9

2.9K 136 15

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

9

"I can't believe that you people do have favoritism here." He protested. He complained about Kim's behavior towards him. Pero lahat ng mga ito, hindi pumayag na alisin si Kim sa resto. Malaki raw ang pakinabang nito bilang magaling na bartender

"If she already mess up with her works because of that courting thingy, then that's the time I'll let her resign. Will that be fine with you, Carlos?" Naglatag na lamang ng kundisyon niya si Alexie.

"I agree with my sister, Pare." Aron Miguel.

"Me too, with my wife." Si Marcus.

"No comment." Si Ruel.

"This is really unfair! Sinong kamag-anak ko ang tatawagin ko rito? Si Candice?" Naiinis na sabi ni Carlos.

"Send her home, Pare. I'll cast two votes for you." Natatawang sabi Aron Miguel.

"Sagutin mo na si Kim, Pare, then you'll have my vote."

"Ulol!" Kinuha niya ang susi ng kotse niya na nakapatong sa lamesa at umalis. Kim should really not dare to try messing up with him. Nauubos na ang pasensiya niya rito at sa mga santan nitong dala!

Samantala, tinignan ni Kim ang ginawang love note para kay Carlos, gusto niya sanang love letter talaga para mas mahaba-haba pero sa susunod na. Nakuha niya ang numero nito mula sa pangungulit kay Ruel pero naisip niyang mas maganda kapag personalized ang ibibigay niya rito. Mas maganda kapag pinaghirapan.

Maiikling mensahe lang naman, simple pero mula sa puso. Balak niyang simulan ang pagbibigay bukas, papasok siya ng maaga para talagang hindi pa nagsisimula ang kanyang shift ay maibigay na niya. Hindi pa rin maaapektuhan ang kanyang trabaho.

Saglit niya munang sinilip ang mga tanim na santan mula sa bintana bago napagpasyahang umidlip muna. Day off niya ngayon at ang balak niya ay mag-isip lamang ng mag-isip ng mga gagawin para kay Carlos.

Alam naman niya na naiinis si Carlos sa ginagawa niya. Alam niya umpisa pa lang na hindi ang mga tipo niya ang magugustuhan ng binata. Pero gagawin niya lahat para magising na lamang itong siya na ang laman ng puso nito. At dahil nga nakapagpaalam na siya sa binata na manliligaw siya, talagang manliligaw na siya.

NAPAKUNOT-NOO si Carlos, may nakita siyang nakadikit na papel sa swivel chair niya. Smiley sticky note. Sino naman ang nag-iwan nito. Binasa niya ang nakasulat.

Sir,

Don't forget to smile.

Kim

Napailing na lamang siya. Kinuha iyon at itinapon sa basurahan sa ilalim ng mesa niya. Hindi na siya nagulat nung may makitang tatlong Santan sa itaas ng mga papeles. Mamaya, pagsasabihan niya ang naglilinis na huwag ulit sundin ang ipinag-uutos ni Kim.

Napagpasyahan niya kasing hindi na pansinin ang 'panliligaw' nito. Tingin niya, mas makakabuti ang ganoon para isipin nitong wala siyang mapapala sa pagpapapansin sa kanya. Para kay Carlos, ang lalaki dapat ang nanliligaw sa mga babae. Hindi magandang tignan na sila ang unang kikilos kahit pa nga sabihin nilang moderno na ang panahon ngayon.

Nagsimula na siyang magtrabaho, dinala na niya pati ang ilang papeles niya sa kanyang opisina. Minsan, mas nare-relaks siya rito kesa sa kanyang sariling opisina. Dito kasi, apat na utak ang nag-iisip, idagdag mo pa si Alexie. Kahit pa nga apat silang gumagamit ng opisina at medyo may kasikipan, okay lang. Madalas naman ay sa labas sila tumatambay, tumutulong sa pag aasikaso sa mga customers.

Maya-maya lamang ay may narinig siyang katok. Si Kim.

"Yes?"

"Would you like me to serve you coffee, Sir?"

"No need." Nagpatuloy siya sa ginagawa.

"Tea? Or juice? Baka gusto nyo po ng sandwich?" Kulit pa nito. Tinignan niya ang relo, may trenta minuto pa bago ang shift ng dalaga.

"Miss Mendoza, don't you know that I am working? I don't need anything, and if I do, I'll call the chef, not you."

Nakita niyang nalungkot ito. Mas mabuti at ng matauhan na. "Okay, Sir."

"And Miss Mendoza?" Nakita niyang dahan-dahan itong lumingon sa kanya. AGad siyang yumuko para kunin ang note na itinapon niya kanina. "Stop giving me this, including these flowers." Sabay tapon pabalik sa basurahan.

"Awts, Sir!" Narinig niyang sabi pa nito. "You'll get used to those things, don't yah worry." BAlewang sagot nito. Inaasahan na niya iyon at alam na niya ang isasagot niya.

Pagbalik ni Kim ay nandun na si Lowai at naghahanda ng mga gamit nila.

"Hi Lowai! Ang gwapo-gwapo mo ngayon ah!" Masayang bati niya na siyang ikinagulat ng kasama.

"Masaya ka yata?"

"Oo naman! Pinansin niya ako!"

"Pinansin o pinagalitan?" Nakita niya kasi ito sa harap ng opisina ni Carlos, at nakita niya ring hindi man lang nakapasok ang kaibigan.

"Basta pinansin ako, ayos na sa akin yun, Lowai. Teka, let's try to invent a ladies drink and call it LoKim. C'mon, inspired ako eh."

"Hindi ako inspired, ayoko."

"Kill joy nito. Sige na, kukunin kong number nung bagong tanggap na singer. Maganda siya at sexy, nakita ko kanina."

May bago kasing paandar ang bar nila, live band, at tuwing Sabado at Linggo ay may naka assign na stand-up comediennes/ans .

"Ano ka ba, ayoko ng sakit ng ulo."

"Alam mo, Lowai, pinapakialaman mo ang magiging lovelife ko pero ikaw, hindi ko alam kung may girlfriend ka na ba o wala. Meron ba?"

"Wala."

"May nagugustuhan?"

Umiwas ito ng tingin. Iniba ang usapan. "Sige na, let's make a new cocktail drink, LoKim ba ang gusto mong pangalan?"

Nagkibit balikat na lang si Kim, mukhang malihim ang partner niya, pero di bale, aalamin niya ang babaeng gusto nito.

"Yep, LoKim, short for Lowai and Kim. Ang cute 'di ba? I want something mild lang pero hahanapin ng panlasa. Tamang-tama lamang sa mga girl customers natin na hindi mahilig magpakalasing." Kinuha nito ang cocktail shaker.

"Sige, para kahit man lang sa inumin magkakasama tayo." Sabay abot kay Kim ng jigger, ganito ito kapag may naisip na gawing inumin.

"Nag da-drama ka? Hindi ako sanay! Para namang hindi tayo halos araw-araw na magkakasama sa ating sanctuary, teka, papalitan raw ang pangalan ng ating resto bar?"

"Oo. Hindi ba't naipaliwanag na na maraming pagbabago?"

"Hindi ako nakinig eh. Ang gwapo kasi ni Sir Carlos."



SPARKSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!