Hindi ko na kaya. Tutulo na talaga ang mga luha ko kaya tumakbo na ako paakyat ng kwarto. Masyado ng masakit. Masyado ng masakit yung kanta. Hindi ko alam.

Binuksan ko na ang pinto at umupo sa kama. At tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Ang mga luha kanina ko pa pinipigilan lumabas. Bakit ba ang sakit sakit? Bakit ang hirap? Bakit ganito?

“Kath..” Hindi ko na kailangan tingnan dahil alam ko na kung sino ang pumasok.

“Bakit ka nandito? Bumaba ka na dun.” Sabi ko dito. Pero hindi siya umalis at sinara nya ang pintuan.

“Pero hindi kita pwede iwan”

 

“Sabi ko bumaba ka na!” Sabi ko dito. At mukhang napalakas na ang boses ko.

“Hindi pwede dahil hindi ka okey” Sabi nito at this time tumayo ako. At kinuha ang pwede ibato sa kanya.

“Bullsh*t  Daniel! Hindi talaga okey! At hindi ako magiging okey! Daniel ang sakit sakit! Mahal na mahal lang naman kita eh pero bakit ganito? Bakit para ako sinasaksak ng literal sa puso? Daniel. Gusto gusto ko ng mag move on. Gusto gusto ko ng maging Masaya. Napapagod na ako umiyak. Napapagod na ako” Sabi ko dito habang umiiyak at nakatayo malayo sa kanya. Then a minute of silence

“Hindi ko alam ang mga salita pwede ko sabihin. Kath nakakagago isipin pero simula ng makita kita umiyak? There’s a part of me na nasasaktan din at hindi ko alam kung bakit.”

 

“Naguguluhan ka? So you’re asking me to wait for you?”

 

“Oo. Ewan ko pero para natatakot ako mawala ka sakin Kath” Sabi nito. Kaya hindi ko na kaya at lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa labas. Nakita ko nakatingin sakin sila Ayara at Gab. Pero hindi ko sila pinansin. At lumabas ako ng bahay.

Naglakad lang ako dito sa hacienda namin. Madilim na din at tanging hikbi ng pag iyak ko na lang ang naririnig ko. Pagod na pagod na ako umiyak. Ayoko na kelan ba matatapos ang paghihirap ko? Nagmahal lang naman ako ah. Pero ganito pa ang balik sakin.

“Dj bumalik ka na *sobs* miss na miss ko na ang lalaki sobra ako mahal. *sobs* Dj” Sabi ko sarili ko habang umiiyak. Bakit kasi kailangan pa nya magka amnesia. Bakit kailangan mahirapan ako ng ganito? Anytime para mapapaluhod na lang ako. Dahil hindi ko na kaya.

Daniel’s Pov

Bakit ba lagi ko napapaiyak si Kath? Bakit ba lagi ko siya nasasaktan? Nagagalit ako sa sarili ko dahil paulit ulit ko na lang sa kanya ginagawa yun. Paulit paulit ko siya sinasaktan ng hindi ko man lang namamalayan.

Hiniling ko pa hinatayin ako. Para ano? Para may assurance ako na hindi nya ako iiwan? Ganon ba? Hindi ko alam. Hindi ko na alam.

Gusto gusto ko siyang yakapin kanina at punasan ang mga luha nya. Pero alam ko wala ako karapatan at alam ko itataboy nya lang ako. Kaya hindi ko ginawa.

Hasty Decision (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant