2

3.7K 144 19

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Note: Ayoko na palang mag first person POV, nai-stress ang utak ko, natutuyo.

2

Napailing na lamang si Carlos Manlotoc, dinig na dinig niya na siya ang pinag-uusapan ng dalawa. Kahit kailan talaga ay kakaiba ang mga trip ni Kailie Ilia, malayo sa dapat ay mahinhin na babaeng Filipina. Sabagay, ano pa ba ang aasahan niya? Hindi naman ito lumaki sa Pilipinas, hindi namulat sa kulturang Filipino, pero kahit ganun, alam naman nitong nasa Pilipinas na siya, kailangan niyang makibagay, lalung-lalo na at nasa Kidapawan City pa. Ang mga babae rito ay mahihinhin, mahiyain pa nga kung tutuusin.

Pero si Kim? Malayo sa mga dalagang taga Kidapawan, malayo sa mga dalagang gugustuhin niya, at kanina, napatunayan niyang ang lakas ng self-confidence nito. Napailing na lamang siya.

“Want some?” Yaya ni Ruel sa kanya. Kumakain na naman ito sa kitchen.

“Busog ako.” Tanggi niya.

“Si Kim ba?” Sa pagitan ng pagnguya ay naitanong niya kay Carlos.

“What about Kim?”

“Ewan ko sa iyo? Masyado kang apektado sa presensiya niya. Gusto mo bang ligawan?”

“NO! Ipagtimpla mo nga ako ng kape, Vincent.” Utos nito sa tauhan nila.

“Pag si Kim na ang pinag-uusapan, nag-iiba ang timpla mo. Alam mo, Carlos, kilalanin mo ang tao, mabait yun, makulit, maaaliw ka. She’s fun to be with.”

“Kumusta ang kita ng restobar?” Gusto niyang maiba ang pinag-uusapan nila.

“Changing the topic? Okay naman. Ilang buwan pa,  makakabawi na tayo sa capital natin. Siyangapala, magiging busy na ako sa mga susunod na araw, alam mo naman, aasikasuhin ko pa ang kasal naming ng ayat ku.”

“Paano nga pala naniwala si Gab na hindi naging kayo ni Kim?”

“Bakit, ikaw ba naniniwalang naging kami?” Ibinalik ni Ruel ang tanong sa kanya.

Hindi ito sumagot.

Natawa si Ruel. “Naniwala ka talagang naging kami? Sabagay, sa gwapo ko namang ito, hindi naman malayong naging kami kung sakali.”

“So talagang naging kayo?’

“Kaya ba ganyan ang trato mo kay Kim ay dahil naniniwala ka talagang naging kami? Ibig sabihin, nagseselos ka? May gusto ka sa tao kaso naunahan ka ng charm ko?”

“Tado! Wala naman akong pakialam kung nagkaroon man kayo ng relasyon, labas na ako dun, basta hindi apektado ang trabaho. Isa pa, hinding-hindi ako magkakagusto kay Miss Mendoza, hindi siya ang tipo kong babae.”

“Ouch! Tinamaan ako.” Biglang nagsalita si Kim sa likuran nilang dalawa. May pinapakuha kasi si Lowai sa kitchen at dinig na dinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa niyang bosses.

“Kim! Nagjojoke lang si Carlos.” Kinuha ni Ruel ang plato ng pinagkainan niya.

“Kahit naman hindi nagjo-joke si Sir ay okay lang Sir Ruel. Masyado lang talagang pakipot ang lalaking yan.”

Hindi nagsalita si Carlos pero nagsimula ng magsalubong ang makakapal niyang kilay.

“Maiwan ko na muna kayong dalawa. Baka sakaling magkaroon ng konting sparks kapag nag solo kayo.” Asar ni Ruel bago umalis. Naiwan tuloy silang dalawa.

“What are you doing here? Maraming customers sa labas.” Seryosong sabi ni Carlos, hindi niya alam kung mahihiya ba siya dahil narinig ni Kim na siya ang pinag-uusapan nila ni Ruel.

“May kukunin lang.” Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis kay Carlos, sabay hinanap ang kailangan niya. Nung makita ay dumaan siya ulit sa harap nito.

