"H-Hindi si Nathalie ang sumakal sa akin Tracy," nakayukong sabi ko sa kanya. Siguro naman may karapatan silang/siya malaman ang totoo dahil ng aalala sila/siya sa akin.


"What?! Sakal?!" gulat na sabi ni Tracy.


"Oo. Hinahanap ko kasi si Dwight. Tapos napapunta ako sa storage room. S-Sa storage room may mga drum ng dugo."


"D-Dugo? Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na 'yan, pero ang sabi ni Loki sa clinic ay dugo raw 'yon ng mga hayop. So kaya pala sinabi nong nurse sa clinic na hindi ka nakahinga ng maayos kaya ka nahimatay. Sino ang sumakal sa'yo?! Nakita mo ba?!" Tama nga ako, dugo nga lang 'yon ng mga hayop. Buti na lang at hindi niya tinanong kung bakit ko hinahanap nong time na 'yon si Dwight. Well, kahit nakarma na ako, kung karma nga 'yon, tuloy parin ang plano ko para mahanap ko na si Mommy at makatulong ako kay daddy.


Tumango-tango ako bago magpatuloy sa pagsasalita. "Bago ako mahimatay dahil sa hindi na talaga ako mahinga ng maayos ay nakita ko sya. Kitang kita ng dalawang mata ko na si... Ms. Santos ang sumakal sa akin sa loob ng storage room," deretsong sabi ko kay Tracy. Bakas ngayon sa mukha ni Tracy ang pagkabigla, nanlalaki ang mata niya at napaawang din ang kaniyang labi. Kahit ako, hindi ko lubos maisip na si Ms. Santos ang gagawa ng ganung bagay sa akin.


"What?!--" Hindi na naituloy ni Tracy ang sasabihin niya dahil biglang may nagsalita sa may pintuan.


"What the fuck?!"


"D-Dwight," banggit ko sa pangalan nito. Hindi lang siya ang nasa pinto pati na din sila JD na gulat na gulat din sa nalaman katulad ni Tracy.


"I-Iyong teacher natin?" nabubulol na sabi ni Heart.


"So, tama nga kami na may nangyare kaya ka nahimatay. Pero si Ms. Santos? Grabe," nakasinghap na sabi ni Ace.


"Bakit niya naman ginawa 'yon?" nagtatakang tanong ni JD.


"Hanapin niyo si Ms. Santos," sabi ni Prince na may kausap sa cellphone nya.


"Good, Prince," nakangising sabi ni Dwight.


"A-Anong balak niyong gawin?" nagtatakang tanong ko.


"Tatanungin lang namin siya," nakangiting sagot ni Prince.


"Yeah, yeah, tss," cold na sabi naman ni Dwight.


"Tara. Punta tayong school, hanapin din natin," dagdag pa ni Prince.


"Sama kami. Lintik lang ang walang ganti este joke. Pero basta!" sabi ni Ace.


"Sasama kami ni Ace," simpleng sabi ni JD.


"Okay."


"Sasama kami nila Tracy at Heart," sabi ko kaya agad na napatingin sila sakin.


"No. Magpahinga ka. Tracy at Heart alagaan niyo 'yan," sersyosong sabi ni Dwight.


"Tama si Dwight," segunda pa ni Prince. Napatingin ako sa iba at lahat sila ay tumango kaya napabuntong hininga na lang ako ang dami nila at isa lang ako haist, talo ako syempre.


"Okay. Basta, guys, 'wag kayong magpadalos-dalos. Baka may dahilan kung bakit 'yon ginawa ni Ms. Santos," seryosong kong sabi sa kanila at tumango naman sila bago lumabas.


"Bye, guys! Ingat!" pahabol nila Tracy at Heart. Sabi ko kanina, ako ang kakausap kay Ms. Santos pero ano pa bang magagawa ko? Alam na nila.Sana lang ay wala silang gawing masama na mas magpapagulo pa sa mga nangyayare ngayon.


"Tara, Jean! Kain tayo sa baba. Magluluto si Tracy!" masayang sabi ni Heart na halatang pinapagaan lang ang aura ng paligid. Tumango lang ako at tumayo na sa kama, ganon din ang ginawa nilang dalawa.


"PG mo talaga! Ako pa paglulutuin mo!" nakangusong sabi ni Tracy.


"Asus! Magaling ka namang magluto diba, diba!? Gutom na pati talaga ako!" sabi ni Heart.


"Kainin kaya kita?!" pagsusingit ni Tracy pero halatang natatawa.


"Hoy, Jean oh!" sumbong ni Heart. Natatawa na napapailing na lang ako sa kanilang dalawa haha ang kulit nila. Habang pababa na kami ay may biglang pumasok sa isip ko.


Saka ko lang naisip na... narinig kaya nilang lahat iyong pinagusapan namin ni Tracy kasama 'yong tungkol kay Nathalie? O ang narinig lang nila ay 'yong sa part na sinabi ko na si Ms. Santos ang may gawa ng nangyare sa akin kahapon.


Pagpasok ko ay kakausapin ko rin si Nathalie. May importante akong itatanong sa kaniya.


Sa ngayon, sana... Maging okay lang ang lahat.

A Bloody Mess (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt