3

2.7K 124 13

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

3

"May girlfriend na pala ang crush mo, Kim?"

"Magbebreak rin sila." Sabi niya habang nakatingin sa direksiyon nina Carlos at ang Zafrina. Nakakailang punta na rin sa restobar ang babae.

"Huwag ka kasing bitter. Ganyan pala ang mga tipo ni Mr. Carlos Manlotoc, matatangkad, maganda, sexy, mga model type ba." Sabay tingin sa kanya.

"So hindi ako sexy? Hindi ako maganda ha, Lowai? Hindi ako ang mga tipo niya ha?" Naiinis na tanong niya.

"Hindi naman sa ganun, ang gusto ko lang sabihin, huwag ka ng umasa. I mean, tumingin ka na lamang sa iba, malay mo, may gustong manligaw sa iyo, kaso puro ka Sir Carlos ng Sir Carlos." Mahabang paliwanag ni Lowai.

"Tapatin mo nga ako, ikaw ba may gusto sa akin Lowai at ikaw ang tinutukoy mong gustong manligaw sa akin ha?"

"Whoa! Yung confidence level mo, Kim! Ang taas!"

"Syempre! Kaya, kahit hindi ako kasing tangkad niyang Zafrina na yan, mahuhulog at mahuhulog rin sa kagandahan ko si Mr. Grumpy."

"Tibay, Pare!"

"Pare ka jan! Ikaw Lowai, tandaan mo ha, dapat kakampi kita. Pinapalakas mo dapat ang loob ko. Partners tayo, hindi ba? Friends tayo."

"OO na! Hayan na, nakatingin na sa atin si Sir Carlos, magtrabaho na tayo at baka bawasan ang sweldo natin."

"Nakakainis talaga! Tingin mo, sila talaga nung Zafrina?" Hindi pa rin mapalagay na tanong niya.

"Tanungin mo kaya?"

"Mamaya." Walang ganang sagot ni Kim. Itinuon na lamang niya ang atensiyon sa lumapit na customer.

*********************************

"Miss Mendoza?"

"Sir?"

"Late ka na naman?"

Agad na napatingin si Kailie sa relo niya. Hindi naman ah. In fact, she's five minutes advance to her time.

"I'm not. Look at my watch." Wala sa mood na ipinakita niya ang relo niya. Tumingin na rin siya sa nakasabit na wall clock sa may kusina. Hindi siya late.

"Okay." Tumalikod na ito sa kanya.

"Okay lang? Pagkatapos mo akong pagbintangan ng late ako, na hindi naman pala, okay lang?" Hindi nakapagpigil na sabi niya na nagpaharap sa nakatalikod na si Carlos Manlotoc.

"Sorry, will that make you sleep now?"

"Labas sa ilong! Tapatin mo nga ako, Sir. Ayaw mo sa akin ha?"

"Kung aayawan ba kita, magreresign ka na?" Balik tanong nito sa kanya.

"Hindi! Bakit naman ako magreresign, eh hindi lang naman ikaw ang boss ko rito, isa pa, maayos ang trabaho ko, hindi ikaw ang tumanggap sa akin." Mainit ang ulong sagot niya, hindi na niya naisip na boss niya ang kaharap. Naiinis siya dahil naaalala niya kung paano ito ngumiti kay Zafrina pero sa kanya laging galit, dagdag pa ang late issue na yan.

"Kung ako lang ang masusunod, tinangggal na kita. Ang lakas mong makasagot." Pagkatapos ay umalis ito.

Napakurap ng ilang beses si Kim. Saka lamang pumasok sa sistema niya ang pagsagot kay Carlos. Sinabunutan niya tuloy ang sarili.

"Nakakainis ka Kim eh! Paano yan, mas maiinis lalo sa iyo ang crush mo!" Sabi niya sa sarili na dinig na dinig naman ni Lowai.

"Kim? Hindi pa bilog ang buwan, kinakausap mo na ang sarili mo?"

"Sir Ruel! Sorry, hindi kita napansin."

"May problema?"

"Slight lang naman." Pag-amin niya.

"Hulaan ko, guwapo rin 'yang katulad ko."

"Oo na. Nasagot ko eh. Sorry."  Ikinuwento niya ang nangyari.

"Pagpasensiyahan mo na. Baka sira lang ang relo. O hindi kaya nainip sa kakahintay sa iyo. Malay mo namiss ka niya, hindi lang halata."

"Ayokong bigyan ng pag-asa ang sarili ko. Pero feeling mo, Sir? May konting pagtingin na rin siya?"

Napailing na lang si Ruel sa kanya. "Ligawan mo na kaya at nang malaman mo kung meron." Biro niya.

"Talagang liligawan ko na yan, Sir. Okay lang ba?" Kumportable siyang kausap ang nobyo ng pinsan, alam niya namang  kaibigan niya ito. Ruel kapag sila lamang at may Sir kapag nasa trabaho.

"Seryoso ka?" Natatawang tanong nito.

"Damn serious!"

"Wait, Kim. Kindly tell that to Gab please. Baka sasabihin na naman nun ako nagturo sa iyo ng mga binabalak mo ngayon."

"Masyado kang takot kay Gab." Asar niya.

"Hindi naman, masyado ko lang mahal ang pinsan mong 'yun. Let me tell you a secret. I can't afford to lose her again."

"Hindi yan sikreto Ruel. Matagal na naming alam yan at matagal na rin naming alam na takot ka talaga sa kanya."

Sina Marcus at Aron Miguel.

"Reunion ba 'to ng mga gwapo?" Mukhang may dapat silang i-celebrate na magkakaibigan dahil narito ang mga ito ngayon. Kim excused herself. Nakita niya kasing nakasimangot na naman si Carlos.

"Na miss ka lang naming, Pare. Alam mo na, mahal ka namin." Asar ni Marcus.

"Ulol nyo! Carlos, labas na para apat na tayong pogi rito."

Napailing na lamang si Carlos. Talagang kailangan na niyang masanay sa tatlong ito. Mukhang magiging brother – in – law pa niya yata ng tuluyan itong si Aron Miguel.

Nakita niyang pumunta na ang tatlo sa lugar nila kapag nasa restobar. Dumaan muna siya kay Kim bago pinuntahan ang tatlo.

"Miss Mendoza."

"Sir?" Nakangiting tanong nito sa kanya. Napailing na lang siya. Parang wala lamang nangyari kanina.

"Let Lowai serves us. Huwag ikaw."

"Why?"

"Just don't ask." Seryosong sabi nito sa kanya.

She just shrugged. Ano bang bago sa grumpy Carlos na ito?

"Okay." Balewalang sabi niya.

"Miss Mendoza?"

"Sir?"

"Sorry kanina. It's my fault." Pagkatapos ay tumalikod na.

"Sir?"

"Yes."

"Sorry rin. I shouldn't answer you like that."

Then a quick smile was plastered on his face before he went to his bosses. Napakurap ng ilang beses si Kim. Namalikmata lang ba siya na ngumiti si Carlos?

"Lowaaaiiiiii! Nakita mo yun? Ngumiti, 'di ba?" Niyugyog niya ang balikat ng kaibigan.

"Ewan ko sa 'yo. Ngumingiti naman talaga si Sir."

"Sa iyo oo, sa akin hindi! Heaven!"

Napailing na lang si Lowai. "Mga babae talaga."

"Tse!"

******

                                                                           

SPARKSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!