Tumango ako. "It's okay." Inabot ko sa kanya ang kontrata na napirmahan ko. I've read a copy of this contract before I went here in Philippines. "Is that all?"

"Ipapakilala kita sa mga makakatrabaho mo bukod sa akin. Are you ready?"

"Always," ngisi ko.

Tumango siya kaya tumayo na rin ako. Inabot niya ang kamay niya sa akin.

"Welcome to Diane's Model," ngiti niya.

I reached for his hand and firmly shake it. I didn't smile back. Pagbitaw niya ng kamay namin ay nagpunas siya ng pawis niya. Malakas ang aircon kaya nagtataka ako bakit siya pinagpapawisan.

"You look so creepy when you smirked. I hate it," bulong niya.

Natawa ako nang mahina sa sinabi niya. Sinamahan niya ako kung saan pupunta para ipakilala sa makakatrabaho ko. Sinasabi niya rin sa akin kung ano ang mga kwarto na nadadaanan namin.

"Gusto mo bang sumilip sa shoot sa baba?" tanong niya.

Tumango ako.

"Sure. I wanna see if they can do better than me."

"We'll see. Ikaw na ang mahangin ngayon ah," sabi niya.

Nagkibit-balikat ako. Pumasok na kami ng elevator para bumaba sa second floor. Nang lumabas kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao at ang iba ay binabati siya. I walked next to him.

"Hindi ko pa pala nasasabi. Gumanda ka pa lalo."

Nakita kong lumingon siya sa akin pero diretso lang ang tingin ko sa daanan.

"I know. Magiging model ba ako kung hindi?"

Narinig ko ang pagtawa niya nang mahina. Maya-maya habang palapit kami sa isang pintuan lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Napahinto ako sa paglalakad kaya't napahinto rin siya.

"Why?"

"Don't tell me na may monster diyan sa loob?" sabi ko.

Tumawa lang siya nang mahina. Hindi biro ang kaba ko na kahapon ko lang naramdaman. Wala naman siguro siya dito? Imposibleng magkasama sila sa iisang trabaho? Shit.

"Meron," sagot niya at nagpatuloy sa paglalakad. "Kissing Monster."

Napahinto ako sa paglalakad at gulat na tumingin sa kanya.

"What?"

Kumunot ang noo ko nang magsimula siyang tumawa. Inapakan ko ang paa niya at napaaray siya sa sakit. Ang takong ko ang pinangtapak ko. Tinaas niya ang kanang paa niya na tinapakan ko at umaray nang umaray.

"I was kidding! Ang sakit!"

Binilisan kong maglakad hanggang sa narating ko ang harapan ng pinto. Nilingon ko siya pero ika-ikaw siyang naglalakad.

"Here?"

Tumango siya at ngumiti.

"Don't come in yet! May kissing monster diyan. Baka halikan ka!" tawa niya.

Umirap ako sa inis at binuksan ang pinto.

And I wish I didn't.

Lahat ng atensyon ay nasa akin. Well, sanay na ako sa atensyon dahil model ako pero kahit kailan ay hindi ako nasanay sa atensyon niya. Napaatras ako ng kaunti nang makita kong nakatingin siya sa akin.

Ang pesteng puso ko ay gusto nang lumabas sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok.

Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. I pulled my famous smirk and looked at them. Nakita kong nag-iwas ng tingin ang iba sa akin. Taas-noo ko silang tinignan.

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon