15

1.9K 112 88

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

15

"What happened?" Tanong sa kanya ni Lowai. Matagal siyang bumalik sa pwesto niya. Naghilamos na muna siya para hindi halatang galing siya sa pag-iyak.

"Wa-wala."

"Anong wala? May nangyari ba? Tell me."

"Wala nga. Huwag ka ngang makulit." Naiiyak na naman siya. Mabuti na lang at wala pang customers.

"Kim? Kanina lang ang saya-saya mo. May ginawa ba siya sa iyo ha?" Nag-aalalang tanong nito sa kaibigan.

"Wala talaga siyang gusto sa akin."

Lowai sighed. Wala namang bago sa sinabi ng dalaga. "Sige na, ayusin mo munang sarili mo, tumigil ka na sa kakaiyak mo jan."

"I overheard them. Sinasadya niya palang maging sweet at magbigay ng attention para tumigil ako sa kakakulit sa kanya."

"Kim, tumigil ka na kasi sa kakasuyo sa lalaking 'yun. He's not worth it. Marami pang darating. Hindi mo kailangang mag habol."

"Pero siya ang gusto ko eh. I think I just need to talk to him later."

"Para ano? Para saktan mo na naman ang sarili mo? PWede ba, kim, gumising ka na nga sa katotohanan."

"Hindi mo naman naiintindihan ang nararamdaman ko eh."

"I do! Akala mo ba ganun lang kadaling tignan na yung babaeng gusto mo, may gusto sa iba? Akala mo madali sa akin na makita kang umiiyak pagkatapos ibang lalaki ang dahilan?"

"Bakit ako?" Mukhang tanga na tanong niya.

"Manhid mo talaga. Gusto kita, kaso ang gusto mo iba. Kapag hindi ka tumigil sa kakaiyak jan, I swear, pupuntahan ko yang Carlos na yan para lumpuhin. Now stop crying." Iniabot ni Lowai ang panyo niya sa dalaga.

Parang bata na tinanggap nito ang panyo ng binata.

"Bwisit ka, may gusto ka pala sa akin, hindi mo naman sinasabi."

"Bakit, may magbabago ba? Magugustuhan mo rin ba ako?"

"Hi-hindi. Alam mo naman kung bakit, hindi ba?"

"Yeah and I understand. Sige na, ayusin mo na muna ang sarili mo at ako ng bahala rito."

***********************

"Ms. Mendoza." Tawag ni Carlos sa kanya. Walanghiya naman kasi itong tyan niya, tuloy nagkita sila nitong si Carlos. Mag si-cr lang sana siya.

"O Sir, nanjan pala kayo?" Naiiyak siya. Mas masakit palang ma-basted ng kasabwat ang girlfriend ng nililigawan mo.

"Hatid kita mamaya?"

Gusto niyang sampalin ng very hard ang lalaking ito sa harap niya. Biglang yung plano niyang hindi sana susuko sa panliligaw rito ay naglaho.

"Ay, bakit?"

"Ha? Anong bakit? Hinahatid naman kita talaga, hindi ba?"

"IKaw naman, Sir Carlos. Akala ko ba matalino ka? I'm sure nakita mo ako kanina, hindi ba? Narinig kasi kita eh. Suggestion pala yun ng girlfriend mo? Don't worry, simula sa araw na ito, hindi na ako mangungulit sa iyo. So, meaning, cancelled na yung panliligaw ko."

Hindi nakasagot si Carlos.

"Mabuti na lang pala sadyang chismosa ako, kung hindi mahuhulog ako sa bitag mong pa fall ka. Magsama kayo ng girlfriend mo. Hindi na kita gusto! Tse!"

Napailing na lang si Carlos. Ganun lang yun? Mukhang wala na siyang problema.

********************

"Mukha yatang may kakaibang nangyari?" Puna ni Ruel.

"Ano naman yun?" Pagsusuplado ni Carlos.

"May LQ ba kayo ni Kim?" Asar nito.

"Paano kaming magkaka –LQ? Kami ba?"

"Yun nga eh, nakapagtataka lang, Hindi ba't manliligaw mo siya? Bakit parang huminto?"

"Talagang huminto na."

"Talaga?"

"Sabi ko naman, sa umpisa lang ang babaeng yan, natablan din ng hiya."

"Eh bakit parang affected ka? Na miss mo ano? Wala ng makulit na bigay ng bigay ng kung anu-ano?"

"Natahimik kamo ang buhay ko!"

"Talaga lang ha, eh bakit panay yata ang sulyap mo? Mukha pa naman silang sweet ni Lowai. Balita ko nga, nanliligaw sa kanya yan."

"Mabuti naman at siya na ang nililigawan ngayon."

"Talagang okay ka lang ha. Walang pagsisisi at hindi mo siya sinagot?"

"Sira ulo!"

***************

"Tulala ka na naman, iniisip mo na naman siya?"

"Hindi kaya. Move on na ako sa kanya no!"

"Good!"

"Pero ikaw, wala akong gusto sa iyo ha. Alam ko na yung feeling na papaasahin ka kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo, wag ako."

"Oo na nga. I-crush na lang kita, akala mo naman 'to."

"Good. Pero alam mo, Lowai, hindi na ako nagtataka na magkaka gusto ka sa akin. Sadyang maganda ako eh."

"Oras ng trabaho, hindi oras ng ligawan."

Sabay silang napatingin sa direksiyon ni Carlos. Tinaasan ni Kim ng kilay ang binata.

"Close pa po tayo, Sir."

"So? Ako ba talagang sinasagut-sagot mo na, Ms. Mendoza?"

"Sorry, Sir. Pasensiyahan nyo na po si, Kim."

"Ay naku, magtrabaho na nga tayo, Lowai. Sayang ang bawat sentimong ibinabayad sa atin."

SPARKSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!