11

2.3K 138 24

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

11

"O." Sabay abot ni Kim ng kanyang love letter at homemade siopao, pinaghirapan niya pa iyong gawin para lang kay Carlos.

Nagtataka namang kinuha iyon ng binata. "Para saan ito?"

"Para sa iyo, alangan namang gagawan ko ng love letter ang sarili ko? At bibigyan ng pagkain ang sarili ko?" Pilosopong sagot niya. Hindi pa oras ng trabaho kaya pwede pa siyang manligaw kay Carlos.

Inis na inis pa rin siya rito dahil hindi ito pumayag na isama ang LoKim na inumin dahil lamang sa pangalan. Gusto nitong palitan niya. Hindi niya rin ito gagawin.

"Galit ka ba?" Salubong ang kilay na tanong nito.

"Ako, galit? Kanino naman? Sa iyo? Naku naman, SIR, hindi pwedeng magalit ang isang empleyado sa kanyang amo." Idiniin niya pa ang salitang SIR.

"Miss Mendoza, hindi ko gusto ang tono mo." Alam niyang inis na ito.

Pinakalma niya ang sarili. Hindi naman din pwedeng ganito siya sa harap ng Boss niya, lalong hindi maganda na sagutin niya si Carlos. Alam niyang kapag nanliligaw ka, kailangang extra sweet, extra caring, lahat ng extra dapat nandun. Kaso naiinis siya at hindi niya mapigilan ang sarili.

"Sorry, Sir. Sige,maghahanada pa ako ng mga gamit." Hindi na niya nahintay pang magsalita si Carlos.

Pagkaupo ay binuksan ni Carlos ang 'love letter' ni Kim. Idinaan na rin niya sa Chef ang ibinigay nito na siopao para initin mamaya.

Sir,

I'm sorry but I think you should consider the LoKim. I couldn't accept the shallow reason that you gave. (just because of its name)

Anyway, can I ask for a date this coming Sunday? I don't have work and you don't have work too. (based from my info) I'll fetch you at your mansion for the Sunday Mass.

P.S. I don't take NO this time.

Kim

May heart pa pagkatapos ng pangalan nito. Napailing na lamang siya. Kababaeng tao, siya pa ang mangyayayang makipag-date.

Nanliligaw nga siya sa iyo. Sa loob-loob niya. Kahit kailan ay hindi niya sineryoso ang panliligaw ni Kim. Tingin nga niya, matindi lang talaga ang crush nito sa kanya. At tulad ng typical na paghanga, mawawala rin ito.

"Miss Mendoza?" Nagulat pa si Kim nung biglang marinig ang boses ni Carlos. Sa sobrang gulat ay naumpog pa siya dahil may kinukuha siya gamit sa baba nung sumilip ito sa bar counter.

"Sir?" Hawak pa niya ang ulo niyang naumpog.

"Salamat sa siopao."

Ngumiti si Kim. Kinilig yata siya sa narinig. "Masarap ba?"

"Hmmm. Pwede na, konting asin lang sa susunod."

"Ahhhhh. Tatandaan ko yan, Sir. Nabasa mo na bang sulat ko?"

"Yah, call it KL Mojito, instead of LoKim. About the mass on Sunday, what time will you fetch me?"

Nanlaki ang mga mata ni Kim. Hindi dahil sa bagong sina-suggest nitong pangalan kundi dahil sa tanong nito kung anong oras niya susunduin ang binata.

SPARKSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!