6

2.4K 122 16

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

6

"Hey! Ang sipag yata nating diligan ang mga tanim kong santan ah!" puna ng pinsan niyang si Gabrielle. Apat na kulay ng santan ang meron sila sa hardin nito, pula, puti, dilaw at rosas. Ito yung binigay niya kay Carlos na idinaan niya kay Chef na pinagsabihan naman siya ng huli.

"Ito kasi ang plano kong ibigay kay Carlos na bulaklak. Kailangan kasing consistent ka sa ibinibigay mo o ipinapakita mong sweetness ayon sa nabasa ko kapag manliligaw ka. At dahil gusto ko siyang bigyan ng bulaklak araw-araw, at alam mo naman ako, nagtitipid, Santan ang plano kong ibigay."

"Santan! As in yan? Paano ka sasagutin ni Carlos niyan?" Natatawa siya sa pinaggagagawa ng pinsan niya. Ang lakas ng tama nito kay Carlos. Hinayaan niya nung una sa pag-aakalang crush lang ang nararamdaman nito, mawawala rin lalo kapag hindi pinansin ng binata, pero mukhang lumala dahil siya pa ang nanligaw.

"Alam mo, Cuz, nagtitipid nga ako, siyempre, kapag manliligaw ka, kailangan mo siyang ilibre kapag magde-date kayo, kakain kami sa labas, ililibre ko pa siya ng pamasahe, sosyalin pang mga pagkain nun, kung araw-araw ang bigay ko ng bulaklak at rosas 'yun, malamang hindi kasya ang sweldo ko!"

"Sira! Ang yaman kaya ni Carlos, Manlotoc yun no."

"Yun nga eh! Ang yaman, sanay na sanay yun na makakita ng rosas, pero ng Santan? Hindi, so, tatatak sa kanya, tama ba, Cuz?"

"Seryoso ka talaga sa ginagawa mo ha?"

"Sobra! Kilala mo ako, Gab, kapag gusto ko yung isang bagay o isang tao, hindi ko yan agad-agad na susukuan, kapag hindi naging successful, at least hindi ako magsisisi sa huli di ba?"

"Kim, nakakatakot yan, kasi baka sa bandang huli, masasaktan ka."

"Hindi naman ako takot masaktan, Gab. Mas takot ako na pagsisihan yung mga bagay na sana nagawa ko." Nakangiting sabi nito.

"Basta binalaan kita ha, hindi ako nagkulang."

"Yes, Cuz! Support mo lang ang kailangan ko."

"Lagi naman akong nasa tabi mo, Kim."



"At ako naman, laging nasa tabi mo, Ayat ko." Biglang sulpot ni Ruel. "Kung gusto mo, sa likod pa, harap, pati sa itaas mo." Sabay kindat.

"Alam mo, maaga pa, tatamaan ka na sa akin sa mga hirit mo. Mamaya pa tayo magkikita, di ba?" Sita nito sa kasintahan na may dalang pagkain, sa amoy pa lang.

"Eh sa na-miss kita." Sabay halik sa pisngi nito. "Hi Kim! Musta ang panliligaw? Sinagot ka na ba?"

"Kakaumpisa pa lang, kaya nagpapakipot pa, pero ramdam kong sasagutin rin ako, tiwala lang."

"That's the spirit, Kim! Ayat ko, ligawan mo rin ako. Sige na."

Kurot sa tagiliran lang ang inabot niya mula kay Gabrielle.

"Kaya naiin-love ako lalo kay Carlos eh, ganyan kayo lagi sa harap ko, iniinggit ako!" Reklamo niya.

"Sweet lang talaga akong boyfriend, kaya suwerte si Gab sa akin. Don't worry, Kim, 100% ang suporta ko sa 'yo. Gusto mo, bigyan pa kita ng tips paano manligaw."

"Kim, pag ikaw nakinig dito, papalpak kang lalo, puro kalokohan lang ang alam nito eh."

"Hindi ah! Kim, si Gab na ang patunay, di ba? Mga da moves ko sure win! Yung bulaklak mo, okay sa akin yun. Ipagpatuloy mo."

"Sabi ko na, Cuz eh!"

"hay naku! Hali na nga kayo sa loob, kainin na natin itong dala mo, Ayat ko."

*******************************************************

"Morning, Sir!" Masayang bati ni Kim kay Carlos.

Napatingin ang binata sa wall clock sa harap niya. Himala, maagang pumasok ang babaeng ito.

"May lagnat ka ba?"

"Bakit Sir, concern ka na sa akin?"

"Hindi, himala lamang na hindi ka late."

"Manliligaw pa kasi ako, Sir kaya sinadya kong maaga." Sabay ngiti kay Carlos. "Gusto mo ng maiinom, Sir? May bago akong experiment, ikaw ang unang makakatikim."

"Tigilan mo ako, Miss Mendoza."

"Hindi pa naman nag-uumpisa ang trabaho ko, Sir, pwede bang Kim na lang?"

"Do I need to get straight to the point, Miss Mendoza? Stop pestering me. Hindi nanliligaw ang babae, sila ang dapat na nililigawan, dapat alam mo yan."

"Well, kung manliligaw ka sa akin, I will stop this. Manliligaw ka na ba, Sir?"

"Are you out of your mind?" Inis na sabi nito, sabay alis.

"I'm just in-love with you." Kibit-balikat na sabi ni Kim. Wala siyang pakiaalam kung ganun man ang reaksiyon ni Carlos. "Naniniwala akong walang pakipot na lalaki ang tatagal sa pursigidong magandang babae! Kaya mo yan, Kim! I believe in you!" She tapped her own shoulders. Napatingin siya sa tatlong pirasong bulaklak niya ng Santan. Hindi pa pala niya naibigay.

*******************************************

"Another shot, Sir?" Tanong ni Kim sa regular customer nila. Nakailang shots na rin ito ng Kim's Sin.

"Yah."

"Mukhang napaparami kayo ng inom ah, mahirap magmaneho ng nakainom, Sir."

"It's okay, gusto mo, ihatid pa kita." Pagpapa cute nito.

"No, thanks Sir. Here's your Kim's Sin!"

Biglang may umupo sa bakanteng pwesto sa tabi ng customer nila.

"What do you like, Sir?" Tanong ni Kim dito.

"That drink that you were talking about this afternoon, yung bagong timpla mo."

"Ah yah, yung bagong timpla mo, Kim? You should try it, Pare. The best basta si Kim!" Sagot ng katabi ni Carlos.

Napakunot-noo si Carlos, akala ba niya wala pang nakakatikim nito at siya ang una?

"Wait, Sir Carlos."

"Never mind, I thought I should be the first one to try it." Sabay alis sa kinauupuan.

"Sandali lang, Sir!" Tawag ni Kim dito pero tila wala itong narinig at tuluy-tuloy na naglakad papalayo.

"Hala!"

"Nagalit, Kim!" Asar ni Lowai.

"Iba naman yung sinasabi kong bagong experiment ko ah."

"Boyfriend mo?" Tanong ng customer nila.

"Hindi, magiging boyfriend pa lang. Sandali, si Lowai na munang bahala sa iyo, Sir ha. May gagawin lang ako saglit."





SPARKSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!