*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

4

2.4K 125 17

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

4

"Gab, we are all equal, wala namang rule sa Pilipinas na bawal manligaw ang babae sa lalaki, 'di ba?" Kausap ni Kim ang pinsan niya. She opened up if it's okay that she will court Carlos Manlotoc.

"Oo nga, pero iba ang pananaw natin dito sa Pilipinas. Iba ang kultura natin, lalo na rito sa Kidapawan." Paalala ni Gabrielle.

"Gusto ko talaga siya, Gab eh." Sabay hawak pa sa dibdib niya. "Feeling ko nga, mahal ko na siya, Cuz."

Natawa na lamang si Gab. "Alam mo, gutom lang yan. Isa pa, mukhang may girlfriend na si Carlos, masasaktan ka lang, Kim."

"Magbe-brake rin sila! Isa pa, hindi naman yata girlfriend si girl. Baka M.U."

"Pareho lang yun eh. Alam mo, huwag na si Carlos, si Filemon na lang na kasama ko sa trabaho. Single na single yun ngayon eh. Naghahanap ng ka forever."

"Ayoko kay Filemon."

"Gwapo kaya siya, Cuz. Sige na, ipapa blind date ko kayo." Kumbinse ni Gabrielle.

"Cuz naman, support me kay Carlos, huwag sa iba. Si Ruel nga, kampi na sa akin, dapat ikaw rin."

"Ha? Naku! Kinukunsinte ka ng lalaking yun. Lagot sa akin yan mamaya. Siya dapat ang magpapayo sa iyo na iwasan si Carlos. Siya ang mas higit na nakakakilala dun eh. Huwag mong sabihing okay lang din sa kanya na ligawan mo?"

Ngumiti si Kim. "Okay na okay, Cuz! Bait ng fiancé mo. Kaya boto ako sa kanya para sa iyo kasi suportado niya ako kay Carlos."

"Rueeellll, mamaya ka lang!"

******************************

"Masarap ba, Chef?" Pigil hiningang tanong ni Kim sa partner niya. Nagluto kasi siya ng adobo na alam niyang madalas na inoorder ni Carlos sa chef. Kinausap niya ang tagapagluto nila na kung sakaling magpapaluto si Carlos ngayon ng adobo, ang dala niya ang ise-serve.

"Pag ako napagalitan ni Sir, Kim..."

"Hindi, akong bahala sa iyo. Kapag nagustuhan niya, sabihin mo ha. Ituturo ko sa iyo ang recipe, tapos yun ang ise-serve mo sa kanya. Huwag na huwag mong ise-serve sa iba. Naintindihan mo, Chef?"

"Lakas ng tama mo kay, Sir ah!" Tukso nito.

"Shhhhh. Sikretong malupit yan! Naniniwala lang ako sa kasabihang 'A way to a man's heart is through his stomach."

"Ewan ko sa iyo, Kim. Basta malalagot ka sa akin kapag pinagalitan ako."

Pagdating ni Carlos at napatingin sa kanya, isang ngiti na ang nakaplaster sa mukha niya. Pero nilagpasan lamang siya nito. Dumirecho sa kusina. Alam niyang ang kasunod noon ay oorder ito ng pagkain at kakain. Memoryado na niya ang schedule nito.

Ilang sandali pa ay nakita niyang pinagsilbihan na si Carlos ng makakain nito. Pigil ang hiningang hinintay niya ang unang subo nito at ang magiging reaksiyon. Subalit bago pa nito maisubo ang kutsara ay bigla itong nag-angat ng tingin. Huling-huli siya na nakatitig sa kanyang gwapong boss, nakanganga pa. Napailing na lang si Carlos. Napahiyang napayuko naman siya. Pero hindi niya rin natiis, maya-maya lang ang tinignan na naman niya ang binata.

"Anong sabi ni Sir Carlos?" Agad na tanong ni Kim sa chef nung break niya.

"Wala."