“Sir, baka kainin mo yung sinabi mo kanina? Baka magising ka na lang na mahal mo na pala ako?”

“Impossible!”

“Impossible but true. One day, I’ll prove that. See you around.” Sabay ngiti rito, sabay alis.

Napailing na lang si Carlos, kung hindi lang dahil kay Alexie at sa tatlo, kung siya lamang ang masusunod, hindi niya tatanggapin ang ganitong klaseng pag-uugali ng isang empleyado.

Pero ano ba ang ikinagagalit o ikinaiinis niya? Isa lang naman hindi ba? Yung lakas ng loob nitong sabihin na may gusto ito sa kanya.  

He hates her self-confidence, her frankness, her boldness to express herself, her guts! Lahat na ng salitang kasingkahulugan nito.

Ilang sandali lamang siyang naglagi sa kitchen at nagpasyang lumabas para makita at makausap ang mga regular customers nila. Iyon ang isa sa mga ginagawa nilang apat, ang kahit papaano ay nalalaman nila mula sa bibig mismo ng mga customers nila kung ano ang maganda at kailangan pang i-improve sa kanilang restobar.

Nakita niyang busy sina Lowai at Kim. Napakaganda ng ngiti na ibinibigay nito sa mga kaharap na customers. Isa iyon sa feedbacks na natatanggap nila, mahusay makisama sina Lowai lalo na si Kim sa mga customers nila, bukod pa sa magagaling ang mga ito na barista. Sikat na sikat ang kanilang inuming sariling timpla nito, ang Kim’s Sin.

Tama si Ruel, masayahin itong tao, marunong makisama, maganda at sexy. Pero hindi pa rin niya magugustuhan.

Biglang napatingin sa direksiyon niya si Kim. Ngumiti ito at itinaas ang kopita na hawak. Umiling na lamang siya.

Ilang minuto rin siyang nakaupo sa lamesa niya habang nagbabasa ng kung anu-ano sa kanyang laptop ng biglang may naamoy siyang pamilyar na pabango ng babae. Ngumiti siya pagkakita sa taong nasa harap niya.

“Zafrina, kailan ka pa dumating?” Tumabi ito sa kanya.

“Kahapon lang. Kumusta ka na Carlos?” Nakangiting tanong nito sa kanya.

“Still the same Carlos Manlotoc that you know, how about you Zafrina Carissa Eldridge? How’s your flight and your stay in London?”

“There’s no place like home, Carlos. It’s good to be back. I miss the fun here.I missed someone too.”

“That someone misses you too. So, that means you will stay here for good?”

“Depende, may mga engagements pa kasi akong hindi natatapos, siguro after that, pag-iisipan ko na. How’s this business? Mukhang nag-eenjoy ka naman.”

“Yah. Akala ko nga nung una ay hindi. Wait, you should try our bestseller.” Tinawag nito ang isang waiter at sinabi ang gusto niya.

Siya si Zafrina Carissa Eldridge, nakilala niya minsang umuwi siya galing sa isang business conference sa Manila. Siguro, masasabi niyang attracted siya rito at ito sa kanya kaya madali silang nagkasundo.  Isa itong modelo abroad kaya bihira silang magkita. Hindi sila pero parag sila, kung sa teenager pa, M.U. or may mutual understanding silang dalawa.

Samantala nakita ni Kim na may lumapit na magandang babae kay Carlos, matangkad at balingkinitan ang pangangatawan, kaya kahit na busy sa kaka-serve ng mga inumin, hindi pa rin niya mapigilang sumulyap sa lugar ng dalawa.

“Sino siya?” Tanong niya kay Lowai.

“Aba malay ko. Nagseselos ka?”

“Hindi ah! Baka pinsan.”

“O baka naman girlfriend. Sa guwapo ba naman ni Boss, hindi malayong may nobya yan, kaya siguro hindi napansin ang beauty mo.”

“Heh! Magpinsan sila! Nakakainis ka, Lowai. Ako ang kakampi mo rito! Ako!”

********************








SPARKSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!