13

4K 165 38

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

13

"Ang dami mo pa lang alam gawin?"

"Hindi naman, nagkataon lang siguro na maabilidad rin ang mga magulang ko. Kailangan naming mag doble kayod sa America, mahirap rin ang buhay dun. Akala ng iba na porke dun ka nakatira, masarap na ang buhay, akala lang nila yun."

"Tama. Mabuti na lamang pala at tinuruan ka nila, kung hindi, wala sana akong matitikmang masarap na siopao."

"Sinabi mo pa! Sasagutin mo na ba ako dahil masarap akong gumawa ng siopao?"

"Hindi pa eh." Seryoso nitong sagot.

"Hindi pa? Meaning may pag-asa?" Excited at diretsahang tanong ni Kim kay Carlos.

"Miss Mendoza, wala akong sinabing may pag-asa."

"Sige na, wala na. Baka bigla ka na naman magtransform niyan." Pero hindi niya talaga mapigilang hindi kiligin. Hindi naman siguro ito sasama sa bahay niya at magpapagawa ng siopao at mag e-effort na tulungan siya kung walang pag-asa, hindi ba?

"Ano bang gagawin ko?"

"Isuot mo muna itong apron, Sir at baka madudumihan ka."

"Thanks. Polka dot. Bagay."

"Yeah, bagay na bagay, Sir. Gagawa na tayo ng siopao asado. Kindly slice this, Sir into smaller pieces." Ibinigay niya ang karneng baboy kay Carlos.

Siya na ang naghiwa ng sibuyas at bawang. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Nahiya siyang bigla, ngayon pa na pagkakataon n asana niyang maging feeling close kay Carlos.

"Okay na ba 'to, Miss Mendoza?" Ipinakita niya ang hiniwa niyang karne. Natawa si Kim.

"Sir, siopao ang lulutuin natin, hindi adobo. Ang lalaki naman ang slices. Ako ng tatapos niyan."

"Ako na, sabihin mo na lang sa akin gaano kaliit."

Hindi maiwasang magdikit ang mga katawan nilang dalawa, magtama ang mga mata nila at ilang beses nahawakan ni Kim ang kamay ni Carlos. Tuwing nangyayari yun ay hindi niya maiwasang kiligin ng sobra.

"Napano ka?"

"Kinikilig ako."

Napailing na lang si Carlos. Kahit kailan talaga ang hindi itinatago ni Kim ang nararamdaman sa kanya. "Huwag pasobra, baka himatayin ka."

"Okay lang, basta ba ikaw ang gigising sa akin. Wake me up with your kiss."

"Kahit kailan talaga puro ka kalokohan." Ipinakita nito ang hinihiwang karne. Tumango si Kim tanda na tama ang ginagawa niya.

"Joke man 'yan para sa iyo, pero pwede mong gawing totoo."

"Pwede bang magtanong?"

"Sure, Sir! Basta ikaw. Tatanungin mo ba kung may boyfriend ako? Wala siyempre, liligawan ba naman kita kung meron." Tuluy-tuloy na sabi ni Kim. Ang saya-saya niya lang talaga ngayon.

"Seryoso, anong nagustuhan mo sa akin? What made you court me?"

"Hmmm. I dunno. Hindi rin naman ikaw ang mga tipo ko, I mean, nung una ha, masyado kang suplado, laging nakasimangot, parang lahat ng problema pasan mo."

"Then? What made you like me?"

"Siguro kasi gwapo ka? Or dahil kapag ngumiti ka, natutulala ako. Baka dahil ang smart-smart mo, or baka na challenge ako sa pagiging suplado mo." Nag-iisip na sabi niya. "Actually, I couldn't think of a concrete reason why. Basta I like you."

"Ganun ba?"

"Why did you ask?"

"Wala lang. I'm just curious."

"Ganun? Alam mo, Sir, kahit ako ang nanliligaw sa iyo, hindi ako yung tipo ng babaeng easy to get ha. I mean, oo, I'm courting you, but it ends there. If you know what I mean. May pagka-conservative pa rin ako no! I'm just open with how I feel with you, ayoko kasing magsisi sa huli dahil hindi ko sinabi sa taong gusto ko na gusto ko siya."

"Talagang nag-explain ka ha."

"Napapaliwanag lang naman, Sir. Bibihira lang yung ganitong pagkakataon na magkasama tayo, and you're not in your grumpy mood."

"Talagang suplado ang tingin mo sa akin?"

"Naman! Teka, gumawa na tayo ng dough, yan kasi ang medyo matagal gawin. Kailangan natin ng five cups ng all-purpose flour, yeast, sugar, baking powde." Hinanda nito ang ibang gagamitin. Nakasunod si Carlos sa kanya.

"Teka nga pala, Sir. Siopao ko ba ang dahilan kaya pumayag ka sa date natin mamaya? At siopao din ba ang dahilan kaya nandito ka ngayon? Kung ganun, aaraw-arawin ko na ang paggawa nito!"

"Masarap naman ang siopao mo, sinisiguro ko lang talaga na wala kang hinahalong gayuma." Pagbibiro nito.

"Sir, alam mo, sinisiguro ko rin sa iyo na kapag nain-love ka sa akin, yun ay dahil hindi kita pinilit, at pagdating ng araw na 'yun, ito lang ang masasabi ko, ikaw naman ang maghahabol!"

"Lakas ha! Seriously, Miss Mendoza, kapag ba hindi na ako nagsuplado sa 'yo mawawala na yang 'like' na yan? Tingin ko kasi, you're just challenge on how I treated you."

Napatigil sa ginagawa niya si Kim. Napatingin kay Carlos. "Kaya ba bigla kang bumait sa akin dahil yan ang iniisip mo, Sir?"

"Honestly, yes."

Sandali siyang natahimik sa sagot nito. Pagkatapos ay ngumiti kay Carlos. "Akala ko pa naman may sparks na. Pero alam mo, Sir, kahit magbago ka man ng strategy, hinding-hindi magbabago ang nararamdaman ko sa 'yo!"

"Lakas ng fighting spirit ah."

"Oo naman! Yan yung talagang natutunan ko sa mga magulang ko. Sige, Sir, pagbibigyan kita, sino ba naman ako para tumanggi. Ito lang ang sasabihin ko ha, baka ikaw ang tuluyang main-love sa akin, tapos bigla mo akong yayaing magpakasal."

Nilagyan ni Carlos ng harina ang ilong ni Kim. "Napaka advance mong mag-isip. Alam mo namang may hinihintay akong babae. Ayoko lang na masaktan ka."

"Aray naman,Sir! Okay na eh, binasag mo pa. Akin na nga yan, ako na ang gagawa. Sa ngayon, wala akong balak na sukuan ka, Sir. Manliligaw at manliligaw pa rin ako sa 'yo!"



SPARKSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!