"Akin na yan " sabi ko habang pilit inaabot yung libro.

"Ayoko nga! " sabi niya.

"Akin na kasi yan " -ako

"Abutin mo "-zach

"Akin na sabi eh"-ako

"Abutin mo muna"-zach

"Ano ba Zach, akin na yan "-ako

"Kunin mo kaya"-zach

"Hindi ko kaya abot! "-ako

"Pandak! "-zach

"Ibibigay mo ba o hindi? "-ako

"Hindi! "-zach

Tiningnan ko lang siya ng masama. Kainis lang. Ano namang gagawin niya sa libro ko?. Iniinis lang talaga ako nito eh. Inayos ko na lang yung salamin ko tapos hindi ko na siya pinansin.

"Sayo na yan! saksak mo sa baga mo"-ako

Hindi ko na lang siya pinansin. Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. Hinayaan ko na lang yung libro ko sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya!!. Pwede naman akong bumili ng bagong libro sa biology .available naman yan dito sa academy.

Umupo na rin siya sa tapat ko. Late din pala ang loko. Tapos ang gulo ng buhok akala mo bagong gising.Tiningnan ko lang siya ng masama ng may bigla akong naalala. Yung Dare ano kayang klaseng Dare yun? Ito na siguro ang right time to ask him about dun.

"Zach"

"What?! " irita niyang sabi.itatanong ko lang sana kung araw araw ka ba nireregla.lagi ka kasing galit. Gusto ko talaga yan itanong sa kaniya pero natatakot ako baka baragin niya ng tuluyan yung mukha ko.

"Itatanong ko lang kung ano yung sinasabi niyong DARE" sabi ko habang nakatingin parin sa kaniya.

Tumingin muna siya saakin bago nagsalita "yun ba "  sabi niya. Tumango lang ako tapos nagsalita siya ulit. "para mapagbayaran mo yung ginawa mo naisipan ko na gawin kang-----" pinutol niya yung sasabihin niya. Ngumiti siya ng nakakaloko bago nagpatuloy .may pabitin effect pa itong lokong to eh.



"Be my Slave "

Ah yun lang pala yung sasabihin niya eh Be m-------WHATTT????

Slave.......... ?

"WHATT!!!! "

. Seryoso ba siya?.

"For 1month" dugtong niya

"WHAT??!!! "

Puro 'what' na lang nasasabi ko. Gulat na gulat parin ako .tapos siya hindi maalis yung ngiti. Nakakainis lang.

"Deal? " sabi niya. Hindi parin maalis yung ngiti niya. Kakairita.

"NO! "sabi ko. Hindi ako papayag isang buwan?. Hindi ko kaya yun lalo na sa katulad niyang mapanakit at napakasama ng ugali.

I saw him smirking

"Kapag hindi ka pumayag, ngayun palang magpaalam kana sa mga kaibigan mo kasi papaalisin na kita dito sa academy at sisiguraduhin ko na wala kang malilipatang paaralan"

*Tulala*

*nganga*

Sa madaling salita kapag hindi ako pumayag hindi na ako makakapag-aral. Nasabi ko ba sainyo na si Zach ang apo ng may ari ng academy. Si Mrs. Emma Rufflin. Kaya alam kung kaya niya itong gawin ano mang oras.

Hindi parin ako makapagsalita. Feeling ko wala akong choice. Kahit na tumangi ako duon parin ang punta ko. Pero paano ako?. Mas malaki yung atraso nila saakin hindi ba nila Alam yun. Unfair!.

"Paano pag pumayag ako?" Wala sa sarili kong tanong.

Nakatingin parin siya saakin. Pero yung ngiti niyang nakakainis ay biglang naglaho. Biglang sumeryoso yung mukha niya.

"Kapag pumayag ka walang sinuman ang pwedeng manakit sayo sa loob man o sa labas ng academy. Mananatili ka sa Academy. Magiging tahimik at wala ng mangugulo sayo sa loob ng isang buwan, maliban saamin. Pero bilang kapalit utos ko sunod mo" paliwanag ni Zach.

Totoo?. Talaga ba?. Walang mambubully ., walang mananakit.walang manlalait.

1month tahimik buhay ko. Si Zach na lang proproblemahin ko. Yipeee. Kahit anong utos niya gagawin ko basta tuparin niya lang yung pangako niya.

Yung wish ko natupad na. Kahit Dare lang okay lang. Kahit hindi forever okay lang. Kahit 1month lang okay lang. Santa salamat. Ang aga ng pamasko mo saakin. Yeheyyy.

"Deal? " sabi ni Zach.

Tumayo ako at nagtatatalon sa Tuwa. Nilapitan ko si Zach tapos pinisil yung mukha niya. Ewan ko ba kung bakit ako naging ganito. Nakakunot noong tumingin si zach saakin. Hawak hawak ko pa din pisngi niya. Nawewierduhan siguro siya saakin.

"DEAL" I answered .hawak hawak ko pa din pisngi niya.

Nakatunganga parin siya. Hindi siguro makapaniwala sa naging Reaksyon ko. Well, I can't blame him Malay niya ba sa wish ko. Hindi niya alam na natupad niya yun.

"Hoy !,bitawan mo na nga ako"sabi niya. Agad kung binitawan yung pisngi niya. Tiningnan ko siya .grabe ang sama na naman ng tingin niya. Namumula kasi yung pisngi niya. Sorry na lang siya hahaha. Bigla na lang tumunog yung bell. Sa wakas tapos na yung first subject. Lumabas na si Ms. Bernadette. Binati lang namin siya tapos nauna na akong pumunta sa pinto. Papasok na ako sa pinto ng bigla akong tinulak ni Zach. Nasubsob na naman ako. Pumunta na si Zach sa upuan niya at nakipag apir kanila Zayne at Tristan. Tapos ayun, pinagtawanan nila akong lahat.

Friday. First,  late ako. second my book. Third, The Deal and last napahiya na naman ako.

Ang saklap talaga. Hayyys!

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonWhere stories live. Discover now