Papaakyat na sana ako pabalik ng kwarto ng makaramdam ako ng sakit ng tyan.

"Gutom lang toh." Sabi ko sa sarili at pumunta sa kusina.Wala si Mama ngayon dahil inaasikaso niya ang mga papeles na kailangan para sa pagpapatayo ng bagong branch ng restaurant namin habang si Papa ay abala sa papeles na kailangan naman pirmahan para sa new investments ng new investors.

Hindi naman ako nagtatampo sa mga magulang ko.Alam ko naman ang dahilan kung bakit nila ginagawa yun,tsaka,they always find time to have a family time with me.

Naghanap ako ng puwedeng kainin sa ref at ininit ito sa microwave oven.Wala pang isang minuto ay pinatay  ko na ito at kumuha ng kanin ko sa kaldero.Kanina lang toh sinaing kaya mainit-init pa.

~~~~

"Haaayyss!" Buntong-hininga ko habang nakahiga dito sa kama at hawak-hawak ang puson ko.

"Dear Tyan,Ano bang nangyayari sa iyo?!" Naasar na sabi ko sa sarili.

Kumain at tumae na ako lahat-lahat,no effect pa din!Lintek!

Kahit nahihirapan ay umalis ako ng kama at pumunta sa bookshelf kung saan nakalagay ang medicine kit ko.Sa sobrang sakit na ng tyan ko ay halos gumapang na ako papunta dun.

Nang makuha ko na ay hinanap ko na ang pampahid sa tyan ko. Hindi ko alam ang tawag dun, white flower ata or something?Nakalimutan ko na. -_-

After 1 hour...

"Waaaaaahhhhhhh!!"

Ayan na,ngumawa na ko sa sobrang waepek ng lahat ng sinubukan ko para mawala ang sakit ng tyan ko.Inubos ko na nga ata ang laman ng ref at tinae na ang lahat ng puwedeng ilabas pero wala talaga.

"Nak?"

Hay salamat!Dumating na si Mama.

"Ma!Bukas po yan!" Sigaw ko.

"Ma!Ang sakit ng tyan ko!" Sumbong ko na akala mo ay inagawan mg candy.

"Saan banda?" Tanong ni Mama at tinuro ko naman ang puson ko.

I kennat teyk dis enimor!

"Wait for me,bibili lang ako ng gamot." Sabi ni Mama at lumabas na ng kwarto.Sana lang at hindi mapait na gamot ang bilhin niya.Ayoko pa naman ang lasa ng mga gamot.

Ilang minuto din akong nagtiis sa sakit ng puson ko ng makabalik si Mama na may dalamg gamot isang baso ng tubig at pagkain. Alas-otso na din pala ng Gabi.

"Kumain ka muna tapos ay inumin mo 'tong gamot at matulog ka na pagkatapos para maibsan yung sakit ng t'yan mo." Hinalikan ako ni Mama sa noo."Iwan mo nalang d'yan sa table yang pagkain mo at kukunin ko nalang."Sabi ni Mama at lumabas na.

Gaya ng sabi ni Mama ay kumain na ako at ininom ang gamot tsaka natulog.

~~~~

On the way papuntang school ay halos hindi na ako lumakad sa sobrang uncomfortable ko.

Arghh!Magta-tricycle naman talaga ako pero kapag minamalas ka mga naman,wala ni isang tricycle!Nyeta!

"Argghh!" Napasigaw nalang ako sa sobrang badtrip.

Gustoko sanang tumakbo kaso nga lang baka hindi classroom ang bagsak ko kundi clinic!Tsk!Kung kailan gusto kong umabsent tsaka naman siya nagpa-long test!Hindi kase uso sa kanya ang 'special quiz'.-_-

After a million years!Finally!Nakadating na ako sa classroom!

"Wala pa sina Drew?" Tanong ko kay Aimee na nagbabasa sa upuan niya.Bilamg lang ang tap dito sa room pero halos lahat ng bag ay andito na.

"Nasa Ground sila,may announcement na sasabihin."

Napatango nalang ako at dumiretso sa upuan ko.Hindi na ako pupunta sa baba.

Lei's POV

"Wala si Kylie?" Yan ang tanong agad ni Xiz ng makita namin sila Juliana dito sa Ground.Nagtipon-tipon dito lahat mg students sahil may announcement na sasabihin.

"Wala eh.Tsaka,maya-maya nandito na yun." Paliwanag ni Drew.

Tinry kong hanapin sa mata ni Xiz kung may feelings siyang naramdaman like pagkadismaya or lungkot pero wala akong nakita.

"Ikaw kuya Xiz ha!" Panunukso ni Sam.

"Oo nga,hinahanap si Kylie!Ayiie!" Sabi ni Angel.

Tinry ko ulit kung may makikita kong simething sa mata ni Xiz kaso.Taena,manhid naman nito. -_-

Tumawa lang siya.Yung tawa na parang bata lang yung kausap.Psh,1 taon lang agwat nila sa'yo!

Yeah,13 palang si Xiz,maaga siyang nag-aral tsaka,nag-accelerate yan kaya napunta sa Grade 8 na dapat ay Grade 7 palang.

"Hahaha!Hindi,nasanay lang akong makita na lagi kayong magkakasama."

~~~~

Dumating ang recess at still,wala pa ding Kylie kaming nakita.

"Hindi siya pumasok?" Tanong na naman ni Xiz ng makita niya sila Drew.Umupo naman ako sa tabi ni Yesha.

Umiling sila Drew pero hindi gaya kanina,halatang may tinatago.Grabe ang iling eh!Halatang defensive.

"Asan si Kylie?" Bulong ko kay Yesha.

"Nasa taas,masakit ang tyan." Sabi niya.Sabi ko na nga ba.

"Parang ngayon lang ata sya um-absent." Sabi ni Xiz.Psh,pasimple pa toh eh.Miss siguro si Kylie."Bili lang ako."

"Mukhang hindi gumana yung plano." Dismayadong sabi ni Drew.

"Ano bang plano?" Tanong ko.

"Akala namin,kapag sinabi namin na wala si Kylie.Mamimiss niya.Kaso,waepek." Paliwanag ni Elle.Kaya pala.

End of Chapter 16

A/n:2 years later na sa Next Chapter. :)

Sino palang may alam na gumagawa ng book cover?Kung meron man pwedeng paggawa?I-send niyo nalang sa akin.Salamat in Advance. :)

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now