaliwanag yung mga nangyari.

"Let's go " sabi ni Zach. Sumunod naman saamin yung dalawa.

Kinaladkad ako ni Zach papunta  Kay Athena na hanggang ngayun gulat na gulat parin yung itsura.magpapasalamat pa sana ako kahit hindi naman dapat ng makaalis na silang tatlo. Umupo na lang ako at tiningnan si Athena na abot langit na ngayon  ang ngiti problema nito.

"Ayieeeeeeee,  pumapag-ibig ka na ha. kinikilig tuloy ako " she said.

I rolled my eyes. tsk.

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon