5

2.5K 119 16

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

5

"I can't believe she said that to me! Kababaeng tao, manliligaw? Ano na ba ang nangyayari sa mga babae ngayon?" Reklamo ni Carlos kay Aron Miguel.

"Okay naman si Kim ah. Sagutin mo na." Asar ni Aron Miguel.

"Hindi siya ang tipo kong babae. Isa pa, alam naman ninyo na may gusto akong iba. Ano na lang ang sasabihin ni Zafrina?"

"Akala ko ba hindi mo girlfriend yun?"

"Hindi pa officially, but we are exclusively dating, but no commitment."

"Ang labo naman niyan, Pare."

"Hindi naman, basta nagkakaintindihan kayo. Pinapauwi na nga pala ni Papa si Candice, pero ayaw."

"Hihintayin ko ang pagbabalik niya, kahit gaano katagal, Carlos."

"Excuse me, Sir, lunch nyo po."

"Ito ba yung bago mong recipe ng adobo, Chef?"

"Opo, Sir."

"Salamat. Bakit may bulaklak?" May tatlong pirasong maliliit na bulaklak kasi sa itaas ng plato niya, parang parte ng design ng pagkain.

"Sir, pasensiya na po talaga, makulit po kasi si Kim, sabi niya ibigay ko raw sa inyo. Jan ko lang po naisip ilagay since napakaliit naman."

Kinuha ito ni Carlos at itinabi. "Next time, huwag mong sundin ang utos ni Kim kung ayaw mong sisantehin kita, maliwanag?"

"Yes Sir. Sorry po talaga,"

Nakangisi si Aron Miguel. "Nagsimula na bang manligaw? Okay ah, ano bang tawag sa bulaklak na yan?"

"Ewan ko. Kumain na nga tayo."

*****************************************

"What's wrong with you, Miss Mendoza?" Nagkasalubungan sila ni Carlos.

"Nothing's wrong with me, Sir. Why?"

"You told the chef to give me flowers?"

"Ahhhhhhh! Ito naman, nasa work tayo at hindi ko pa break. Mamaya na natin pag-usapan ang panliligaw ko sa 'yo Sir. Sige, Sir." Nagmamadaling umalis siya, hindi na niya hinintay pa na makapagsalita ito.

Napailing na lang si Carlos. Pwede ba niyang sisantehin ang isang empleyado ng dahil sa nanliligaw ito sa kanya? Kailangan niyang makausap ni Alexie.

******************************

"So okay lang ang ginagawa ni Miss Mendoza ha, Alexie?"

"Look, wala tayong mahahanap na kasing galing ni Kim, isa pa, you should be flattered, ang gwapo mo lang, Carlos ha. Bibihirang nililigawan ng isang magandang babae. Kailan mo ba sasagutin?"

"Pati ba naman ikaw? Kaya ang lakas ng loob ng babaeng yun kasi lahat yata suportado siya! I can't believe this!"

"Easy Pare, asawa ko yan. Alam mo, madali lang naman solusyunan ang problema mo, nililigawan ka ni Kim? Wala kang gusto sa kanya, bastedin mo. Ngayon, kung meron naman, hayaan mo ng manligaw." Si Marcus. Nasa loob sila ng opisina at naglalabas ng saloobin niya si Carlos.

Hindi alam ni Carlos, kinausap na ni Kim si Alexie, nangako itong hindi maapektuhan ang trabaho niya. Bukod pa sa pangako ni Gabrielle na titignan-tignan niya ang kilos ng pinsan, na ito na raw ang bahala kay Kim kapag napasobra ito sa ginagawa.

"Alexie, Marcus, alam naman ng lahat na may espesyal na babae sa buhay ko ngayon. Ayokong masaktan si Zafrina."

"Eh di sabihin mo yan kay Kim. Kung tutuusin, tama ang asawa ko, Carlos, simple lang ang problema, bastedin mo kung wala kang gusto. Nag-I love you na ba?"

"Wala naman."

"Wala naman pala eh, baka naman assuming ka lang, crush ka lang nung  tao, iba ang crush sa mahal."



"Matanong nga kita, Alexie, ikaw ba, gagawin m okay Marcus ang ginagawa ni Kim ngayon?"

Tumingin si Alexie kay Marcus, ang laki lang ng ngiti ng asawa niya.

"Siguro, ang gwapo – gwapo kaya ng asawa ko. Isa pa, pag mahal mo ang isang tao, Carlos, lahat gagawin mo. Intindihin mo na lang si Kim. Mabait naman siya at maganda, aba, hindi ka na lugi ah!"

"Ewan ko sa inyo."

Parang bigla siyang nagkaroon ng problema na dapat ay wala naman. Ayaw niyang magkaroon ng rason si Zafrina para magalit sa kanya, kailangang malaman nito ang ginagawa ni Kim.

"Mukhang problemado ka, Pare ah? Babae ang dahilan?"



"Oo, at ang babaeng yan ang papatay sa lovelife ko, Pare."

Iiling-iling na lamang si Ruel. "Hindi na ako mag cocomment, Pare, baka sabihin mong may kinakampihan ako. May date nga pala kami ni Gab mamaya, ikaw muna ang tatao rito."

"Pwede naman sigurong pagsabihan ni Gab ang pinsan niya, hindi ba?"

"Simpleng problema lang yan, Pare, pinapalaki mo kasi kahit papaano, nakukuha na ni Kim ang atensiyon mo. Tama ba?"

Noong dumating si Zafrina ay hindi naman niya nagawang sabihin sa babae ang tungkol kay Kim, ayaw niya kasing pagmulan ito ng away nila.

"What's wrong?"

"Ha? Wala naman. What do you want to eat?"

"I like that steamed salmon with its special sauce, and that juice that Kim gave me last time."

"Okay,  I guess Lowai will make it this time, medyo busy si Kim." Nakita niya kasing maraming customers na inaasikaso ang dalaga.

"Oh, never mind, Carlos, I can wait naman, I'm still full.  I like Kim to serve me, parang ang light kasi ng personality niya. She's so candid and so spontaneous. "

"Okay."

Kung saan-saan din umabot ang usapan nila hanggang sa ...

"By the way, Madame Fritz called last night."Kilala ni Carlos ang tinutukoy ni Zafrina. Kapag tumawag ito, ibig sabihin aalis na naman siya. Hindi na siya sumagot.

"Carlos, it's a big opportunity. Alam mo naman na pangarap ko talagang makatrabaho ang mga top models ng mundo."

"Hanggang kailan ba tayo ganito, Zafrina? I cannot even say that we are in a relationship."



"Carlos naman, we already talked about this. I thought you can wait?"

"Assurance lang naman, Zaf."

"Okay, ganito na lang, this will be my last contract, when I come back, let's talk about us."

"Zafrina, I just want this to be official. Yung pwede kitang tawaging girlfriend."

"Carlos, please. Just this work. Mga two years siguro, the most. After that, saka natin pag-uusapan yung tungkol sa atin. I don't want to commit myself to someone as of this time. I hope you understand."

"Okay." Matamlay na sabi nito. Dumating na ang inorder niyang makakain nito, pati ang inumin na si Kim pa ang naghatid.

"Thanks, Kim."

"You're welcome, Ma'am." Ngumiti kay Zafrina pero sa kanya hindi.

"Nasaan ang inumin ko, Miss Mendoza?"

"May inorder po kayo, Sir Carlos?" Seryosong tanong ni Kim.

************************************************





SPARKSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!