8

2.4K 129 18

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

8

"Hey! Lunod na lunod na ang mga Santan sa iyo." Natatawang saway ni Gabrielle sa pinsan.

"Kinikilig pa rin kasi ako, Cuz. Hindi ako maka get-over sa paghatid ni Sir Carlos sa akin kaninang madaling araw. Feeling ko, tumatalab na ang power ng Santan."

"Yan tayo eh, ang lakas ng fighting spirit! Nagsimula ka ng manligaw, hindi ba?"

"Hindi pa formally." Nag-iisip pa kasi siya ng talagang mga paraan paano manligaw sa isang Carlos Manlotoc.

"Formally? So, nauna ang informal na panliligaw? Akala ko nga kanina nung hinatid ka, sinagot ka na eh." Natatawang tukso ni Gabrielle.

"Hay naku, Gab. Mapapasagot ko rin ang Carlos nay an, tiwala lang talaga ang kailangan ko."

"At lakas ng loob." Dugtong ni Gabrielle

"Yeah, a lot of self-confidence. Don't worry, I have a lot." Kumindat pa siya sa pinsan.

"I know, but what if he will say NO? Ready ka rin bang mabasted?"

"Gabrielle Dela Merced soon to be Acquino, sisiguraduhin kong hindi ako mababasted ng grumpy Carlos nay an. Soon, I will be the reason of his smiles, the reason why he wakes up every day, and the reason why his heart beats." She said in full confidence.

"Oo na, pero sinasabi ko sa iyo Kailie Ilia Mendoza, ibang sakit ang naibibigay ng puso. Mas mahirap itong gamutin, mas mahirap maghilom, mas mahirap alisin ang marka."

INAANTOK pa si Kim pero kailangan niyang pumasok ng maaga dahil may meeting silang mga staff ng restobar. Simula nung magdesisyon siyang manligaw kay Carlos, pinipilit niya talaga ang sarili niya na hindi mahuli sa pagpasok. Gusto niyang laging good shot sa kanyang boss and ika nga soon-to-be-boyfriend.

"We will add more staff starting next week. Lumalaki kasi ang demand ng restobar, and with that, I would like to congratulate everyone for a job well done!" Umpisa ni Aron Miguel.

"Congratulations also to our chefs. Talagang binabalikan ang mga masasarap nating pagkain ng dahil sa kanila." Dagdag pa ni Ruel.

"And also to our Bartenders, Kim and Lowai, you too are doing great." Nakangiting sabi ni Carlos Manlotoc.

Hindi alam ni Kim ang mararamdaman, halo-halo na, kilig at pasasalamat. Unang beses na ngumiti si Carlos sa kanya ng totoo. Nung kinamayan pa siya nito, kinagat na lamang niya ang pang ibabang labi para sa pinipigilang kilig. Nawala ang lahat ng antok niya.

"Hoy, pumirmi ka nga." Bulong ni Lowai sa kanya sabay siko ng mahina.

"Heh. Huwag kang epal ha, sa kinikilig ako." Ganting bulong niya. Tumahimik na lang ang binata.

Nung matapos ang meeting ay hinintay niyang lumabas si Carlos sa opisina nito. Nadaanan siya ni Lowai. May tatlong oras pa kasi sila para sa kanilang shift.

"Kumain muna tayo, ililibre kita." Yaya nito sa kanya.

"May inaantay pa kasi ako. Isa pa, humingi ka ng makakain sa kusina, mas libre dun. May kape pa." Asar niya.

"Gusto ko sanang kasama ka." Malungkot na sabi ni Lowai na hindi naman sineryoso ni Kim.

"Partner naman, araw-araw tayong magkasama sa trabaho, hindi ka pa ba nagsasawa? Isa pa, inaantay ko ang liligawan ko, si Sir."

"Kailan ka ba matatauhan sa kalokohan mong yan?" Iniwan siya nitong mag-isa.

"Hi Sir!" He greeted Carlos in her full smile. Tumingin lamang ito sa kanya pero hindi apektado si Kim ng mga pa-suplado effect nito.

"Malapit lang ang sa inyo, hindi ba? Bakit hindi ka muna umuwi?"

"Hinihintay kasi kita, Sir. Gusto kitang makausap." Lakas loob niyang sabi.

"Ha? Tungkol ba saan? O sige, maupo ka." Seryoso pa rin ito.

"Ah, hindi ba, hindi ito ang oras ng trabaho natin?"

"Yes."

"NIlilinaw ko lang, Sir. Ehem, Sir, can I formally start to court you? Sir, bago ka magreact, makinig ka muna." Akma kasing magsasalita si Carlos kaya pinigilan niya.

"I know, it's against your belief. Alam kong para sa iyo, lalaki dapat ang nanliligaw hanggang sa magustuhan siya ng babaeng nililigawan niya, pero hindi kasi ako naniniwala dun, Sir. Naniniwala akong pantay-pantay ang lahat. Pwede ring manligaw ang babae sa lalaking gusto niya."

"Miss Mendoza, let me just remind you that I AM YOUR BOSS."

"Sir, walang mayaman at mahirap sa pag-ibig. Hindi yan sa yaman, o sa ganda, o sa edad, o sa kulay ng balat. Lahat tayo pantay-pantay. Wala yan sa kasarian."

Napalingon si Carlos. Kung narito ang mga kaibigan niya, malamang mabubugbog siya ng tukso sa mga ito, lalung-lalo na si Ruel.

"Miss Mendoza, listen. I want you to take note of this. Right now, I am in-love with someone. My heart belongs to someone, and unfortunately, it's not you. So please, can you stop this damn courting?" Naiinis na sabi nito sa kaharap. Hindi naman siguro ito tanga para hindi makuha ang mensahe niya. Tumayo siya para iwan ito.

"Basted ba ako agad? Hindi pa nga ako nagsisimula ah." Malungkot na sabi ng dalaga.

"YES. Stop pestering me." Tatalikod n asana uto pero biglang napalingon.

"And please, stop giving me that...that small flower. Ayoko ng makakita pa ng Kalachuchi sa plato ko."

"Sir!" Tawag ni Kim. Napalingon si Ruel sa kanila dahil sakto namang lumabas ito mula sa kusina.

Lumapit si Kim kay Carlos.

"Basta nakapag-paalam na ako, hindi mo ako mapipigilan. Siguro hihinto lamang ako kapag alam kong wala na talagang pag-asa, kapag naikasal ka na. At isa pa, hindi yun bulaklak ng Kalachuchi, Santan ang tawag dun, Sir. PEro di bale, hindi ako na turn – off." Sabay talikod at lakad papalayo.

Naiwang tulala si Carlos.

"Tibay ng manliligaw mo, Pare. Mukhang determinadong mapasagot ka." Asar ni Ruel sa kanya.

"Damn! Sisisantehin ko na siya. Nasaan si Alexie?"

"Malay ko. Pero I doubt, malaki ang bilib nun kay Kim. Isa pa, one of a kind siya, Pare. Parang Kim's Sin niya, pilit ginagaya pero hindi mapantayan."

"I just want to talk to her. Siyangapala, bakit sinabi mong kalachuci ang bulaklak na ibinibigay ni Kim? Hindi naman pala, Santan pala ang tawag dun."

"Santan ba? Malay ko sa mga bulaklak, isa lamang akong hamak na gwapogi, Pare, hindi ako florist. Isa pa, Rosas ang binibigay ko kay Gab. Hayaan mo, papautangin ko si Kim para mabigyan ka ng Rosas." Tatawa-tawang depensa ni Ruel.

SPARKSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!