***


Nang makarating kami sa kotse ni JD ay may naalala ako bakit pati sila ay sasama?


"Uhm. Guys, diba may klase pa? Bakit pa kayo sumama?"


"Syempre para mabantayan ka!" nakangiting sabi ni Heart. How sweet of them--


"Sus! Ayaw mo lang pumasok sa next subject kasi tinatamad ka na naman!" sabi ni Ace.


"Hoy! Hindi, ah!"


"Nek-nek mo."


"Argh!" Nagbangayan na naman ang dalawang baraha. Natatawa ko na lang silang pinanood ang cute nila. Nasa likod namin sila at nakita kong nagkukurutan na sila. Si JD naman na nagdadrive ay napapailing na lang.


Pagkarating namin sa bahay ay hindi parin tapos 'yong dalawa.


"JA, magpahinga ka na sa kwarto mo. Pabayaan mo na lang 'yang dalawang 'yan."


"Pahinga ka na, Jean!" sabay na sabi ni Heart at Ace. Ang cute, sabay pa silang nagsalita.


"Hoy, ba't mo ako ginagaya?!" sabay na naman sila.


Tumango na lang ako sa kanila habang natatawa at pumunta na sa kwarto ko.Umupo ako sa kama.


Iyong panaginip ko... Pinapipili ako, pero ramdam kong parehas ko silang dapat piliin. Iyong gubat. Doon din 'yong lugar kung saan nakita ko si Dwight na dala-dala ng isang malaking aso sa panaginip ko. Nightmare.


Hindi na ako nagpalit pa ng damit. Humiga na agad ako sa kama. Habang nakapikit ay naramdaman kong may nakatitig sa akin. Pero hindi ko na lang iyong pinansin, baka napaparanoid lang ako.


Pero hindi pa ako nakakatulog nang maramdaman kong may lalapit sa akin kaya minulat ko ang mga mata ko. And, boom! Nandito si Dwight sa kwarto ko! Sisigaw na dapat ako kaso bigla niyang tinakpan yung bibig ko. Nanlaki naman ang mata ko.


Anong ginagawa niya rito?!


"Huwag kang maingay," bulong niya sa tenga ko, naramdaman kong nagtaasan 'yong balahibo sa batok ko. Wala sa sariling tumango ako, ngumiti naman siya saglit. Binitawan niya na naman 'yong bibig ko.


"Anong ginagawa mo rito?" seryosong tanong ko.


"Nahimatay ka raw kanina pati hindi ka pumasok sa next subject natin kaya... n-nag-alala ako," mahinang sabi niya pero rinig ko naman.


Naramadaman kong uminit 'yong mukha ko saka parang bumilis 'yong tibok ng puso ko. Gosh! May sakit yata ako kailangan ko na yatang magpacheck up.


"W-What?" nauutal kong tanong.


"Tss. Wala sabi ko, ang pangit mo." Sira-ulong bampira! Hindi ko napigilan ang sarili kong batukan siya.


"Aray!" sigaw niya. Napalakas yata. Agad siyang napahawak sa ulo niya habang hinihimas ito ay tiningnan niya ako ng masama dinilaan ko lang siya. Ewan ba pero parang hindi ako takot sa kaniya kahit bampira siya. Parang ang gaan na ng loob ko. Nang biglang may kumatok.


"JA, gising ka pa ba? Sino 'yang sumigaw?" Rinig kong tanong ni JD sa labas. Shit! Agad kong itinulak si Dwight papuntang bintana ng kwarto ko.


"Umalis ka na. Huwag kang mag-alala sa akin okay lang ako," ngumisi ako.


"N-Narinig mo?" Ang cute ni Dwight! Namumula iyong tenga!


"Go, baka makita pa tayo ni JD."


"Tss. Oo na. I hate that JD boy."


"Loko!" Bago siya mawala ng parang bula ay may ginawa muna siya at sinabi sa akin na sa tingin ko ay hinding hindi ko makakalimutan.


"You're my poison and I'm unfortunately addicted, baby."


"You're my poison and I'm unfortunately addicted, baby."


"You're my poison and I'm unfortunately addicted, baby."


Paulit-ulit na nag e-echo ang mga katagang 'yan sa utak ko. Para akong tanga na nakahawak sa pisngi ko na hinalikan ni Dwight. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bakit biglang naging sweet si Dwight? Siya ba talaga 'yon? Pati poison?! Ano tingin niya sa akin nakakamatay? At anong baby?! Yare 'yon sa akin kapag nakita ko ulit siya! Ang korni!


"JA?" Rinig kong tawag pa ni JD at nakita kong unti-unting pumipihit pabukas yung doorknob kaya dali-dali akong tumakbo sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.


"Tulong na pala."


Naramdaman kong umalis din agad si JD. Ang lakas parin talaga ng tibok nitong puso ko! Bwiset na Dwight yan! Moody na bampira! Hindi alam nila JD na may bampira ng nakapasok sa bahay lagot ako pagnalaman nila 'yon. Haist.


Nakaramdam na ako ng antok. Kaya pumikit na ako at nakatulog na may ngiti sa labi.


***
Hello guys! Salamat sa pagbabasa! Sino ang gusto niyo para kay Jean? Haha.

#Dwean (Dwight and Jean)
#Prian (Prince and Jean)
#JAD (JD and Jean)
#Lokan (Loki and Jean, weh.)

#Baraha (Heart and Ace, isingit na natin, haha.)

A Bloody Mess (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