12

2.7K 139 32

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

12

"Hindi pa sinasagot?" Nakakunot-noong tanong nito sa kanya. Pag ganito pala kaseryoso mas magkamukhang-magkamukha  silang dalawa.

"O-opo. Nanliligaw po kasi ako sa anak ninyo."

Nakita niyang mas lalong naging seryoso ang matanda. Hindi agad ito naimik. "Nanliligaw." Ulit nito.

"Opo, sana po hindi ninyo masamain. Seryoso po ako sa panliligaw sa anak ninyo, Sir."

"Hmmmm." Humigop muna ito ng kape. "Iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Anong pangalan mo, iha?"

"Kailie Ilia Mendoza po, Kim po ang tawag nila sa akin. Bartender po ako sa resto bar ng anak ninyo. Mabuti po akong tao, katunayan clear po ang records ko sa NBI, PNP pati na rin po sa FBI."

Napangiti ang ama ni Carlos. Mukhang malakas ang loob ng babaeng kaharap niya. "Ano naman ang sabi ng anak ko tungkol sa panliligaw mo? May pag-asa ba?"

"Ah, sa totoo lang po, medyo may kalabuan. Pero hindi po ako nawawalan ng pag-asa. Katunayan, yung pagpayag po niya na magsimba kami ngayon, malaking bagay na para sa akin."

"Alam mo, Kim. Hindi ako nangingialam sa mga anak ko pagdating sa pakikipagrelasyon, pero ito lang ang maipapayo ko. Base sa pagkakakilala ko kay Carlos, mas gusto niya na siya ang nanunuyo, siya ang humahabol, sana hindi ka masaktan sa bandang huli."

Napayuko si Kim. Alam naman niya iyon. Alam niyang karaniwan sa kultura ng mga Filipino na lalaki ang nanliligaw. Akala niya nga ay magagalit sa kanya ang kaharap, nahihiya man, nilakasan na lamang niya ang loob.

"Salamat po, tatandaan ko po ang mga sinabi ninyo."

Ngumiti ang Papa ni Carlos. "Pero kung sakali mang sasagutin ka ng anak ako, isa ako sa matutuwa. Ngayon lamang ako nakakita ng babaeng ang lakas ng loob manligaw."

"Po?" Tama ba ang narinig niya? Matutuwa ang tatay ni Carlos kung sakaling sasagutin siya nito?

"O Carlos, may bisita ka." Napatingin ito sa likod niya kaya umikot na rin ang tingin niya. Literal na napanganga si Kim.

Walang suot na pang itaas si Carlos at pawis na pawis, litaw ang itinatago nitong kamachohan. Pati buhok nito ay basa na sa pawis. Salubong na salubong ang kilay nito pagkakita sa kanya.

"Miss Mendoza? Anong ginagawa mo rito?"

"Remember, may date tayo ngayon? Pumayag kang sumabay sa akin sa pagsimba."

"Ah, iwan ko na muna kayong dalawa. Nice meeting you, Kim. Good luck sa panliligaw mo sa unico hijo ko. Medyo masungit kung minsan, pero pag napasagot mo yan, pakikiligin ka araw-araw." Pagbibiro pa nito.

"Salamat po, Sir. Sana po balang araw tatawagin na kitang Papa."

Nung wala na ang Papa ni Carlos ay saka iritableng nagtanong ito.

"Sinabi mo sa Papa na nanliligaw ka sa akin?"

"Yep."

"Wala ka bang kahihiyan, Miss Mendoza?"

"Meron, kaya lang dapat malaman ng Papa mo na seryoso ako sa 'yo, na malinis ang hangarin ko."

"May tama talaga ang utak mo. Teka nga, bakit ang aga-aga mo?" Napatingin ito sa ayos niya.

SPARKSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!