HC15:Chocolates and Flowers

Start from the beginning
                                    

"Shh!Hinaan mo boses mo yesha baka madinig ka!" Natatawang saway ko kay Yesha.Mabuti nalang at hindi nadinig nung couple.

Pagdating sa canteen ay nagkanya-kanya na kaming bili ng makakain pero ni isang biscuit o junk food wala kaming makita kundi mga chocolates!Kaloka!

"Gusto ba nila tayo magkadiebetes!Nakaka-bitter lalo ah!"Inis na sabi ni Angel.Buti nalang at kahit papaano ay may tubig na tinda.

"Ate Lei!" Nagulat naman ako sa biglang pagsigaw ni Sam. Pagtingin ko sa tinuro niya ay nakita ko si Ate Lei agad nan akong napa-ayos ng upo pero ng makita ko na siya lang bumalik ako sa pagiging matamlay.Hindi si Xiz yung ine-expect ko ah!Hindi ako defensive!Matamlay lang talaga ako kasi walang pagkain,yun yon!

"Hi!" Kaway niya.

"Ate may pagkain ka ba d'yan?Penge nga kami." Kapal talaga ng mukha nitong si Juliana.

"Bibigyan ko sana kayo kaso baka maumay na kayo sa chocolate." Sabi niya at inilabas ang isang kahon ng ferrero roche.Yaman!

"Nice!Sino yan ha!" Panunukso ni Angel.

"Just a special friend of mine,si Xander." Bulong niya sa dulo.

"Yiieee!" Pang-aasar ni Sam at Drew.

"Mabuti ka pa ate meron,eh kami,eto..Nganga!" Nakasimangot na sagot ko.

"Speaking!" Napalingon naman kami sa tinuturo ni Elle."Nandyan na siya!"

Putek!Sino yun?Si Xiz lang naman at sa tingin ko ay dadaan siya dito at may dala siyang chocolates at flowers.

Ayoko sanang umasa pero,Pusha!Dito talaga daan niya eh!

Nakangiti ko siyang sinudan ng tingin,kinikilig.Pero kagaya kanina ay agad din iyong nawala ng lagpasan niya ang table namin at dumiretso sa table nila Trina na katabi lang ng table namin.

"Para sayo,Trina." Yung sinabi niya,yun yung ine-expect ko na sasabihin niya kanina sa akin nung umasa ako na sa akin yung chocolate at flowers.Ibahin lang yung pangalan sa dulo.

Nakangting tinanggap iyon ni Trina at isinama sa isang katerbang bulaklak na ibinigay din kanina ng mga admirers niya.Nahuhulog pa sa kamay niya yung ibang bulaklak at chocolates dahil sa sobrang dami.Napa-buntong hininga nalang ako.

"Okay lang yan." Nakangiting sabi ni Ate Lei.Nginitian ko na lang siya pero hindi ko maiwasang bigyan siya ng pekeng ngiti.

"Okay lang yan bes,crush niya lang naman siguro." Sabi ni Drew.May sasabihin pa sana sila ng makitang papadating si Xiz.Kumaway ito sa amin.

"Crush mo pala si Trina,hindi mo sinasabi sa amin!" Pang-aasar ko.Trying to lessen the sad atmosphere.

Napakamot nalang siya sa batok,halatang kinikilig.

"So totoo nga,yiee!" Pang-aasar ni Sam sa kanya.Napatawa nalang siya,halatang kinikilig pa din. Gusto ko sanang kiligin din pero naalala kong hindi pala ako yun,si Trina.Hindi ko maiwasang bumalik sa pagiging bitter. Wengya!

Pagkatapos magsalita ni Sam ay naging awkward na ang sad atmosphere kanina.Wala nang nagsasalita.Napatigil naman si Xiz.

"A-ang tahimik niyo ata."Walang balak umimik kaya ako nalang ang nagsalita.

"G-gutom lang kami.Akyat na kami,s-sige." Sabi ko at sinenyasan ang tropa na umalis na.

"Uwi nalang tayo." Sabi ni Angel habang papunta kami sa room.

"Oo nga,wala naman na tayong gagawin." Pagsang-ayon ni Juliana kaya pagdating sa room ay kinuha na namin ang kanya-kanyang bag at umalis na.

Habang naglalakad pauwi ay hindi ko maiwasan magbuntong-hininga.Hindi ko alam kung bakit wala akong gana ngayon. Binilisan ko nalang ang paglalakad para makapagpahinga.Pagod lang siguro toh.

~~~

Yung pagod na naramdaman ko kanina ay hindi pa din nawala kahit na nakahiga na ako ngayon sa kwarto ko.

Sa kalagitnaan ng pakikipagtitigan sa kisame ay biglang sumagi sa isip ko yung chocolate na dapat ay ibibigay ko sana sa kanya.Bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga at kinuha ang bag ko atsaka hinanap ang chocolate sa loob.

Pagkakita ko ay expected na tunaw na siya pero hindi naman masyado kaya binuksan ko yung kahon at simulang lantakan ang chocolate habang papunta sa terrace ng kwarto ko.Bigla kong naisip yung nangyari kanina.

Trina is far,far more better than me—i think.She's pretty,i admit it.Kagaya nga ng sabi ko nung isang araw ay wala sigurong lalaki sa buong school ang walang kahit kaunting feelings para sa kanya.

She's pretty and i'm..You know.Yeah,i'm a model.Pero hindi ibig sabihin nun ay dapat na lahat ng lalaki sa school ay magugustuhan ako.She's not perfect and i'm stating the fact.Parehas lang kami sa pagsayaw pero sa tingin ko ay mas magaling ako sa kanya.Hindi sa pagmamayabang pero yun ang tingin ko.I don't like being humble.

She's nice to everyone she met at alam ko iyon dahil isa na din ako sa mga taong nalapitan siya.At she's famous for that.She's approachable.Unlike me,i'm not good at hindi din ako bad. Kumbaga nasa gitna ng good at bad.Mailang din ako sa mga tao.

Pero she have this face na isang tinginan mo palang ay pwede ka nang mahumaling o mainlove sa kanya.Isa nga siya sa girl crush ko eh.And thinking the fact that she's better than me,it makes me feel hopeless.Bigla nalang may tumulong luha sa mata ko

Being sad is Enough,






But crying is too much.







End of Chapter 15

Napa-ingles ako ng wala sa oras,Kaloka😂😂

Click the star and comment your thoughts.Kamsahamnida~

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now