7

2.3K 130 16

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

7

"Here, try this, Sir." Inilapag niya ang inumin sa mesa ni Carlos. Mabuti at nag-iisa ito para kung sakaling umandar na naman ang pagka grumpy nito, walang makakakita.

"Hindi ko sinabing iinom ako."

Napapikit siya saglit, kailangan niyang pahabain ang kanyang pasensiya. Medyo pagod kasi siya ngayon sa dami ng kanilang parokyano.

"But I want you to try it before I'll offer that to our customers, don't worry, hindi yan yung inorder ng isang customer natin kanina."

"Miss Mendoza, wala naman akong pakialam kung yan man ang inorder niya."

"Okay." Ayaw niyang makipagtalo sa ngayon. Iniwan niya ang tray ng inumin at ang pagkain na nirequest niya kay Chef sa harap ni Carlos at nakasimangot na bumalik sa pwesto niya.

"Bokya ka na naman?" Tanong ni Lowai.

"Hindi ah. Pagod lang ako at wala ako sa mood amuin siya."

"Ano ba kasi ang nakita mo kay Sir Carlos? Oo alam ko na mayaman siya, pero sa kagwapuhan at kakisigan, patas lang naman kami ah."

"So gusto mong ikaw ang ligawan ko?" ang pikon niya talaga ngayong gabi.

Napakamot ng ulo si Lowai. "Bakit ang suplada mo ngayon? Meron ka ba?"

"Nakakainis kasi siya eh! Kahit man lang ngiti, Lowai, hindi niya ako mapagbigyan."

"Tama na yan, heto, inumin mo yang Kim's Sin. Alam mo, kaming mga lalaki, hindi naming gusto na kami ang nililigawan, mas gusto namin na kami ang nanliligaw, kasi may challenge dun."

"Challenge! Puro kayo challenge! Kung hihintayin ko na ligawan ako ni Sir Carlos, malamang aabutin na ako ng singkwenta, walang mangyayari!"

"Sinasabi ko lang naman ang opinion ko, Kim, maganda ka naman, sexy, matalino, may talent, mabait. Hindi ka mahirap mahalin. Ayaw kong nakikita kang ganyan na para bang si Sir Carlos lang talaga ang lalaki para sa iyo."

"Eh sa nararamdaman ko talagang siya ang nakatadhana sa akin, Lowai."

"Feeling mo lang yan." Seryoso na ito.

"Bakit ba kasi ang epal mo, dapat suportahan mo na lang ako." Naiinis pa ring sabi niya. Natigil lamang sila nung may dumating na bagong customer.

"Kaibigan kasi kita, Kim. Importante ka sa akin, at ang kaibigan, sinasabi kung ano ang sa tingin niya ay tama. Ayaw niyang nasasaktan ito."

"Salamat, Lowai, pero okay lang ako talaga. Masaya ako sa ginagawa ko ngayon."

Samantala, tinikman ni Carlos ang ibinigay ni Kim na inumin. Masarap, kakaiba ang lasa pero hahanapin ng dila mo. Walang duda na may alam si Kim sa ginagawa nito, at magaling. Kinuha niya ang pagkain na kapares ng inumin niya. Napakunot-noo siya sa tatlong pirasong maliliit na bulaklak sa tabi nito. Katulad na katulad ito sa pulang maliliit na bulaklak na ibinigay nito sa kanya, pero kulay puti.

Napailing na lamang ang binata, sabay tabi sa mga bulaklak dahil baka maisubo niya pa ito.

********************************

"Miss Mendoza?"

Nagulat si Kim sa biglang pagsulpot ni Carlos sa harap niya. Absent kasi si Lowai dahil may emergency raw sa bahay nila. Siya lamang tuloy mag-isa sa bar. Mabuti na lamang at hindi weekends kung hindi, talagang mahihirapan siya.

SPARKSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!