14

1.8K 89 44

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

14

Maagang pumasok si Kim kinabukasan, inspired na inspired dahil sa date nila ni Sir Carlos niya kahapon. Feeling niya, talagang may pag-asang sasagutin siya ng binata. Hindi niya inaasahang aabutan niya si Lowai na mas maaga pa pala sa kanya.

"Wow! Aga natin ah. Kung inspired ako, malamang mas inspired ka."

"Yeah. I saw you yesterday."

"Saan?"

"I saw you with Sir Carlos."

"Ahhh. We had our first date." Ang saya-saya niyang nagbalita.

"Kim, huwag mong sabihing hindi kita pinaalalahanan. Lalaki ako at ayokong masaktan ka sa bandang huli."

"Yes father Lowai."

"Alam mong may girlfriend siya."

"Hindi naman naging sila."

"Pero alam mong siya ang mahal ni Sir Carlos. Gumising ka nga sa katotohanan, Kim!"

"Bakit ba kumokontra ka ngayon ha? Akala ko ba magkakampi tayo?" Biglang nainis siya sa kaharap.

"Wala. Magtrabaho na nga tayo."

"Nag-aaway ba tayo ha, Lowai?"

Seryosong napahinto sa ginagawa niya ang binata. "Hindi, kahit kailan, hindi kita aawayin. Sige na, sorry na. Ayoko lang na makitang iiyak ka sa huli dahil sa panliligaw na ginagawa mo. Masyado kang espesyal para ipagpilitan ang sarili mo sa isang taong alam naman nating dalawa na may iba ng gusto."

Ngumiti si Kim. "Sweet mo naman, partner! Pero, I assure you, okay lang ako. Ngayon pa ba ako susuko kung kailan nagiging okay na kaming dalawa? Hayaan mo, kapag sinagot ako ni Sir Carlos, ikaw ang unang makakaalam. Promise."

Nahinto lang sila sa pag-uusap ng tungkol sa lovelife niya dahil biglang dumating si Carlos. Ngumiti ito ng magtama ang mga mata nila. Siyempre, sobra siyang kinilig, napailing na lamang si Lowai.

Tuluy-tuloy ang sigla niya sa pagtatrabago ng gabing yun. Paano ba siyang hindi kikiligin, nagpadala ng simpleng note si Carlos sa kanya. Simpleng pasasalamat sa masayang araw na kasama siya kahapon.

"Haaay natapos din ang araw na ito. What a great day, partner!"

"Great day for you."

"Oo naman! Alam mo, nagsusuplado ka na sa akin ha, sign yan na nababagot ka na sa pagiging single. Huwag kang mag-alala, ilalakad kita sa bago nating singer."

"Hindi ko siya gusto no."

"Ay choosy ka lang? Alam mo, ipahinga na lang natin yan, tara ng matulog sa quarters dahil inaantok ako. Ilang gabi rin akong puyat sa kakaisip kay Sir Carlos."

"At bakit ka napupuyat sa kakaisip sa akin?"

"Ay Sir!" GUlat siya sa biglang pagsulpot ng binata.

"Wa-wala, joke lang yun."

"So, hindi mo ako iniisip?"

"Ha? Ah eh, iniisip. Ay ano ba yan. Bigla akong nahiya ng very light. Si LOwai kasi."

"Bakit ako."

"Hatid na kita." Biglang kambyo ni Carlos.

"Ha?" Nabingi yata siya saglit.

SPARKSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!