"Wala? Teka, yung niluto ko ba ang nilagay mo, Chef?"

"Oo nga, ang kulit mo! Alam mo, kung hindi lang kita kilala, hindi ko talaga gagawin yun."

"Bakit? Hindi ko naman lalasunin si Sir ah!"

"Hindi mo nga lalasunin, baka gayumahin mo lang."

"Oo nga no! Bakit hindi ko naisip yun. Tama! Bukas, ipagluluto ko ulit siya, lalagyan ko ng gayuma."

"Hindi ko na ulit gagawin yung kanina. Mawawalan ako ng trabaho sa ginagawa mo." Sabay alis sa harap niya.

"Chef naman! Pakisama naman oh!"

"Anong nangyayari rito?" Biglang may nagsalita sa likuran niya.

Sa gulat ay napalundag siya. "Ano ba Sir! Nanggugulat ka naman eh! Nag-uusap lang kami ni Chef, sabi ko ipagluto niya ako ng ...ng.."

"Ano?" Salubong na ang mga kilay nito.

"Instant noodles? Yah, noodles. Gutom ako, Sir eh, hindi ako nakapag-agahan kasi ayokong ma late."

"Baka tanghalian ang sinasabi mo. Alas tres na, Miss Mendoza."

"Oo nga, tanghalian. Sige Sir, ako na lang. I'll just get some hot water lang naman, right?"

Nung makalayo ay pinagalitan ang sarili. "Nakakainis ka naman, Kim! Bakit ka biglang nataranta? Pagkakataon mo na sanang magpa – cute. Noodles? Of all the food, bakit noodles?"

"Kinakausap mo ang sarili mo? Aba, pa check- up ka na, Kim?" Si Ruel.

"Huwag kang magulo, Sir Ruel. Nag-iisip ako."

"Ligawan mo na kasi." Asar nito sa kanya. "May basbas ako. Suportado kita."

"Talagang liligawan ko na yan. Konting pilit pa, Sir!"

"Ligawan na, Kim!"

"Sinong liligawan?"

Pareho silang nagulat sa nagsalita sa likuran nila.

"Carlos! Pare! Wala naman, nagbibiruan lang kami ni, Miss Mendoza? Tama ba, Miss Mendoza?" Natatawang tanong ni Ruel.

Tumingin si Carlos sa wall clock sa harap nito. "Tapos na ang break mo, Miss Mendoza. Bumalik ka na sa trabaho. Isa pa, kung gusto mong manligaw, Ruel, huwag ang mga empleyado natin."

" Pare, para sa katahimikan ng loob mo, hindi ko liligawan si Kim. Huwag naman ganun, pag yan nakarating kay Gab, hindi na talaga ako pakakasalan ng girlfriend ko."

"Magtatrabaho na ako, Sir Ruel."

"Wait Kim, may sasabihin ka kay Sir Carlos mo, hindi ba? Sayang yung pagkakataon."

Pinandilatan ni Kim si Ruel. Ipapahamak pa siya nito.

"Ano yun?"

"Ah, saka na Sir, kapag nakapag-ipon na ako ng lakas ng loob."

"I'm waiting, Miss Mendoza." Naiinip na sabi ni Carlos.

"Baka kasi mabigla ka, Sir. Naku, tapos ng break ko." Palusot niya.

"Miss Mendoza, what do you wanted to say? Speak." Utos nito.

"Bye Kim, kayang-kaya mo yan!  Carlos, hinay-hinay at babae yan." Ruel winked at Kim before leaving.

"Now? Anong gusto mong sabihin? Sinong manliligaw sa iyo?" Seryosong tanong nito.

"Huwag na Sir, nakakahiya eh. Huwag mo akong pilitin, please."

"Gusto mong sa office tayo mag-uusap?"

"Sige na nga. Magpapaalam na ako. I wanted to court you, Sir."

"What?"

"Manliligaw ako sa 'yo."

******



SPARKSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!